Now playing: Little do you know Lumipas pa ang isang linggo. Still, there's no sign of Breeze. Hindi ko na alam ang gagawin sa tuwing maiisip ko kung magpapakita pa ba ito sa akin o hindi. Pinuntahan ko ito kasama si Kevin sa kanyang sanctuary, beach house. Nagbabasakaling baka doon ko siya matagpuan, baka doon ko lamang siya pweding makita. But I failed. Walang kahit na anong bakas nito doon. Malinis ang paligid at tahimik. Mas lalo lamang yata akong nalugmok noong pumunta ako roon dahil bumalik lamang sa akin ang mga alaala na kapwa namin binuo sa lugar na iyon. Sa loob ng bahay na iyon. Kung saan nito nakuha ang first kiss ko pati na rin ang.. Alam niyo na. That V thing. Minsan iniisip ko kung tama pa bang hintayin ko ito at hanapin. Dahil paano kung hindi ko na pala siya makikita?

