Mabilis na nagmamaneho si Celestine ng kanyang motorsiklo dahil sa sobrang init. Tirik na tirik ang araw ng maisipan niyang i-deliver ang mga panindang inorder ng mga customers niya kahapon. May dala siyang backpack na nakasabit sa likod niya na may lamang sapatos, cellphone casing at apat na pares ng pajama. Iba-ibang address ang pagde-deliveran niya ngayon.
Pagkatapos maideliver ang ilang order ay huminto muna siya sa isang maliit na tindahan at bumili ng mineral water. Pagkatapos mainom ang tubig ay kinuha niya ang cellphone at nagmessage sa kanyang costumer. Nasa malapit lang ang bahay nito ngunit hindi niya matukoy kung saan eksakto ito.
Hindi naman nagtagal at nagreply agad ito. Nasa unahan lang daw ang bahay nito na may pulang gate.
Pagkatapos maubos ang tubig sa bote ay umalis na siya at hinanap ang sinabing bahay. Hindi naman siya nahirapan at nakita agad ito.
Nakaabang na ito sa kanya sa labas ng gate.
Pagkatapos ng maideliver ang mga order nito at nakuha ang bayad ay umalis na rin siya agad. Babalik na siya sa bahay dahil plano niyang maglalaba muna saka siya magpopost ng bagong mga larawan ng ibebenta niya sa f*******:.
Dahil sa sakit ng init na dumadampi sa kanyang balat ay binilisan niya ang pagmamaneho. Hindi niya napansin na sa unahan ay may pumupwestong tagaLTO. Damn, huli na para bumalik siya sa dinaanan dahil nakita na siya ng mga ito. Hindi niya napansin agad ang mga ito sa malayo dahil nahaharangan ito ng sasakyan kanina at akala niya ang mga nakahintong mga motor ay wala lang.
Para namang may dagang naghahabulan sa dibdib niya. Kahit sobrang init ng panahon ng mga oras na iyon ay pakiramdam niya pinagpapawisan siya ng malamig.
Sino ba namang hindi pagpapawisan ng malamig e patay talaga siya ngayon.
Wala siyang helmet, walang rehistro ang motor at wala siyang driver's license.
Pinahinto siya nito sa tabi ng daan.
"Pwede makita ang lisensya mo, ma'am?" Simpleng tanong ng taga LTO sa kanya na nagpanginig ng katawan niya. Pakiramdam niya ay ice water na ang pawis na lumalabas sa balat niya.
"Ah sir, naiwan ko po ang lisensya ko." Pagsisinungaling niya habang nagkukunwaring hinahanap ang lisensya sa loob ng kanyang wallet.
"Hindi pwedeng hindi mo nadala ma'am. Dapat dala-dala mo iyan lagi. Sa iyo ba itong motor?"
"Yes po sir."
"Patingin ng rehistro."
"Ito ho ang rehistro sir." Ibinigay niya ang papel sa police pagkatapos itong kunin sa ubox ng motor niya. Lagi niya itong dala-dala ngunit wala na ring silbi dahil expired na ito.
Tinanggap at tiningnan ng police.
"Expired na ito ma'am, dapat ni-renew mo na ito. Pakiusog ng motor mo dito sa mas gilid pa ma'am." Wika nito.
Sumunod naman agad siya kahit pa nanginginig pa ang kamay niya.
Kumuha naman ito ng ticket at ibigay sa kanya pagkatapos iyong sulatan.
Napatulala siya ng makita ang laki ng penalty niya.
Dinagdag pa nito na kailangan niyang iwan ang motor niya.
Nanlulumo siyang tumango nalang sa sinabi nito.
Laylay ang dalawang balikat na lumisan sa lugar na iyon. Dahil walang makitang masasakyang jeep o tricycle ay nagpasya nalang siyang maglakad-lakad muna hanggang sa makakita siya ng masasakyan.
Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng seven thousand pesos pantubos sa motor niya.
Hindi pa naman siya nakakalayo sa checkpoint ay may narinig na siyang busina ng sasakyan. Mas lalo siyang tumabi sa gilid ng daan at hindi nilingon ang sasakyan sa likod.
Ngunit huminto sa tabi niya ang sasakyan at dahan-dahang ibinaba ng driver ang salamin sa bintana nito.
"Hop in." Utos ng lalaking apat na beses na niyang nakita. And all of those times ay minamalas siya. Siguro ito ang nagdadala ng malas sa buhay niya.
Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang paglalakad niya.
Hindi naman ito sumuko at talagang sinundan pa talaga siya nito.
Maya-maya ay hinarangan nito ang daan niya. Napahinto naman siya at hinarap ito.
"Ano bang problema mong lalaki ka,ha? " Singhal niya rito. Hindi na niya napigilan ang emosyong kanina pa kinikimkim. Galit na galit siya na hindi niya matukoy kung kanino. Basta mainit lang talaga ang ulo niya dahil sa problema niya kaya mali ang kausapin at distorbohin siya ng mga oras na iyon.
"Wala akong problema pero alam kung ikaw ay meron. Let's talk about it. Hop in. I can help you." Seryosong saad nito.
Tiningnan niya ito. Hindi naman siguro ito kidnaper dahil mukhang desente at mayaman naman ito. Mas lalong hindi naman siguro ito r****t dahil sa angking kagwapohan nito.
"Done checking on me? Did I pass?" May himig birong boses ang pumutol sa pagsusuri niya sa lalaki. "Just hop in. Hindi ako masamang tao. My proposal lang ako sa'yo na makakatulong din sa'yo." Pagpapatuloy nito.
Hindi na siya nagpapilit pa at sumakay na ng abutin nito ang pintuan ng sasakyan at buksan iyon para sa kanya.
"Anong kailangan mo sa akin?" Curious na tanong niya rito. "And who are you? Magkakilala ba tayo? Nasaan na iyong postal ID ko?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Well, call me Andrew. And here's your ID." Pagpapakilala nito sabay abot sa kanya ng kanyang ID. Tinanggap naman niya agad ito at isinilid sa bulsa ng kanyang backpack.
"Anong iyong proposal na sinasabi mo?" Hindi na siya makapaghintay sa sasabihin nito.
"I have a job for you and that if you're willing. We'll talk about it over a cup of coffee." Anito saka iniliko nito ang sasakyan patungo sa malapit na restaurant. Ihininto nito ang sasakyan at bumaba na. Bumaba na rin siya at sumunod rito.
Hmmm...hindi man lang siya hinintay. Napaka-ungentlemen. Komento niya sa isip.
May nakita silang bakanteng mesa at dumeretso sila doon ng upo. Lumapit naman agad ang waiter at binigay ang menu.
Hindi na tumingin si Andrew sa menu at nag-order agad ng beer.
"Order everything you want. It's my treat." Nakangiting wika ni Andrew.
"No thanks, I'm not hungry. Tubig lang okay na ako." Tanggi niya kahit medyo kumakalam ang sikmura niya at bigla siyang nagcravings ng kung ano-anong pagkain.
Sakto namang dumaan ang isang waiter sa harap nila na may bitbit na pagkain sa tray.
Bigla siyang napalunok. At huling-huli siya sa akto ni Andrew na ngayon ay pilit itinatago ang mapangiti.
"As I told you, it's my treat." Sabi nito at kinuha ang menu.
Maya-maya ay nag-order ito ng isang burger, french fries at juice.
Umalis naman agad ang waiter.
Tahimik lang si Andrew na umiinom ng beer habang siya ay hindi alam kung ano ang gagawin o sasabihin.
"So anong kailangan mo sa akin at dinala mo pa ako sa ganitong lugar?" Maya-maya ay basag niya sa katahimikan.
"We'll talk about it after you eat your food." Sabi nitong nakatingin sa paparating na waiter na dala-dala na ang inorder nila.
Aba, that's super fast.
Nagtaka siya dahil isang burger lang ang inorder nito. Para lang ba iyon sa kanya o para lang sa lalaki?
"That's for you. Kumain ka muna." Utos nito na para bang nabasa nito ang tanong sa isip niya.
Hindi naman siya nagpakipot pa dahil mukhang katakam-takam naman talaga ang burger sa harap niya.
Mabilis niya itong kinain kasama ang french fries at ang pantulak na mango juice.
Mukhang nag-enjoy naman si Andrew sa pinapanood na babae na parang ngayon lang nakakain ng hamburger.
"Sabihin mo na ang sadya mo sa akin bago kita iwan dito kahit na inilibre mo pa ako." Pagbabanta ni Celestine. Kanina pa kasi siya binibitin nito.
"Okay, Listen carefully. I have a job for you. I'll pay you an enourmous amount of money. Three million for this job." Umpisa nito na halos ikinalaglag ng panga ni celestine sa narinig.
"Oh wait, three million? As in number three and six zeroes?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Exactly." Kumpirma naman nito.
"Wow, at anong namang trabaho ito Mr? May ipapapatay ka ba?" Walang halong birong tanong niya.
"Nope, wala akong ipapapatay sa'yo."
"Kung wala eh para saan iyang ganyan kalaking sahod aber?" Hindi parin siya makapaniwala sa narinig.
"Wala akong ipapapatay sa'yo ngunit may ipapabuhay ako sa'yo." Seryosong sabi nito habang nakatitig sa mata ni Celestine, hoping na hindi ito tatanggi.
"Ay ikaw naman sir. Joker ka rin ano, wala po akong special power para bumuhay ng patay." Aniyang pabiro ngunit may halong katotohanan.
"Hindi iyan ang ibig kung sabihin. I want you to be the surrogate mother of my child." Diretsang sabi niya.
"Surrogate Mother?" Paniguradong tanong niya. Alam niya kung ano iyon.
"Aba loko ka ah. Anong tingin mo sa akin? Bayaran?" Biglang nag-init ang ulo niya. Umakyat yata bigla ang dugo niya sa ulo.
Akmang tatayo na siya at iiwan ito ngunit naagapan nito ang kamay niya na ikinabigla nila pareho. "Wait. Listen." Parang pareho silang nakuryente sa simpleng pagdapo ng balat niya sa balat nito.
Nabitiwan naman agad nito ang kamay niya.