KINUHA niya ang tea glass sa tray at inutusan ang pribadong sundalo na tanggalin ang tali sa kamay ni Zeth. "Huwag kang mag-alala, ito ang uri ng kamatayan kung saan wala kang nararamdamang sakit," paliwanag niya. Agad niyang iniabot ang tea glass kay Zeth. Napansin ko ang panginginig ng kamay niya habang tinatanggap ang inabot sa kanya ni Mr. Dark. Sa kanyang mukha, hindi siya nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang pagtataksil. Kahit nahihirapan siya ay, hindi man lang siya humingi ng tawad. Walang sabi-sabi, kinuha niya ang inabot ni Mr. Dark sabay ininom niya ito. Natigilan kaming lahat habang nasaksihan ang ginawa niya. Buong akala ko ay susubukan niyang magmakaawa at humingi ng tawad, pero napakataas ng kanyang pride. Dahil mas pinili niyang mamatay kaysa humingi ng tawad, maya-maya pa

