Matagal kaming nag-usap, habang mahimbing na natutulog ang mga kasama namin. Ang sarap sa pakiramdam kapag katabi ang taong mahal at kayakap. Gaya ngayon na niyakap ako ni Lie habang nakatagilid ako. Kahit walang romansa sa aming dalawa ay kuntento na kami sa sitwasyong ganito; yakap, halik sa pisngi, halik sa labi. Sana hindi magbago ang magandang relasyon namin ni Lie. Kinabukasan, maaga kaming nagising para maghanda. "Basta kahit anong mangyari, walang maiiwan," sabi ni Lie, habang hinahanda namin ang aming mga sarili. "Walang maiiwan!" sagot namin. Hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto at natapos na rin kaming maghanda sa aming mga sarili. "Ito ang mga gamit ninyo. Good luck!" bilin sa amin ni Mr. Dark. Sumakay kami sa isang itim na van at sa loob ay inihanda na namin ang am

