At pagkaraan ng ilang sandali, lumapag ang eroplanong sinakyan ni Yin Tong. Agad namang kumilos ang mga convoy, at bumaba sila sa kani-kanilang sasakyan. Biglang tumunog ang phone ko, at si Haressa ang tumawag sa akin na kasalukuyang nasa loob sila ng airport. "Oo, Haress?" tanong ko sa kanya sa kabilang linya. "Lalabas na sila," sabi niya. "Ano ang sitwasyon doon?" "Mayroon siyang hindi mabilang na mga bodyguard na kasama niya," sagot niya. “Marami rin siyang convoy sa labas, mag-ingat ka para hindi ka nila mapansin,” paalala ko. Hanggang sa labas na ng airport ang target namin, hinihintay muna namin silang umalis, tapos sinundan namin sila. Napakalayo namin dahil maraming convoy sa unahan, at maya-maya ay napansin kong nag-overtake si Haressa. "Hindi ba si Haressa iyon?” gulat n

