CHAPTER 13

1605 Words
Deanna Point of View Nasabi samin ni coach O na may celebration kami kasama ang creamline kaya kanya-kanya kaming paalam sa mga professor namin. Mabuti nalang isang honor student ako kaya pinayagan ako nang mga professor ko mawala ng dalawang araw. Sabado kasi ang punta namin sa subic, doon gaganapin ang celebration namin. Balik namin sa manila tuesday pa kaya balak ko dun muna si Peter sa tita ko na may bahay sa manila. "Ate Deans nakapag-paalam ka na?" Tanong ni Jaja. Nandito ako sa eliazo dorm, tamang dalaw lang. Tumango ako. "Oo." "Mabuti ka pa." She sighed. "Bakit? Hindi ka pinayagan?" "Pinayagan pero kailangan muna may maipasa akong thesis sa kanya sa friday." "Sino ba adviser mo?" I asked. "Si Professor Lim." "Tara." I stood. "Puntahan natin, ako magpapaalam sayo." Tumungo kami sa journalism department, nakita ko si professor Lim na nasa dulo. "Ate wag na kaya." "Okay lang yan, do not be nervous." Hinila ko siya papalapit kay professor Lim. "Hi Professor Lim." Napatingin ito sakin. He smiled. "Oh Deanna, anong ginagawa mo dito?" "Professor namiss kita. Ang tagal po natin hindi nagkita." I said. "Asus, ang pinaka-paborito kong estudyante ay naglalambing." "Professor may paki-usap naman po ako sana." I said. Tahimik lang si Jaja sa gilid ko. "Ano yun?" "Professor may outing kami kasi sa sabado, celebration dahil nag-champion nga po ang women's volleyball team." Sinulyapan ko si Jaja at mabilis na ngumiti. "Professor baka pwede niyo payagan ito si ms. Maraguinot na umabsent nang dalawang araw." "Naku kailangan niya muna magpasa sakin ng thesis bago siya umabsent." "Professor baka pwede sa Wednesday nalang po, masyado kasing nakaka-stress kapag minamadali and worst baka mali-mali pa ang maipasa niya." Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita ito. "Cge." He looked at Jaja. "Pasalamat ka ms. Jaja mabait ako kay Deanna. Cge makakaalis na kayo." "Thank you Professor." Jaja said. Tumango ako at ngumiti bago kami lumabas ni Jaja. "Solve na ang problema mo." I tap her shoulder. "Aalis na ko. Ihahatid pa ba kita?" "Wag na ate Deans. Sobrang salamat ah." "Welcome." Pumunta na ko sa parking lot at sumakay sa aking kotse, habang nagdadrive ako palabas ng ateneo tinawagan ko si manang Leah. "Hello manang Leah?" "Hija." "Nasan na po kayo?" "Nasa condo na, sinundo kami ni Jema." Manang Leah said. "Nandyan pa po si Jema?" "Ay umalis na anak, may training pa daw siya ulit." "Ah cge po, pauwi na po ako." I ended the call. Hay! Namimiss ko na si Jema, limang araw na kaming hindi nakakapag-usap sa personal. Sobrang naging busy kasi siya, mabuti nalang may outing kami at kasama sila. Dumaan muna ako sa J.CO para ibili ng donut si Peter at manang Leah. After a few minutes nakarating na din ako sa condo. "Hi Peter." Nilapag ko ang J.CO sa table at niyakap si Peter. "Kamusta ang pag-aaral?" Tuwing uuwi ako lagi kong tinatanong kung kamusta ang pag-aaral niya. "Maayos naman ate, masaya pa rin." "Hm . . Bukas na yung gift mo ah?" "Walang problema." I smiled. "Manang Leah sa friday ihahatid ko kayo kila tita, may outing kami and Tuesday pa balik ko. Mas safe kasi kayo kung dun muna." "Walang problema anak." Tumango ako. "Magbibihis po muna ako." Tumungo ako sa kwarto at nagbihis nang pambahay. *RING!*RING!*RING!* I pick up my phone and answered the call. "Hello?" "Hey love." "Jema. Why are you call?" "I miss you." "Hm . . Tapos na training mo?" "Yeah . . . I miss you." "Uhm . . Bye, may gagawin pa ko." I ended the call. Hmp! Nakakatampo siya, puro siya i miss you pero ayaw niya magpakita sakin. Miss na miss ko na siya, kung nakakamatay lang ang pagiging miss, baka naka-bulagta na ko. Jema Point of View Two days ko na hindi nakakausap si Deanna, chat, call and text hindi siya sumasagot. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, nababaliw na naman ata siya. "Uy Jema sasusunod na araw na yung alis natin, nakabusangot ka pa." "Eh ate Jia nakakainis eh." Kunot noong sabi ko. "Bakit na naman ba?" "Nakailang tawag, text at chat na ko pero hindi niya pa rin sinasagot, DM ko na din siya sa twitter but wala pa din response." "Nino? Si Deanna?" Ate Jia asked. "Oo." Napasabunot na lang ako sa aking buhok. "Argh! I miss her so much." "Whahaha! Ikaw kasi." Napatingin ako sa kanya. "Bakit ako, ate?" "Hindi mo talaga alam?" Umiling ako. "Ilang araw na kayo hindi nagkikita?" "Almost one week na." "Tingnan mo. Sino bang hindi ang magtatampo kung hindi man lang nagawa ng kasintahan niya na magpakita kahit saglit lang?" "You mean nagtatampo siya?" "Yan ang gusto ko sayo! Hindi ka slow." She tap my shoulder. "Puntahan mo na siya, baka mamatay na yun sa pagka-miss sayo." "Salamat ate Jia." I hugged her before ako umalis at tumungo kung nasan si Deanna. Tumungo ako sa condo unit niya but wala siya doon, tanging si Peter at manang Leah lang ang nandun. Hindi niya din dala ang kanyang kotse. "Manang alam mo ba kung nasan si Deanna?" "Ay naku anak, hindi ko alam. Maaga umalis ang batang yun, sa pagkakaalam ko nga walang pasok yun ngayon." "Cge manang Leah aalis na po ako, alagaan niyo mabuti si Peter." Huling sabi ko atsaka umalis. Sinubukan ko ito tawagan pero cannot be reached. ARGH! Nasan ka na ba Deanna? Sinubukan ko pumunta sa feu para tanungin si Ced. "Naku, chinachat ko nga din pero walang reply. Nag-away ba kayo?" "Hindi. Cge aalis na ko." Sinubukan ko ulit bumalik sa katipunan, nilibot ko ang buong katipunan pero ni anino ni Deanna hindi ko nakita. Inabot ako ng gabi sa paghahanap kay Deanna, hindi ko na inistorbo yung mga kaibigan namin dahil may sari-sarili din silang gawain. Habang nagdadrive na ko pabalik sa dorm namin, may nadaanan akong bar. Horizontal gentlemen's VIP lounge. Hininto ko ang kotse at pumasok sa loob. Sumalubong sakin ang usok at ingay, grabe ang daming tao. Nakasuot ako ng cap habang papasok sa loob, mahirap na baka may makakilala sakin. "Hi miss." "Can i get your number, miss?" "Sorry." I said. Nilagpasan ko sila. Malapit na ko sa bar counter nang biglang may humila sa aking kamay at dinala ako sa dulo. "Oh m——-—" Napahinto ako sa pagsigaw dahil tinakpan ng tao ang bibig ko. "Hmmp!" "Anong ginagawa mo dito?" Tinanggal niya ang kanyang kamay sa aking bibig. Tumingin ako. "Deanna?!" "What are you doing here?" Galit ang boses nito. "Hindi ka dapat pumupunta dito mag-isa, naka-short ka pa at sando." Mahina ko siyang tinulak dahil masyado siyang madikit sakin. "Ikaw ang dapat ko tanungin. Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap, halos nilibot ko ang buong katipunan." Nasa dulo kami at walang masyadong tao. "Umuwi ka na." "Hindi ako uuwi, sumama ka muna sakin bago ako umuwi." "Hindi ako uuwi. Mamaya pa, umuwi ka na sa dorm niyo." She said. Deanna Point of View Kanina ay nasa office ako at hapon na ng tumungo ako sa bar, hindi ko akalain na makikita ko si Jema dito. "Hindi nga ako uuwi. Sumama ka muna sakin." Magsasalita sana ako pero biglang may dumating na tao, kumapit siya sa aking braso. "Hey babe, nandito ka lang pala." Nagbago ang tingin ni Jema. Ang kaninang inosente na mukha ni Jema ay napalitan nang galit. "Hoy babae!" Hinila ako ni Jema at tinago sa kanyang likod. "Girlfriend ko 'tong nilalandi mo. Umalis ka sa harap namin kung ayaw mo magpalit kayo ng mukha ng ahas." Umalis naman ang babae. "Wag ka nga mag eskandalo dito, Jema." Mabuti na lamang walang katao-tao dito sa kinatatayuan namin. "Deanna wag mo ko pikunin. Uuwi tayo o maghihiwalay tayo?" Bigla naman ako napalunok. Seryoso siya? Hihiwalayan niya ko? "Ayoko umuwi." "Fine. I'm breaking up with you, we're done." She said and left. Napatulala nalang ako sa narinig ko. Seryoso talaga siya? Tumakbo ako at nakita ko siyang hinaharang ng mga lalaki. "May problema ba?" Inakbayan ko si Jema at ramdam kong nanginginig siya. s**t! Oo nga pala yung ginawa sa kanya ni Vic. Bobo ko talaga. "Wala po." Nag-iwas sila ng tingin at umalis sa aming harapan. "Deans may problema ba?" Sumulpot si Luigi. "Hinaharass siya ng mga lalaking iyan." Sumbong ko. "Okay ka lang?" I asked her. Tinawag ni Luigi ang mga bouncer at pinahila niya palabas ang mga taong humarang kay Jema. Actually kaya nandito ako sa bar dahil may pinag-usapan kami ni Luigi. By the way kay Luigi itong bar kaya dito namin napili mag-usap. "Deans dalin mo muna siya sa VIP room." Inabot niya sakin ang isang susi. "Salamat, Gi." Hinubad ko ang blazer na suot ko at sinuot ko sa kanya. "Sasusunod wag ka papasok basta basta sa isang bar. Mabuti nalang kay Luigi itong bar na pinasukan mo." Pinaupo ko siya sa kama. Akmang bubuksan ko ang window nang bigla niya akong hawakan sa kamay. "Deans i'm afraid." "Shh . . . Hindi kita papabayaan." Napaka-lamig ng kamay niya at nanginginig pa. "Teka. Seryoso ka ba sa sinabi mo sakin? Break na talaga tayo?" Hindi siya umimik. "Uy sorry na, nagtatampo lang naman ako sayo kaya ganito ako eh. Hindi ka kasi nagpapakita sakin ng isang linggo, sobrang namiss kita." Hinigit at niyakap niya ko. "Sobrang namiss din kita. I'm sorry, hindi ko sinasadya na sabihin iyon sayo." Napangiti naman ako. Kailangan ko lang pala pumunta ng bar para magpakita siya sakin. Pero hindi maganda ang nangyari, parang gusto ko balian ng leeg yung mga lalaki na humarang kay Jema. Tinakot nila yung mahal na mahal kong babae. ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD