Chapter 10

1055 Words
Pilit kong iminulat ang namimigat na talukap ng aking mga mata. Dama ko pa rin ang sakit sa aking katawan dulot nang pagsilang ko sa anak. "Papa..." tawag ko sa amang nakatitig sa akin. Katabi niyang nakatayo sa may gilid ng kama si Tiya Dolores na animo ay isang demonyong nakangisi sa akin. "Mabuti at gising ka na," malamig na wika ni Papa. "N-nasaan po ang anak ko, Papa?" pautal kong tanong sa ama. "Naroon siya sa incubator." Itinuro pa sa akin ni Papa ang incubator na nasa may gilid banda. "Salamat po, Papa," pasasalamat ko sa ama. Mataman kong tinitigan ang ama at nabanaag ko sa kaniyang mukha ang tila kaybigat na problemang kaniyang dinadala. "Huwag mo na pong alalahanin ang pambayad dito sa ospital Papa, meron po akong naitabing pera para sa aking panganganak." Naisip kong baka iyon ang inaalala ng aking ama kung kaya malungkot siya. Malaking tulong talaga ang perang inipit ni Jerson sa loob ng aking bag. Ipinakatago-tago ko talaga iyon ng husto para sa aking panganganak. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Tiya Dolores at tila 'di makapaniwala sa aking sinabi. "Siguro nangungupit ka sa pitaka namin kaya nagkaroon ka ng pera," bintang pa niya sa akin. "Ang sakit mo namang magsalita Tiya Dolores, porke ba wala akong trabaho, nangupit na agad? Hindi ba pwedeng sadyang may ipon lamang ako mula pa man noon?" palaban kong turan sa ina-inahan. Matagal na panahon akong nagtimpi kay Tiya Dolores at hindi na ako makapapayag pa na muling apihin nito. "Nakita mo na'ng ugali ni Laura, Hon? Sabi ko naman sa iyo like mother, like daughter!" nanggagalaiting bigkas ni Tiya Dolores. "Matagal na panahon ka nang niloko ni Lorna at hanggang sa kaniyang kamatayan ay dala pa rin niya ang kasinungalingan niya." "Hindi naman yata tamang pati ang nananahimik kong ina ay idinaramay mo pa Tiya Dolores," galit kong sabi sa ina-inahan. "G*ga ka talaga! For your information Laura, ang Nanay mo ay hindi totoong nagpabuntis sa asawa ko na siyang tinatawag mong Papa." Namaywang pa siya sa aking harapan. Nayanig ang buo kong pagkatao sa rebelasyong inihayag sa akin ni Tiya Dolores. "H-hindi totoo 'yan!" asik ko kay Tiya Dolores. "Totoo ang lahat ng mga sinabi ko! Narito ang katunayan." Ibinagsak ni Tiya Dolores ang notebook sa aking dibdib. Kahit puno ng alikabok ang notebook, pinilit ko iyong buksan upang mabasa ang sinasabing patunay ni Tiya Dolores sa kaniyang sinabi. Pagbukas ko pa lamang ng notebook ay mapatutunayan ng kay Mama ito sapagkat sulat kamay niya ang nakapaloob na tala rito. Sa takot kong mapatay ni tatay pinilit kong may mangyari sa aming dalawa ni Ismael upang magkaroon ng ama ang sanggol na dala-dala ko sa aking sinapupunan. Nagimbal ako sa nabasang sulat ni Mama. Nanginginig ang mga kamay kong binitiwan ang maalikabok na notebook. Tumingin ako sa gawi ni Papa at nakita ko ang madilim na anyo ng kaniyang mukha. "P-papa..." nanginginig kong tawag sa ama kasabay nang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. "Huwag mo akong tawaging papa!" Nagngangalit ang kaniyang mga bagang at tila gusto niya akong sakmalin ng mga sandaling iyon. Patuloy na umagos ang mga luha mula sa aking mga mata at pilit kong inabot ng mga kamay ko ang kamay ni Papa ngunit tinabig niya lamang iyon. "Hindi kita anak!" mariing pahayag niya sa akin. "Ikaw ang ama ko! Hindi totoo lahat ng mga nakasulat diyan sa notebook," humahagulgol kong saad sa ama. "Hindi totoo?" bulyaw sa akin ni Papa. "At paano mo mapapasinungalingan ang sulat kamay ng iyon ina, Laura?" Natahimik ako habang patuloy lamang sa pagluha. "Minahal ko ang iyong ina ng higit pa kaninuman. Minahal kita ng buong puso sa pag-aakalang sarili kitang laman at dugo. Bakit ginawa sa akin 'to ng iyong ina? Bakit kailangan niya akong lokohin?" lumuluhang sabi ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa ama dahil kahit ako ay gimbal na gimbal din sa mga nalaman. "Hay naku, Hon. Halika na nga! Hayaan mo na iyang si Laura. Huwag mo nang hayaan ang sarili mong lokohin ng babaeng iyan tulad nang ginawa sa iyo ng kaniyang ina." Naikuyom ko ang mga kamao ko sa galit na nararamdaman ko. Gusto kong bumangon mula sa pagkakahiga kasabay nang pagsapak sa mukha ni Tiya Dolores. Sinikap kong bumangon upang abutin ang kamay nang kinikilala kong ama. Kahit hindi siya ang tunay kong ama, siya pa rin ang ama kong nagmahal sa akin "Pakinggan mo po sana ako, Papa." Lumuluhang isinapo ko ang palad niya sa aking pisngi. "Hindi man ikaw ang tunay kong ama, ikaw pa rin ang mapagmahal kong ama sa puso ko. Huwag mo po sanang hayaan na magkalayo tayong dalawa ng dahil lamang sa simpleng sulat ni Mama," nagsusumamong saad ko sa kaniya. "Hindi kita anak! At huwag mong sabihin na hindi mo kayang malayo sa akin dahil minsan ka nang umalis sa pamamahay ko nang sumama ka sa lalaki mo. Hindi ka rin naiiba sa iyong ina!" galit na galit na wika ni Papa. "Pareho lang kayong patapon ang buhay gaya ng kung paano ko siya sinalo noon." Marahas na inalis ni Papa ang kamay niya sa aking pisngi. "Halika na, Hon! Hayaan mo na iyan si Laura. Bahala na ang ospital sa kaniya." Hinila na ni Tiya Dolores si Papa palabas ng ward. "Papa!" umiiyak na sigaw ko sa ama. Hindi man lang siya nag-abalang lingunin ako. Dire-diretso lamang niyang tinahak ang daan palayo sa silid na aking kinaroroonan. Huminto naman sa paglalakad si Tiya Dolores sa harap ng isang lalaking nakasuot ng all white. Kinausap niya ito at nakita kong may iniabot siyang pera. Bigla akong kinabahan nang makita ang perang ibinigay ni Tiya Dolores sa lalaki. Iyon ang perang ibinigay sa akin ni Jerson at pinakatago-tago ko para sa aking panganganak. "Tiya Dolores, ibigay mo sa akin iyan!" hiyaw ko sa walanghiyang ina-inahan. Nilingon niya ako upang bigyan nang nakakakilabot na ngiti sa labi. Malakas akong napahagulgol ng iyak nang pumasok ang lalaki sa loob ng ward. "Kuya pakiusap, pakibalik ng pera sa akin. Pambayad ko po iyan dito sa ospital," nagsusumamong saad ko sa lalaki. Ngumisi lamang ang lalaki at saka humakbang palapit sa kinaroroonan ng aking anak. Ang mahinang kaba ay tuluyang nauwi sa malakas na dagundong sa aking dibdib. "Ang anak ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD