Araw ng Linggo ngayon kaya nagpasya ako na magpasama kay Bianca sa Cafe Shop. Alam ko naman kasi na walang gagawin yun ngayong araw. At kaysa ang magmukmok ako sa malawak na silid ng apartment ko ay aaliwin ko nalang ang aking sarili. Nang sa ganon ay hindi ko naiisip ang mga bagay na ilang gabi ng hindi nagpapatulog sa akin. Exactly eleven in the morning ng dumating ako sa Cafe Shop. Ngunit pagdating ko, sakto nang makaupo na ako sa pahabang couch na nasa loob ng Cafe Shop ay tumawag ito sa akin, sinabing hindi ito makakapunta dahil may pupunta itong importanteng meeting. Napabuntong hininga ako dahil sa pagka dismaya. "Sunday na Sunday may meeting." Bubulong bulong ako sa aking sarili. Pambihira naman, minsan na nga lang akong lumabas ng hindi kasama si..ehem Breeze. Eh doon pa h

