Chapter 7

1383 Words
"Hindi ko alam kung bakit ako ang napili mong maging surrogate mother ng anak mo at hindi ko rin alam kung bakit kailangan ninyong magpasurrogate pero problema na ninyong mag-asawa iyon. Huwag na ninyo akong idamay sa problema ninyo." Halos hindi humihingang sabi niya sa bilis ng pagkakasabi niya. Epekto ata ng parang kuryenteng dumaloy kanina sa katawan niya. "I'm single." Iyon lamang ang namutawi sa labi ni Andrew habang naaaliw na nakatitig sa labing ang bilis kumibot na parang wala may hinahabol. Naguguluhan namang napatitig si Celestine sa lalaki. Single tapos naghahanap ng surrogate mother? Nakataas ang isang kilay niya na nakatingin dito. Indikasyon na wala siyang naintindihan sa sinabi nito. "Alright, kaya nga sinabi kong makinig ka muna para maintindihan mo." Umpisa ni Andrew sa himig na seryoso. Tumango lamang si Celestine at seryosong nakikinig. Tama din naman ito na kailangan niyang makinig muna bago mag-isip ng kung ano-ano. "Again. I'm single. Gusto ko lang magkaroon ng anak. Well, not really me but my parents do. Pinipilit nila akong mag-asawa na para magkaroon na ng apo. Nakakapressure na kaya naisipan ko nalang na bigyan sila ng apo kaso ayoko naman mag-asawa. Not in the near future..." "And why you choose me? Sigurado naman na marami kang girlfriends o mga babaeng willing gawin iyon for free pa siguro. Maanakan mo lang sila." Putol niya sa sasabihin pa nito. "Yup, it's true na maraming willing d'yan. But I have reasons of why I shouldn't hire them." "Bakit?" Curious na tanong niya. "Why? Because they like me. I'm sure they'll do everything to have me and the reason why I chose you is because you don't like me." Isang malalim at blangkong titig ang ipinukol ng mga magagandang mata ng lalaki sa kanya. Wala siyang mabasa kundi parang sinasabing the feeling is mutual Celestine. Tumango-tango lang siya. "That's right. You got it." Pagsang-ayon niya. "Andyan na tayo. Gets ko na ang rason mo but still hindi pa rin ako papayag. Kung wala ka nang ibang sasabihin ay aalis na ako." Akmang tatayo na siya habang inaabot ang bag sa katabing upuan. "Three million is a lot of money. Do you think it won't help to solve your problem?" Hindi pa rin ito sumuko. Napahinto naman siya sa akmang pag-alis. Yeah, that's a lot of money. Naguguluhan na tuloy siya. Tumayo na rin si Andrew at tinawag ang waiter. Nag-iwan ito ng isang libo at sinabayan na siyang lumabas. Pagkalabas niya ay luminga-linga agad siya para magpara ng jeep. "Ihahatid na kita sa inyo." Offer nito. "Salamat nalang Mr. pero may iba pa akong pupuntahan." Tanggi niya rito kahit ang totoo ay didiretso siyang uuwi ng bahay. Ang daming nangyari ngayong araw at kailangan niyang magpahinga. Sasabog na yata ang utak niya. "Okay, hindi na kita pipilitin but in case magbago ang isip mo, let me know. Here..." May inabot itong calling card sa kanya. Andrew Villamor. CEO. Aba at mayaman pala talaga ito kaya walang pakialam kung ilang milyon ang itatapon lang nito basta. Inilagay niya ang card sa bag niya at nagpaalam na. Tyempo naman ang pagdaan ng jeep kaya pinara na niya ito. "Roxas manong" sabi niya sa drayber at saka nilingon ang naiwang si mr. CEO. Nakita niyang sumakay na rin ito sa kanyang sasakyan. Three million pesos. Three million pesos. Wow! Parang isang panaginip lang na mapapasakanya ang perang iyon kung sakaling papayag siyang magdalang-tao sa anak nito. Well, mahirap din naman magbuntis. Hindi rin basta-basta ang mga pinagdaanan ng mga buntis but having three million for that? That's a lot. A lot nga ba? Kaya ba niyang iwan ang kanyang anak kapalit ng tatlong milyong peso? Iyon ang parte na mahirap. It's not worth three million. Maybe more than that. Siguradong mahirap iwan ang isang sanggol na galing sa sinapupunan mo. Kaya siguro kung susugal siya she needs to ask more than three million. Ano kayang gawin ko sa tatlong milyon kung sakali? Hmm...kailangan ko sigurong unahing palitan ang motorbike ko ng bago. Tapos ang iba ine-negosyo ko para magkakaroon na ako ng sarili kung negosyo ng sa ganoon ay baka sakaling swertehin at aangat naman ang buhay namin. Ang kapatid ko pa kailangan na din niyang pumasok sa kolehiyo sa darating na pasukan. "Bayad miss, pakiabot. Sarmiento manong, isa lang." Pakisuyo ng katabing pasahero sa kanya na pumutol sa mga plano niya sa isip. Tinanggap niya ang perang biente pesos nito at iniabot sa drayber. Pagkatapos ay iniabot naman ng drayber ang sukli nito na inabot naman niya at binigày sa katabing pasahero. Kumuha na rin siya ng pambayad sa wallet niya saka iniabot ang katorse pesos na pamasahe sa drayber. "Roxas manong." Sabi lang niya at hindi na nagtanong ang drayber. Malapit na siya sa kanila kaya inihanda na rin niya ang bag na karga sa ibabaw ng kanyang hita. Ito ang ayaw niya na sa jeep sasakay dahil sobrag sikip. Nakakainis kasi ang ibang mga drayber dahil kahit puno na ay pilit paring nagpapasakay porke't walo-walo dapat. Eh may malalaking pasahero na umoukupa ng malaking espasyo ng upuan,ayun si manong drayber pinipilit parin pagkasyahin ang walong pasahero kada upuan. Kainis. Ang sikip na ang init pa. Hahay...buhay mahirap nga naman. Kailangan talagang magtiis dahil can't afford magtaxi lagi. Kung papatulan nalang kaya niya ang offer ng Andrew'ng iyon? Hindi kaya siya magsisisi sa desisyon niya? Siguradong makakatulong ang perang iyon para mabago ang buhay nila kung gagamitin niya iyon sa tama at mapalago ang negosyong naisip niya ngunit ano nalang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman ang ginawa niya para umasenso? Ano nalang ang sasabihin ng nanay at kapatid niya? Na nagpaanak siya tapos iniwan niya? Na anong klaseng nilalang siya na pumayag na gawing trabaho ang magpabuntis for the money? Hindi kaya mas lalong lalala ang sakit sa puso ng nanay niya? Ang reputasyon niya? Hindi kaya mas lalo siyang pagtatawanan ng mga taong kakilala niya kapag nalaman ang ginawa niya? Siguradong magmumukha siyang desperadang magpakayaman sa gagawin niya kung sakali. "Manong para" biglang sigaw niya sa drayber ng mapansing lumagpas na siya sa kalyeng papasok sa bahay nila. Itinabi naman agad ng drayber ang jeep sa daan at huminto upang makababa siya. Mabilis siyang siyang umibis. Hindi na siya kailangang sumakay ng traysikel dahil malapit lang naman ang bahay nila sa highway. Kayang-kaya lang niyang lakarin. "Oh Celestine bakit naglalakad ka nalang? Nasaan na ang motor mong astig?" Sigaw ni Mildred na nakatambay sa may tindahan ni Aling Loring. Tumatawa pa ito kasama ang dalawang kaibigan nito. Nakasuot ang mga ito ng shorts na halos makita na ang puwet sa sobrang ikli. Hmm..alam niya nagpapapansin lang ang mga ito sa mga lalaking naglalaro ng billiard sa gilid ng tindahan ni Aling Loring. Hindi na niya pinansin ang tanong ni Mildred at dumeretso na siya sa kanilang bahay na nasa malapit lang. Wala talaga siyang panahon para makipagbiruan sa mga kapitbahay niyang alam niyang sinasadyang biruin siya. Nakakapikon na minsan at alam niyang pinipikon talaga siya lalo na ang Mildred na iyon. Alam niyang insecure ito sa beauty niya kaya lagi siyang binubully porket mahirap lang siya at itong si Mildred ay maykaya ang pamilya dahil seaman ang ama at engineer naman ang ina ngunit hindi nga lang kagandahan ang mukha. Kaya so insecure talaga. "Oh Celestine anak nandito ka na pala. Hindi ko narinig ang ingay ng motor mo. Hindi mo ba dala?" Nagtatakang tanong ng ina niya. "Ay naku ma, minalas ako ngayong araw at nahuli ako ng police. Ayun, tiniketan ako at pinaiwan pa àng motor ko para siguradong tubusin ko iyon. Kainis." Inis na nagsusumbong si Celestine sa ina niya. "Naku, paano na ngayon niyan? Saan ka kukuha ng perang pantubos mo? Pasensya ka na anak kung wala akong maitulong sa'yo ngayon." Naawang wika ng ina niya. Alam niya na nahihirapan na din ito sa sitwasyon nila. "Okay lang ma, kaya ko ito. Ako pa? Malay mo mananalo ako ng lotto bukas eh di instant milyonaryo na tayo." Masiglang sabi niya para mapaniwala ang ina na wala itong dapat ipag-alala sa nangyari. Baka kasi atakihin ito sa puso kung sobrang daming problemang iniisip. "Aja!" Dagdag pa niyang nakangiti at nakakuyom ang isang kamao at itinaas na parang si Darna na handang lumipad. Napangiti naman niya ang ina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD