Chapter 8

1020 Words
Magkasabay na pumasok ng kusina sina Mark at Michelle. mga kapatid ko sila sa ama. "Nagugutom na kami!" maarteng wika ni Michelle. "Sige sandali, maghahain lang ako ng pagkain." Itinapo ko ang yelo sa may lababo upang asikasuhin ang pagkain ng dalawa kong kapatid. "Upo muna kayo riyan." Itinuro ko pa sa kanila ang upuan na nakaharap sa mesa. "Anong nangyari sa 'yo, Ate? Bakit ang dami mong pasa sa braso?" nag-aalalang tanong sa ’kin ni Mark. "Wala 'to, Bunso," sagot ko sa tanong ni Mark. Sa dalawa kong kapatid sa ama, tanging si Mark lang ang may amor sa akin. Siya at si Papa lang ang nakakausap ko ng matino sa pamamahay na ito. "Sigurado ka ba, Ate? Halika, gamutin muna natin 'yan," aya pa niya sa 'kin. "Ayos lang si Ate, Bunso." Ginulo ko ang buhok ni Mark saka ngumiti ako sa kaniya upang alisin ang pag-aalala sa akin nito. "Malamang umiral na naman ang kabobohan mo!" sabad naman ni Michelle. "Ate Michelle!" suway ni Mark sa kaniyang kapatid. "Totoo naman, ah?!" sagot ni Michelle kay Mark. "Kung hindi ka sana bumalik, e 'di sana hindi ka rin parating nasasaktan ni Mama," dagdag pang sabi nito. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa katotohanang sinabi ni Michelle. Minsan nga ay naiisip ko na lamang na muling umalis, ngunit wala naman akong ibang mapuntahan. Tinalikuran ko sila upang hindi nila makita ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Ayokong isipin nila na kaawa-awa ako lalo pa at feeling nila ay panalo na sila sa pananakit sa akin. "Balang araw ay makagaganti rin ako sa lahat ng mga pinaggagagawa niyo sa akin," usal ko sa isipan. Naghahain na ako ng pagkain ng bigla kong maramdaman ang paghilab sa aking tiyan. "Aaahhh..." daing ko nang pumaikot ang sakit sa aking balakang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto kong tumayo o 'di kaya naman ay umupo dahil patindi nang patindi ang sakit na aking nararamdaman. "Ano ang nangyayari sa iyo, Ate?" Nag-aalalang lumapit sa akin si Mark saka inalalayan niya akong makaupo sa may upuan. "M-ma-masakit..." utal kong daing sa aking kapatid. "Ate Michelle, tawagin mo si mama, bilis!" natatarantang sigaw ni Mark kay Michelle. Tila naman walang narinig si Michelle, nagsandok lamang siya ng pagkain sa kaniyang pinggan at saka sumubo. "Ate Michelle, ano ba?!" bulyaw ni Mark kay Michelle. Patuloy naman akong napapangiwi dulot ng sakit na aking nadarama. "Kung gusto mo Mark, ikaw ang tumawag kay mama!" nakataas kilay na turan ni Michelle kay Mark. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Gusto kong lapitan si Michelle upang bigyan ng sampal sa mukha ngunit 'di ko magawa dulot ng matinding sakit na pumapaikot sa aking balakang. "Sandali lang Ate ha, tatawagin ko lang si mama," paalam sa akin ni Mark saka mabilis na tumakbo palabas ng kusina. Napapangiwi ako sa sakit na aking nadarama. Pinagmasdan ko si Michelle na sarap na sarap sa pagkain nito. Ni hindi man lang siya nag-abalang lapitan ako upang damayan ako. Minsan tuloy ay naisip kong sana man lang ay nagmana siya ng ugali sa aming ama at hindi sa kaniyang ina na walang ibang ginawa kundi ang magpakawalanghiya. Sunod-sunod na hilab sa aking tiyan ang naramdaman ko at tila may kung anong gustong sumabog mula sa loob ng aking pwerta. "M-michelle..." nahihirapang tawag ko sa kapatid. "Ano 'yon?" nakaingos niyang tanong sa akin. "P-pasuyo naman ng tubig inumin," nahihirapan kong pakisuyo sa kaniya. "Alam mong kumakain ako at saka ang lapit naman ng lagayan ng baso sa iyo, ba't 'di na lang kaya ikaw ang kumuha?" nakaismid niyang sagot sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ko at naiiyak na tiningnan ko si Michelle. Walang itong pakialam sa akin hindi tulad ni Mark na minana ang lahat ng kabutihan ng ugali ng aming ama. Mabuti na lang din at sa ama namin si Mark kumuha ng ugali at hindi sa kaniyang ina, dahil kung nagkataon ay wala na talaga akong kakampi pa sa pamilyang ito maliban kay Papa na madalas din namang nasa trabaho nito. "Aagghh..." malakas kong hiyaw nang pumalibot muli ang sakit sa buo kong balakang. Pakiramdam ko ay parang naiihi na ako kung kaya sinikap kong tumayo upang magtungo sa loob ng banyo. May malapot na likido akong naramdaman na umagos sa aking mga binti. Sinubukan kong yumukod upang makita kung ano iyon. "D-dugo..." nahihintakutang bigkas ko. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa may pintuan upang lumabas. "Ang b*boy mo! Ba't diyan ka umihi?" sigaw sa akin ni Michelle. Gusto ko mang balikan ang maarte kong kapatid, pinili ko na lang na huwag siyang pansinin. "Bw*sit! Alam mo namang kumakain ako, riyan ka pa talaga nagkalat ng dumi mo sa harapan ko." Malakas na ibinagsak ni Michelle ang kutsara't tinidor na hawak niya sa kaniyang pinggan. Nang tuluyan na akong makalabas ng kusina, nagpatuloy akong maglakad patungo sa may sofa habang sapo ng palad ko ang humihilab sa sakit kong tiyan. "Baby, huwag mong pahirapan si Mama. Pakiusap!" Kausap ko sa anak na hindi pa isinisilang kasabay nang paghimas sa humihilab sa sakit kong tiyan. "Diyos ko, tulungan Mo po sana akong makapanganak ng maayos. Huwag Mo pong loobin na may mangyaring masama sa amin ng baby ko," nagsusumamong dalangin ko sa Diyos. Muli kong naramdaman ang pagsigid ng kirot sa bandang balakang ko kasabay nang pag-ikot niyon patungo sa aking tiyan. "Aagghh! Manganganak na yata ako!" malakas kong hiyaw gawa ng sobrang sakit na aking nararamdaman. "Hoy, Laura! Ano ang hinihiyaw-hiyaw mo riyan? At saka bakit ka nakalupasay riyan sa sofa? Tumayo ka nga riyan!" pabulyaw na litanya sa akin ni Tiya Dolores. "M-manganganak na po yata ako, Tiya Dolores!" kandautal kong turan sa ina-inahan. "Sus! Manganganak ka lang kailangan mo pa talaga ng ganiyang drama?!" balewala niyang sagot sa akin saka inismiran ako nito. Namimilipit na ako sa sobrang sakit ng aking tiyan kaya pagapang akong bumaba ng sofa at saka gumapang palapit naman sa kaniya. "T-tiya Dolores, tu-tulungan mo po ako. Pakiusap!" nagsusumamong anas ko sa ina-inahan. Sinipa ako nito at tumama ang paa niya sa aking mukha kung kaya nadagdagan ang pagngiwi ko sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD