Alas otso na ng umaga nagising si Celestine. Alas dyes y medya na kasi siya nakatulog kagabi. Hindi siya dinalaw ng antok kaya nagbasa nalang siya ng w*****d. Mahilig siyang magbasa simula pa noong high school siya ay nanghihiram talaga siya ng pocketbook sa mga kakilala niyang may pocketbooks.
Napabangon siya bigla ng may maamoy siyang choriso at sinangag na kanin. Nakita niya sa kusina si Andrew na nag-ayos na ng mesa.
Aba! Anong ginawa ng damuhong ito sa kusina ko ng ganito kaaga?
Para ipagluto siya ng almusal? Biglang kumislot ang puso niya sa naisip. Tuluyan na yatang mahulog ang puso niya rito. Bakit ba kasi nito ginagawa ito?
"Good morning. Get up and let's have breakfast." Anyaya nito sa kanya na parang wala lang, parang magkasama na talaga sila sa isang bubong.
"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong niya.
"Well, from now on basta wala lang akong ibang ginagawa, sabay na tayong kakain para naman makakain ka ng masarap. The more na masustansiya ang pagkain mo, the more mas healthy si baby. Kaya umupo ka na diyan at kumain na tayo." Mahabang litanya nito habang naghihiwa ng prutas. May gatas na ring nakahanda sa baso.
Iyong kilig na naramdaman niya kanina ay nawala. It's because of the baby lang pala. Masyado yatang naging assuming siya.
Umupo na siya at kinuha ang baso na may gatas saka uminom. Dapat sana maghihilamos muna siya bago kakain ngunit huwag nalang dahil kahit wala na siyang muta sa mata ay wala rin namang silbi. Hindi na magbabago ang tingin nito sa kanya.
Hayy ke aga-aga ang drama niya. Makakain na nga lang.
Nakailang subo na siya na bigla siyang nakaramdam ng may umagos sa panty niya. Bigla siyang kinabahan.
Lord huwag naman sana. Tahimik na dalangin niya. Binilisan niya ang pagkain at tinapos na agad kahit gusto pa niyang kumain.
"Done?" Tanong ni Andrew.
"Busog na ako." Sagot niya at dumiritso sa banyo.
Dali-dali niyang tiningnan ang panty niya habang nakaupo sa inidoro. Wala naman siyang nakitang dugo.
Umihi siya pagkatapos ay nagpunas ng tissue paper ngunit napatda siya sa nakita. May kunting dugo ang tissue.
Kumuha pa uli siya ng tissue at nagpunas uli ngunit wala ng dugo.
Anong ibig sabihin nyon?
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Parang gusto niyang manghina sa nalamang posibidad na hindi siya buntis.
Pagkatapos maghugas ng kamay ay lumabas na siya ng banyo at diretsong kinuha ang cellphone sa ibabaw ng tokador.
Si Andrew ay tahimik lamang na kumakaing mag-isa habang nanonood ng CNN News.
Siya naman ay agad na nagresearch kung may posibidad ba na buntis ang isang babae kahit may menstruation.
Hindi naman siya nahirapan dahil may nakita siyang mga mothers forum sa google at binasa niya ang mga tanong doon at saka mga sagot. Maraming mga nakaranas ng spotting pero buntis naman.
Binasa din niya ang about sa spotting but preggy mula sa mga expert.
Medyo nakaramdam siya ng ginhawa ng posibleng buntis talaga siya.
Naipikit niya ang kanyang mata saka taimtim na naidalangin na sanay buntis nga siya.
"What's wrong?" Tanong ni Andrew ng mapansin ang ginawa niya.
"Nothing." Sagot niya.
Hindi na ito nagtanong pa.
Ngunit maya-maya lang pagkatapos nitong kumain ay lumapit ito sa kanya.
"How do you feel right now?" Tanong nito.
"Im fine." Sagot niya. Hindi niya alam kung ano ang tinutuloy ng tanong nito. Kung para ba sa kanya or kung buntis na ba siya.
"That's good. Well, delayed ka na ba sa menstruation mo?" Diritsang tanong nito.
"Yes. 2 days delayed na." Sagot naman niya.
"Well, I think you are pregnant. We need to buy pregnancy test to confirm." Sabi nitong may halong excitement ang boses.
"Okay, ako nalang ang bibili mamaya. Tapos bukas ng umaga nalang ako magte-test kasi mas madetect daw kapag morning urine ang gagamitin." Mahabang wika niya. Sumang-ayon naman si Andrew.
Hindi nagtagal ay nagpaalam naman si Andrew na babalik sa unit dahil aalis daw ito papuntang opisina.
Himala nagpaalam ito sa kanya. Medyo kinilig naman siya ng kunti.
Mamaya na siya lalabas para bumili ng Pregnancy Test. Medyo tinamad siyang lumabas ngayon. Parang gusto niyang humilata nalang.
Gosh, buntis nga siguro siya.
Bigla siyang naging excited. Ngayong parang iba ang pakiramdam niya. Iyong pakiramdam na mula sa puso niya. Iyong pakiramdam na sabik siyang maging ina.
Alam niya na hindi dapat niya maramdaman ito dahil pagkatapos ng trabaho niya ay kailangan niyang tuparin ang napagkasunduan nila na iwan ang bata sa ama.
Bigla tuloy siyang nakaramdam ng lungkot.
Napabuntong hininga nalang siya. Pinasok niya ang sitwasyong ito dapat panindigan niya.
Eksaktong alas onse na ng tanghali ay napagdisisyonan niyang maligo na at tumungo sa mall para bumili ng pregnancy test sa Watson. Doon na rin siya mananghalian. Namimiss na niyang kumain sa McDonalds.
Dali-dali siyang naligo at umalis agad pagkatapos.
Nagpahatid siya ng taxi papuntang mall. Dumiritso agad siya sa sadya at binili ang pregnancy test. Pagkatapos mabayaran ay nag-ikot-ikot na muna sa department store para tumingin-tingin lang. Wala naman siyang plano mamili pero kung may matipuhan siya ay baka bibilhin niya.
May nakita siyang magandang damit. Simple lang ang tabas nito ngunit noong tiningnan niya ang presyo ay napalula siya. Dalawang libo lang naman iyon. Kahit pa milyonarya na siya ay hindi pa rin siya magwawaldas ng pera sa mga walang kwentang bagay. Siguro saka na kung manganganak na iyong sampung milyon niya. Iinvest na muna niya iyon saka siya magtatapon ng pera sa mga wants niya. Pwede naman kasi siyang bumili ng mura kung gusto talaga niya.
Sa kanyang kakaikot ay may natipuhan siyang sapatos. Medyo may kamahalan pero gusto na talaga niya ito noon pa kaso may rule siyang dapat sundin. Kailangan niyang mag-isip ng isang linggo kung kailangan ba talaga niya ang isang bagay bago niya ito bilhin. One week to decide. Kapag makadesisyon na siya ay babalikan niya ito at bibilhin.
Nang mapagod sa kakaikot at magutom ay pumunta na siya sa McDonalds. Medyo marami pa ring customers ng mga oras na iyon kahit lampas tanghalian na. Mag-aala-una y medya na kasi.
Nang makuha ang order ay umupo siya sa isang bakanteng pandalawahang mesa sa gilid.
Umorder siya ng chicken ala king with fries and drink plus solo chicken. Gusto pa sana niyang mag-order ng burger kaso baka hindi na niya makain kapag nabusog siya sa kanin at manok.
Tahimik siyang kumakain habang tumingin tingin sa paligid.
Nahinto ang pagsubo niya ng madako ang tingin niya sa lalaking papalapit sa kinaroroonan niya. Si Andrew. May kasama itong babaeng nasa late fifties na na ang edad ngunit napakasopistikada na awra nito.
Medyo may hawig ito kay Andrew. Hindi kaya'y ina niya ito?
Gusto sana niyang magtago ngunit huli na ang lahat dahil nakita na siya ni Andrew na sa malas pa ay huminto ang babae sa doon mismo malapit sa mesa niya although may nakatabing salamin sa pagitan nila ay kitang-kita niya si Andrew na minsan tinatapunan siya ng tingin habang nakikinig sa babaeng kasama nito. Parang may isa pa yata silang hinintay. Hindi niya marinig ang usapan ng mga ito dahil sa salaming nakaharang sa pagitan nila.
"Hoy Celes anong ginagawa mo rito?" Nabigla siya sa biglang lumapit na lalaki sa kanya at diretsong umupo sa upuan sa harap niya.
"Arthur? Oy ikaw nga. Kumusta?" Nakilala agad niya ang lalaki. Ito iyong kaklase niya noong high school. Ito iyong pinakamatalino sa klase nila. Lagi itong top one at hindi lang iyon, ito rin ang isa sa mga crush niya noon. Sino ba namang babae ang hindi nangangarap rito eh matalino na gwapo pa.
At ngayon mukhang umasenso na ito sa buhay. Magara ang pananamit at mukhang propesyonal.
Nagkumustahan sila. "Buti nakilala mo ako."
"Bago lang din kita napansin. Kumusta na kaya iyong mga kaklase natin? Wala na akong balita sa iba." Anito habang inumpisahan ng kagatin ang biniling burger nito.