Hinayaan kong sumama si Breeze kay Rick noong gabing iyon. Hinayaan kong makita na unti-unting nadudurog ang sarili ko sa sakit at nalulunod sa sarili kong mga luha. Hinayaan kong maging malamig ang bawat gabi ko habang siya naman ay yakap yakap ng taong alam kong minamahal din siya ng sobra, kagaya ko.. Ang tanong mahal ba niya? Biglang sumagi iyon sa isipan ko. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung ano pa ang totoo. Ngunit mayroon sa loob ko na sana.. Sana kung pwede lang ako lang ang mahal niya. Pero alam kong hindi iyon kagaya sa iniisip ko. Mabuti na lamang at nandoon pa si Kevin 'nong mga sandaling iyon. Siya na mismo ang naghatid sa akin pauwi. Hindi narin muna ako kinulit nito dahil sa nangyari at nanatiling tahimik ito hanggang sa makarating ako sa apartment. Halos sumabo

