"Eto na muna si Baby at kukunin ko lamang ang susi ng magiging Room mo pala." muli ay nakangiting sabi niyo matapos mailipat sa akin ang pagkakalong kay Baby.
"Sa-salamat po talaga Ate?" natitigilang tugon ko.
Huminga siya ng malalim at muling tumingin sa akin.
"Ang totoo niyan ay hindi ko pa alam kung paano ko ipapaliwanag kay Fidel na ikaw na ang bago naming boarder at hindi isang babae na gaya ng napag-usapan namin. Pero ako na lamang ang magpaliwanag sa kanya mamaya pagdating niya. Ang mahalaga ay may matutuluyan na kayo ng Baby mo." napapailing na sabi niya bago tuluyang tumalikod at muling pumasok sa bahay niya.
Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang makapasok. Marahil ay tapos na nga ang problema ko. Ngayon ay may matutulugan na kami at hindi na sa lansangan kayaya kagabi.
Ngunit may isa pa akong problema...
Mabilis naman siyang nakalabas at ngayon ay dala na niya ang susi at iniabot sa akin. Pagkatapos ay lumabas siya mula sa maliit na gate ng terrace.
"Halika pala sa likod, para makita mo yung tutuluyan niyong kwarto." sabi pa niya ngunit hindi na tumingin pa sa akin at tuloy-tuloy ng lumakad patungo sa likurang bahagi ng kabahayan nila.
Bantulot man ay napasunod na ako habang mahigpit na hawak at karga karga ang baby ko.
"Kapag gabi ay medyo madilim dito, pero hayaan mo at papakabitan ko ito ng ilaw kay Fidel mamaya pag-uwi niya galing sa trabaho. Noon ko pa kasi sinasabi ito sa kanya." patuloy pa niya habang naglalakad siya at habang nakasunod naman ako sa kanya.
Ilang sandali pa ay may natanawan na akong isang maliit na bahay sa likuran.
Medyo kupas na ang pintura nitong kulay apple green. Bakas na din ang pamumuti na ng pintura nito at mga nabakbak na din mula sa pader.
"Sa susunod na buwan ay papipinturahan ko din siya kay Mang Berto. Pero maayos pa naman ang loob nito. Ikaw na lamang ang maglinis dahil medyo matagal din kasi itong nabakante. Simula ng umalis ang boarder namin dito." patuloy niya habang isinusulot ang medyo kalawangin ng susi mula sa typical na door knob nito.
"Ok lang naman yan Ate. Ang mahalaga may mauuwian na kami ni Baby." bantulot na tugon ko.
Hindi naman siya kumibo at pagkatapos mabuksan ang pinto ay tuloy tuloy na ito sa loob at napasunod na lang ako.
Binuksan niya ang switch ng ilaw at bahagya namang nagliwanag sa kabuuan ng maliit na kwarto. Sandali kong pinagmasdan ang paligid.
Tama, sadyang napakaliit lang nito. Hindi ko maimagine kung gaano nga ba ito kasikip kapag nilagyan na ng kama.
"Walang kama rito pero may mga karton naman naman sa bahay na pwede kong dalin dito para pansamantala niyong mahigaan ni Baby." napapailing na sabi niya habang akma na itong papalabas ng kwarto.
"Sakto na yung karton Ate. Sanay naman kami sa ganoon." napapakamot sa ulo na tugon ko.
Tumingin siya sa akin at binawi din agad upang tunguhin ang pintuan.
"Oh siya maiwan ko na muna kayo rito. Kukunin ko lamamg yung kontrata upang mapirmahan mo na matapos nating magbayaran." Sabi pa niya.
Kinabahan ako, habang napapahawak sa bulsa ko.
May dala naman akong pera. Mula ito sa napagbentahan ko ng aking cellphone. Pero 1,500 lang ito.
Huminga ako ng malalim tsaka muling humarap sa kanya.
"E A-Ate, may konting problema ehh." bantulot na sabi ko, habang pinakikitamdam siya.
"Ano yon? Wag na wag mong sasabihing wala kang pera." walang emosyong tugon niya.
Ngunit ewan ko ba, pero nanatili siyang napaka ganda para sa akin kahit na ngayon ay bahagyang nakasimangot na siya.
"A ehh meron naman akong dalang pera Ate." sabi ko.
"Mabuti..." Matipid na tugon niya bago tuluyan ng tumalikod at lumabas ng pinto.
Sandali pa akong napatingala ng tuluyan na siyang nakaalis. Habang hinihimas himas ang batok ko.
"Hayy nako naman. Ang tanga mo Yuri bakit hindi mo pa sinabi na kulang ang pera mo. Tsk!! Paano nalang kung hindi siya pumayag." worried na bulong ko pa sa sarili.
BAHALA NA.
Tsaka ko muling inilingap ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto.
Malinis ito.
At tama si Ate na maganda. Maayos pa naman ang pintura dito sa loob. Kulay cream ang pintura nito sa interior kaya naman mas maaliwalas siyang tingnan. Maayos din naman ang napakaliit na lababo at banyo naman sa gawing kaliwa nito.
May linoleum na din naman ang sahig kaya wala naman problema kahit sa sahig lang kami matulog ni Baby.
***
"May nahanap pala akong pinag lumaang matress sa bahay. Ito nalang siguro gamitin nito para hindi malamigan likod ni Baby."
Sandali akong natigilan at bahagya din namang nagulat dahil hindi ko inaasahan na ganon din pala kabilis siya makakabalik.
Inalapag niya sa sahig ang matress at agad ko din namang inihiga dito si Baby, habang ngayon ay tulog na tulog pa din.
"Sa-salamat po talaga Ate."
Sabi ko pa bago ako muling tumayo at marahang lumapit sa kanya.
"Narito pala ang kontrata. Uhmm makisulat nalang dito ang pangalan mo at makibasa na din bago mo pirmahan." malumanay na sabi pa niya at marahan na ngang iniabot sa akin ang sa may tatlong pahina ng long bond paper.
Napakamot ako sa ulo ng makita ko ang nakasulat sa kontrata dahil nakasulat ito sa english.
Sandali pa siyang napamaang at tumitig sa akin. "May problema sa kontrata Mr...???"
"Ah eehhh Yuri po Ate. Yuri Alcantara." mahinang tugon ko.
"Hmm i explain ko nalang sa iyo yung mga mahalaga Mr. Yuri. Habang ang iba naman diyan ay hindi naman na masyadong mahalaga.
Napatitig nalang ako sa kanya. Habang isa-isa niya itong ipinaliliwanag sa akin. At sandaling napukaw ang pagkalalake ng mapatingin ako sa kabuuan niya.
Nakasuot siya ng simpleng printed white t-shirt at habang sa ibaba naman ay medyo maluwag at malambot na pajama naman.
Ngunit hindi naging sagabal ang luwang ng pajama niya dahil ipinagkakanulo pa din nito ang natural na hugis at ganda ng nasa loob nito. Ang malapad at bilugan niyang balakang na binagayan naman ng maliit na baywang niya.
"Eheemm... Nakikinig kaba sa akin Yuri?" Sandali pa siyang natigilan at sandaling nakaramdam ng bahagyang pagka asiwa dahil sa hindi ko napugilang pagtitig sa kanya.
Pakiramdam ko tuloy ay pinamulahan ako ng pisngi dahil dito at muling napakamot sa ulo.
"Ahh ehh Ate, may gusto nga pala muna akong sabihin bago ito pirmahan sana." Alanganing sabi ko pa habang bahagya naman akong napayuko.
Napansin ko ang pagbugyong hininga niya at
"Ano yon? Makibilisan mo para makaalis na din ako!" Sabi pa nito habang ramdam ko ang pagka iritable mula sa maganda niyang mukha.
Kinabahan ako.
Mukhang hindi kasi siya papayag...
"Ano na?" mataray na muling tanong niya.
"Ka-kasi Ate... Ano ehh." Asiwang tugon ko habang tila pinagpapawisan ako habang dinukot ko sa bulsa ang wallet ko.
"Kasi ano? Pwede ba ayusin mo naman Yuri!"
"One five lang kasi ang pera ko dito Ate. Baka pwedeng...."
Napangisi siya at napahawak sa noo niya.
"Kelan mo ibibigay ang balanse? At teka kaya mo ba talagang magbayad ha!? May trabaho kaba pala? Kung wala paano ka makakabayad." mataray na sabi niya tsaka hinablot sa akin ang kontrata.
Nataranta ako....
"Wait Ate. Opo nagtatrabaho ako sa talyer bilang Mekaniko."
Tumitig siya sa akin. Marahil ay sinusuri ang katapatan ng sinasabi ko sa kanya.
"Paano ang anak mo pala kung ganon?" tanong niya habang ngayon ay nakatuon na nag mga mata niya sa Baby ko.
"Isinasama ko siya Ate." Matapat na tugon ko.
"At sino namang tangang employer ang papayag na may kaykay ka na sanggol habang nagta trabaho ka." matigas na sabi niya.
"Pumapayag naman po kasi si Mang Tasyo dahil may barracks naman kami don." paliwanag ko.
Sandali siyang natigilan at
"Maari mo siyang iwan sa akin. Mahilig din kasi ang Anak ko sa bata. At nandito lang naman ako sa bahay." Kaswal na sabi niya.
"Ho??? Si-sigurado ka Ate?"
Tumango ito.
"Oo, mukha ba akong nagbibiro? Ang totoo niyan ay may ADHD ang Anak ko, kaya naman sa tingin ko ay mas makakatulong sa kanya kung may makakasama siya." Matapat na sabi niya.
Napatango tango naman ako, na bagamat hindi ko naman talaga nauunawaan ang ADHD ay sigurado naman akong safe ang Baby ko sa kanya.
"Tatanggapin ko ang 1,500 mo pero dapat sa katapusan ay doble ang ibayad mo. Maari ba ang ganon?"
Natuwa ako sa huling sinabi niya.
Muling iniabot sa akin ang kontrata at pinirmahan ko ito. At pagkatapos kong magbayad ay mabilis na itong tumalikod sa akin.
Habang inihahatid ko pa siya ng tingin.
"Ang swerte naman ni Sir Fidel. Nakahanap siya ng mala anghel na asawa. Sana all lang talaga."
Napapailing ko pang bulong sa sarili matapos kong maisara ang pinto.