Ilang araw na ang nakalipas simula ng dinala ako ni Kevin sa Hotel na pagmamay-ari ng pamilya nina Rick. Ang araw kung kailan ko nasaksihan ang bagay na hindi ko alam kung tama bang nalaman ko pa. At sa ilang araw na iyon ay ilang araw na ring hindi nagpaparamdam sa akin ni Breeze. Walang text, tawag o kahit anong paramdam man lamang galing sa kanya. Ilang araw na akong walang balita dito at hindi alam kung ayos lang ba siya, kung kumusta na siya. Sa bawat araw na lumilipas ay wala akong ibang hangad dito kung hindi ang muli naming pagkikita. Ang muling mahagkan siya, makita at marinig ang boses niya. Namimiss ko narin ang mga mapang-asar na tingin at ngiti nito. Namimiss ko ng kausap siya. Namimiss ko ng ibahagi sa kanya ang bawat araw ko. Miss na miss ko na si Breeze! At ang hirap dah

