CHAPTER 12

1545 Words
Deanna Point of View Nang matapos ako mag-shower, inaya ko sila Jema kumain. Iniwan ko ang kotse ko sa parking lot ng dorm, kay Jema na kotse nalang ang ginamit namin. "Kumain ka ng marami." Jema said to Peter. "Sunod daw si Mafe at Donna dito." "Cge lang." Jema said habang sinusubuan si Peter. Pasimple kong kinuhanan ng picture si Jema at Peter. Ang cute nila, mukha silang mag-ina. Someday . . . . Makikita ko si Jema na ganyan pero tunay na anak na namin ang sinusubuan niya. "Hi ate Deans." Dumating na sila Mafe at Donna. "Hi ate Jema." "Hello. Order na kayo." Jema said. "Order lang kayo, treat ko." Sabi ko. "Yun. The best ka talaga lodicakes." Sabi ni Mafe. "Hi baby boy. Ate anak niyo yan?" "Sira. Kapatid 'to ni Deanna." "Alam ko. Alam mo ate mukha ka niyang ina." Mafe said. "Ako talaga nanay nito mula ngayon habang wala si tita Judin." Sabi ni Jema habang sinusubuan si Peter. "Wow. Sweet, sana lahat." Sabi ni Donna. Hinintay ko muna iserve ang pagkain nung dalawa para sabay sabay kami kumain. Nang matapos kami kumain ay nagbayad na ko nang bill, habang yung dalawa ay nagpaalam na aalis na. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Jema. "E-enroll ko si Peter." Sinimulan ko na paandarin ang kotse. "Saang school? Sa ateneo?" "Nope, sa British school manila." "What?! International school?" I nodded. "Yeah, why? May problema?" "Sigurado ka? Sobrang mahal ng tuition dun, halos four hundred thousand ang tuition doon." "I know. Wala naman sakin ang pera, ang importante mapagaral ko yung kapatid ko sa magandang paaralan. Gusto ko iparanas sa kanya ang magandang buhay habang bata pa siya." "Bilib na ko sayo, love. Kakaiba ka." She said. "Lagi ka naman bilib sakin." "Ayan ka na naman . . . Mayabang kana naman." "By the way mamaya darating na si manang Leah, yung magiging Yaya ni Peter." Tumingin ako sa rear-view mirror, nakita kong natutulog na si Peter. "Ang bilis niya makatulog." "Pansin ko nga. Ganyan ba talaga yan si Peter? Mabilis makatulog?" "Yeah, lalo na kapag busog." After an hour nakarating na din kami sa BSM. "Peter gising." Dahan-dahan siyang nagmulat. "Where are we?" "School, dito ka mag-aaral." Inalalayan siya ni Jema pababa ng kotse, ako naman ay inayos ang pag parada sa kotse atsaka bumaba. "Let's go." Pumunta muna kami sa office at nag tanong. Inenroll ko si Peter at binayaran ang tuition niya. Three hundred thousand ang tuition niya dapat pero one hundred fifty thousand nalang dahil nakapasa si Peter sa exam. Binili ko na din si Peter ng uniform at P.E niya. Hindi niya kailangan ng books dahil tablet ang ginagamit nila dito. "Taray. Sosyal ni Peter ah." Jema said. "Buti pa po dito gadget ang gamit, hindi katulad sa cebu. Kailangan mo pa magsulat ng kanda haba-haba." Peter said. "International school kasi ito Peter. By the way Peter maging mabait ka dito ah? Dapat makisama ka sa mga tao dito para magkaron ka ng friends." "Yes ate. Masusunod." Ginulo ko ang buhok niya. "Very good." Jema Point of View Proud na proud ako kay Deanna, kaya niya gawin basta para sa mga kapatid at magulang niya. Sobrang nakaka-proud. "Ate Deans wala akong toys sa kwarto ko, naboboring ako." Rinig kong sabi ni Peter kay Deanna. Walang pagdadalawang pag-iisip na sumagot si Deanna. "Sure, basta para sayo baby boy." Gosh! Ganyan na ganyan sakin si Deanna. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang ugali ni Deanna sa mga kapatid niya. Dumeretso uwi na kami at hindi na pumunta pa ng mall dahil si Deanna nalang daw ang bibili bukas ng laruan ni Peter. Nandito na din yung magiging Yaya ni Peter. "Manang Leah dun nalang po kayo matulog sa tabi ni Peter, yun na din po ang magiging kwarto niyo." "Naku salamat hija." "Walang anuman po. Sabihan niyo lang po ako kapag may kailangan kayo." Deanna said. Tinulungan ko si manang Leah mag-ayos ng gamit niya. "Ako po si Jema, girlfriend ni Deanna." "Kay gandang bata, bagay kayo ni Deanna." "Maraming salamat po." "Pwede ba kita matawag na anak? Wala kasi akong anak eh." "Pwedeng pwede po." Habang nag-aayos kami ay nagkwe-kwentuhan kami. Ang sarap pala kausap ni manang Leah, naalala ko tuloy si mama. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Deanna pagpasok ko sa kwarto namin. "Napasarap yung kwentuhan namin ni manang Leah." Humiga ako sa tabi niya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" "Monday pa naman pasok ko." "Sabado na po bukas, kailangan muna magpahinga." "Ikaw dapat ang magpahinga, may training ka pa bukas." "Kayo wala?" "Hindi ako nag-request kay coach, sa July nalang." She said. "Kasali ba kayo sa pvl open Conference?" "Oo. Hay! Makakalaban pala ulit kita." "Hindi muna ulit ako magba-block." I said. "Maba-block kita, hindi kami magpapatalo sa inyo." "Tapang ah." "Heartstrong, remember?" "Oo nga pala. Hay! I miss coach Tai." "Same." She hugged me. "Let's sleep, antok na ko." I kissed her lips before closed my eyes. I do not expect her to come in my life. One Month Later . . . . . I'm very happy dahil kahit nawala ako ng ilang games, naging finals mvp pa rin ako. Kami ang nanaig sa finals, tinalo namin ang banko perlas. "Dahil nanalo kayo, may OUTING TAYO!!" Announced ni sr. Alan. "Kasama natin ang lady eagles. Hindi nag-celebrate ang lady eagles, kumain lang sila sa labas dahil binalak talaga namin na pag-sabayin ang celebration ng dalawang team." Sabi ni ma'am Liz. Nang matapos kami kumain ay umuwi na kaming lahat sa dorm. I texted Deanna. "Hey! Sorry hindi kita nakausap kanina, ang daming tao kasi." Nanood siya ng game namin but hindi ko man lang siya nakausap or nalapitan dahil dinumog kami ng tao. "It's okay love. Congratulation, ang galing mo." "Can i call you?" "Sure." Halos twelve o clock na ko nakatulog dahil ang dami namin napag-usapan. Namiss namin ang isa't-isa. Mula kasi nang bumalik ako dito sa dorm naging busy na ko, halos hindi na nga kami magkita ni Deanna. Busy na din kasi siya, nagsisimula na agad sila sa paghahanda sa open conference kahit sa September pa ito. Kinabukasan maaga ako gumising para tulungan ang adamson. Adamson ang pinaka naging mahina sa season 81 kaya naman tutulungan ko sila para maipakita nila na kaya nila kahit wala na ko sa team. "Girls receive muna kasi tayo, receive ang key para maka-score tayo." I said. Wala si coach Onyok kaya ako muna ang magsisilbing coach sa kanila. Wala din sila coach Air at iba pang coaches, magkakasama sila ni coach Onyok. "Ate Jema maraming salamat ah, kahit may ibang team ka na tinutulungan mo pa rin kami." Sabi ni Thang. "Drama mo pero lab na lab ko kasi kayo kaya kahit may ibang team na ko, handa pa rin ako tumulong sa inyo. Hindi ko kayo papabayaan, mga babies ko kaya kayo." "Dahil dyan! Manlilibre si ate Jema!!" Sigaw ni Bernadette. "LIBRE! LIBRE! LIBRE!" "Hay! Nag-drama pa si Thang, libre lang pala gusto niyo." I said and laughed. Nang matapos kami mag-shower lahat, nilibre ko sila sa shakey's. Hahaha! Mahirap lang ako, hindi ako katulad ni Deanna. "Thanks ate Jema." Eli said. "Cge aalis na ko. Galingan niyo sa training." I said and pinaandar na ang kotse paalis. Pumunta ako sa BSM para sunduin sila Manang Leah at Peter. Actually may school bus naman kaso namimiss ko na si Peter kaya susunduin ko sila. After a few minutes of driving nakarating na din ako sa BSM. Sa gate palang nakita ko na agad si manang Leah kasama si Peter. "Manang." "Oh Jema, anong ginagawa mo dito?" Bumaba ako ng kotse at binuksan ang pinto ng backseat. "Sumakay na po kayo." Sumakay naman silang dalawa. "Anong ginagawa mo dito anak?" Manang Leah asked. "Namiss ko lang po si Peter tsaka kayo kaya naisipan ko na sunduin kayong dalawa." Nagsimula na umandar ang kotse. "Peter kamusta ang pag-aaral?" "Maayos naman po ate Jema, may honor po ako first grading." "Wow. Very good, i'm sure matutuwa ang ate Deanna po." "Oo nga po, sinabi ko po sa kanya kanina. Ang sabi niya po ibibili niya ko ng bagong sapatos at cellphone." "Spoiled na spoiled ito sa ate Deanna niya." Manang Leah said. "Ganyan po talaga kapag mayaman." "Ikaw ba hija? Anak ka ba nang mayaman?" Tanong ni manang Leah. "Naku, hindi po. Isang teacher lang ang mama ko, habang ang papa ko po ay isang coach ng volleyball at isa rin teacher. Pero sa ngayon po hindi na nagtra-trabaho ang papa ko dahil po ay retired na ito, si mama at ate nalang." "Ah . . . Hindi halata anak, akala ko mayaman ka din tulad ni Deanna." "Malabo po mangyari yun, laki lang po ako sa pamilya na hindi masyadong mahirap at hindi din mayaman." Sabi ko. "Natutuwa ako kay Deanna kahit sobrang yaman ito, nagagawa niya pa rin tumulong sa ibang tao." "Mabait po talaga si Deanna, buong family niya po ay mabait. Kahit puro sila mayayaman, hindi mababa ang tingin nila sa mga taong katulad natin." Totoo yun. Nameet ko na ang ibang angkan nila Deanna. Kung titingnan mo sila sa una, halatang mayaman talaga sila. Pero ang mga ugali nila ay simpleng-simple, hindi sila katulad nang ibang mayayaman. ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD