Napansin agad ni Lie ang aking lungkot sa mukha kaya agad niyang hinawakan ang aking palad, sabaya haplos niya. "Salamat, Jenn." madamdaming wika ni Glendy. “Walang Problema.” Sabay ngiti ko sa kanya. "Ito rin sa akin, gamitin mo muna." At inabot din ni Haressa ang kanyang pera. "Huwag na, Ressa, itong dalawang daang libo ay sapat na para sa aking pamilya. Itago mo lang ito para sa iyong pamilya," saad ni Glendy. “Wala na akong pamilya, at alam mo iyon,” malungkot na sagot niya. "Salamat, Ressa." At niyakap niya ito. "Mr. Dark," sambit ni Zeth. At napalingon kami sa kanya. “Pakit?” "Pwede ba akong magbukas ng sarili kong bank account? At i-deposito itong pera ko. Para kapag nakalaya na ako, may magagamit akong pera para sa paghahanap ko sa aking mga kapatid. Lalo na sa pagh

