DELIKADO ANG MISYON NAMIN

1977 Words

AGAD siyang umupo para tingnan ang mga mata ni Lie. Nang tanggalin ng doktor ang gauze pad, nagulat ako dahil namamaga pa rin ang kanyang mga mata at halos hindi na maidilat. Umiling-iling ang doktor habang nakatingin sa mga mata nito. Sabi ng doktor pwedeng sa kuwarto namin si Lie mag-stay habang hinihintay na maka-recover ang mga mata niya, pero kailangan niyang pumunta sa clinic tuwing umaga para mamonitor ang sitwasyon nito. Maraming gamot ang ibinigay para sa mabilisan na paggaling. "Doktor, ilang araw bago maghilom ang mata ko?" tanong ni Lie, at halata sa boses niya na malungkot siya. “Siguro dalawa o tatlong linggo," tugon ng doktor. "Tatlong linggo? Matagal na iyon, doktor," reklamo niya. Matapos ang aming pag-uusap ng doktor, pinayagan niya kaming bumalik sa aming silid.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD