Tinatamad na bumangon si Celestine sa higaan. Halos buong araw na siyang nakahilata sa kama at wala siyang ganang kumilos. Kung hindi pa talaga siya nakaramdam ng sobrang gutom ay hindi talaga siya babangon.
Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng mansanas at agad na kinagat iyon. Naubos agad niya ang isang buong mansanas ngunit hindi pa rin naibsan ang nararamdaman niyang gutom kaya kumuha siya ng tinapay at kinain habang nagluluto ng itlog sa kawali. Tatlong itlog ang niluto niya. May kanin pa naman siyang tira kagabi at hindi pa naman napanis.
Nang maluto ang itlog ay sinunod naman niyang ginisa ang kanin. Nang matapos ay nilagay niya sa plato at inumpisahang kainin iyon ngunit nakailang subo pa lang siya ay nawalan na siya ng ganang kumain.
Pinakiramdaman niya sarili. Di kaya ay buntis siya?
Tumayo siya at kinuha ang cellphone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng kama niya.
Niresearch niya ang mga sintomas ng isang buntis.
Maraming lumabas na early pregnancy signs.
At halos lahat ng naramdaman niya ngayon ay sintomas ng isang babaeng buntis.
Biglang siyang nakaramdam ng pagkabog ng kanyang dibdib. Bigla isang sabik na pakiramdam ang hindi niya inaasahang maramdaman ngayon.
Isang araw ng delayed ang mestruation niya kaya malakas ang pakiramdam niyang buntis siya.
Gusto na niyang lumabas at bumili ng pregnancy test pero parang sobrang aga pa para magPT. Siguro maghintay pa muna siya ng dalawa o tatlong araw pa saka siya magPT.
Hinimas niya ang kanyang tiyan at pinakiramdaman. Nanigas iyon na parang may kabag siya pero ganoon daw talaga ang buntis kaya excited na siyang maconfirm iyon.
Napalingon siya sa may pintuan ng makarinig siya ng katok. Bigla parang gusto niyang takbuhin ang pintuan at salubungin si Andrew ng yakap at sabihing buntis siya at inaasahan niya na yayakapin din siya nito ng mahigpit sa sobrang saya.
Parang totoong nagmamahalan.
Ngunit syempre hindi mangyayari iyong imahinasyon niya. They are not lovers and they'll never be.
Isa pa halos dalawang linggo na itong hindi nagpapakita sa kanya. Hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta. Well, sino ba naman siya para magpaalam ito. Kung hindi dahil sa pang-iistalk niya sa i********: nito ay hindi pa niya malalaman na pumunta ito ng hongkong for business. Buti nalang mahilig na itong magpost ngayon atleast may ideya siya kung nasaan ito. Kahit paano ay naiibsan ang pagka-miss niya rito.
Ngunit hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng inis sa lalaki. Ganoon na ba siya ka walang kwenta talaga para hindi man lang magsabi na mawawala ito ng dalawang linggo?
Napabuntong hininga siya ng malalim at bumalik sa mesa at inumpisahang kainin ang pagkaing naiwan. Bahala na ang lalaking iyon. Hindi niya pagbubuksan. Naiinis siyang talaga.
Ngunit hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan. Syempre alam nito kung paano buksan ang unit niya.
Pagkapasok nito ay nakita agad siyang kumakain. Lumapit ito sa kanya at tumayo lang sa harapan niya kaya napatingala siya rito. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito habang nakipagtitigan sa kanya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kakaibang pagkabog sa dibdib. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil parang gustong niyang tumayo at lapitan ito at yakapin ng sobrang higpit.
Yes, naiinis siya rito dahil walang araw na hindi niya ito namiss at naiinis siya dahil hindi niya ito nakita.
Dahil hindi ito nagpakita sa kanya.
Sino ba naman siya para magdemand rito ng time?
Una siyang nagbawi ng tingin at itinuon sa pagkain ang mata.
Nakarinig naman siya ng malakas na buntong hininga mula rito ngunit hindi niya ito tiningnan.
"Bakit itlog lang ang ulam mo? It's dinner, you should have a nice dinner." Sa wakas nagsalita rin ito kahit sa pagalit na boses.
Lumakad ito palapit sa refregerator at binuksan iyon.
"What the.... Celestine Marquez, two weeks akong nawala at ni isang gulay ay hindi mo naluto. At ang karne andito pa. Ano bang kinakain mo all these weeks? Noodles?" Halos mabingi yata sa Celestine sa boses ni Andrew. Hindi naman iyon sumisigaw pero ang bawat bagsak ng salita nito ay parang nakakasira na ng eardrum niya.
Hindi tuloy siya nakapagsalita. Ano bang irarason niya? Kahit ano siguro pagagalitan pa rin siya.
Lumapit ito sa kanya at halos ilapit na ang mukha nito sa mukha niya para masigurong titingin siya sa mga mata nito.
"Ano? Magsasalita ka ba o I will zip your lips completely? " Tanong at banta nito habang nakatitig sa mata niya at bumaba ang tingin nito sa lips niya na parang biglang nanginig. Mukhang alam na niya ang ibig sabihin ng banta nito.
Napaatras siya bigla.
"Oo na magsalita na ako. Hindi ako mahilig sa gulay plus hindi ako marunong magluto. Maniwala ka." Halos magkandautal na sabi niya. Ito naman kasi ayaw hiwalayan ng titig ang labi niya.
Maya-maya ay bumuntong hininga ito binuksan uli ang refregerator at naglabas ng gulay at karne.
Ang bilis ng naging kilos nito. Para itong chef sa isang restuarant kung kumilos. Aba, mukhang may talent.
Bigla niyang nakalimutan ang pagkain sa mesa dahil naaliw siyang panuorin ang gwapong chef kanyang kusina.
"Ano iyang niluluto mo?" Hindi siya nakatiis ay nagtanong na siya.
"Pork sinigang. Paborito mo ito diba?" Mabilis na sagot nito.
"Paano mo nalaman?" Nagtaka siya kung paano nalaman nito na paborito niya ang sinigang. Never naman niyang nabanggit iyon sa lalaki. And yes, paborito talaga niya iyon lalo na kung ina niya ang magluluto.
"Ahmm, well..everyone loves pork sinigang kahit ako paborito ko rin ito kaya I assume na paborito mo rin ito." Mabilis na sagot nito ngunit hindi siya kumbinsido. Siguro gustong isipin ng puso niya na inalam nito ang mga paborito niya.
Yey! Kilig! Pero Yey din, assuming lang masyado ang puso niya.
Hindi nagtagal ay naluto na ang kanin at ang sinigang.
Amoy palang ay hindi na siya makapaghintay na kumain.
Nakaupo lang siya sa mesa at hinintay na maghain si Andrew. Ngunit umupo ito sa harapang mesa niya at hindi naghain.
"Luto na ba?" Tanong niya kahit alam niyang luto na dahil pinatay na nito ang apoy.
"Yep kaya maghain ka na dahil hindi ka prinsesa." Utos nito sa kanya sa tonong nagbibiro.
Ngunit hindi iyon biro para sa kanya. Naiinis siya sa sinabi nito.
Halos nakangusong tumayo siya at naghain.
Hindi na niya nakita ang ngiting sumilay sa labi ni Andrew.
Naghain siya ng para sa sarili lang ngunit paglapag niya ng bowl na may lamang ulam ay kinuha agad iyon ni Andrew at inumpusang higupin ang sabaw gamit ang kutsara.
Nabigla naman siya sa ginawa nito.
"Aba! Akin iyan. Maghain ka nga ng sayo kung gusto mong kumain." Halos mag-abot ang kilay niya ng ipinagpatuloy pa rin nito ang paghigop ng sabaw at hindi siya pinansin.
Parang gusto niya itong hampasin ng sandok sa inis ngunit tumalikod nalang siya at nagsandok ng sabaw sa bowl.
Hindi na naman niya nakita ang mas malapad na ngiti ni Andrew.
Tahimik silang dalawang kumain. Si Andrew ay sinigang lang ang kinain samantalang siya ay halos maubos na ang kaning niluto.
Kinuha ni Andrew ang pechay sa kaserola na itinabi niya at nilagay sa plato nito. Maya-maya ay sinandok iyon ng kutsara na ikinabigla niya dahil umaktong isusubo iyon sa kanya.
Napaatras tuloy ang ulo niya.
"Teka, nohh, ayoko niyan." Tanggi niya. Ayaw talaga niya ng gulay.
"For the baby, kaya kainin mo na ito. Please?" Malumanay at may pagsuyo ang boses nito habang ang mga mata ay parang nagsusumamo.
"Ay hindi mo ako madadaan sa ganyan Andrew. Nope. No way. Hindi ko kayang lunukin iyan." Matigas na tanggi niya.
"Please?"
"Ayoko sabi." Matigas pa ring tanggi niya.
"Okay, kung hindi ka talaga madadala sa pakiusap e di mamili ka nalang, ikakama kita ngayon o kainin mo ito. Gusto kong marinig iyong matigas na 'no' mo baby." May paglalanding banta nito na nakangiti pa ng malawak.
Aba! Ang hirap mamili ah. Sa loob-loob niya. Parang bigla gusto niyang mastigasan ang pagtanggi niya.
Ngunit baka mas lalong mabaliw siya kung titikman na naman niya ulit ito. Para kasi itong paborito niyang pork sinigang. Simula ng natikman niya ay lagi na niyang hinahanap-hanap.
"Akin na nga iyan. Kainin ko na." Aniya at pilit kinuha ang kutsara na paramg ayaw naman nitong bitiwan.
"Sigurado ka bang kakain ka na ng gulay? Pwede ka ng tumanggi kung ayaw mo talaga." Pangungulit ni Andrew habang hinawakan ng mahigpit ang kutsara.
"Ang kulit nito. Sabing akin na yan at kakainin ko na." Aniyang pilit kinuha ang kutsara.
Binigay naman ni Andrew ang kutsara na may lamang gulay at inilapit din ang platong may lamang gulay.
Nakatitig lamang ito sa kanya habang siya ay pinipilit na kainin ang gulay.
Pinilit talaga niyang lunukin ang gulay. Siguro panahon na para pag-aralan niyang mahalin ang gulay.
Naasiwa naman siya dahil walang ginawa si Andrew kundi panuorin siyang kumain.
"Ano ba, tigilan mo nga iyang kakatitig mo sa akin."
Ngumiti ito.
"See, ang cute mo pala kapag kumakain ng gulay." Anitong may ngiti sa labi na lalong nagpapagwapo rito.
Para namang bumilis ang t***k ng puso niya sa simpleng salitang iyon na alam niyang niloloko lamang siya. Paano siya naging cute e halos hindi na madrawing ang mukha niya sa bawat subo niya ng gulay. Siya pa ba ang paglolokohin nito. Huh, cute daw. Tse!
Pero pakiramdam pa rin niya ay namula ang pisngi niya. Aba! Para siyang teenager na nasabihan ng crush niya na cute siya.
"Huwag mo nga akong pinagloloko Mr. Villamor. Salamat nalang sa niluto mo. Pwede ka ng umalis." Pagtataboy niya rito.
Ngumiti lamang ito.