Chapter 3

979 Words
Matapos kong mapadede ay muling nakatulog si Aiden. Ang Baby ko, kaya naman sinamantala ko ang paglilinis sa aming bagong tahanang mag-ama. Salamat nalang talaga at nahanap ko ang kwarto na ito. Dagdag pa na napakaganda ng aming Landlady. Na kay sarap gawing inspirasyon. Napatingala pa ako habang ini-imagine ang nakatatak pa din sa utak ko na napaka ganda niyang imahe. "Oh my Angel... Baby.." bulong ko pa. Sakto Alas syete ng gabi ay may kumatok sa pintuan ko. "Tok tok tok" Malalakas ang katok na yon at sunod-sunod "Teka siya kaya si Ate? Ang aking Angel?" bulong ko pa habang marahan akong patungo sa pintura. "Ate ikaw ba yan? Sandali lang po." Kaya naman inaayos ayos ko pa ang aking sarili habang sinusuklay pa ng aking daliri ang aking buhok. Bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Ngunit... Nagkamali ako. Isang lalake lalake ang nabungaran ko. Malayong malayo sa anghel na inaasahan ko. Medyo may katabaan ito at mas malaki ako ng kainti sa kanya. At naaamoy ko din ang masangsang na amoy ng alak sa kanya. "Ah ehhh ma-magandang gabi po Sir." Alanganing bati ko pa sa lalakeng ngayon ay nakatingin sa kabuuan ko. Tumango siya ng bahagya, bago tuluyang pumasok. Nailang ako. At natakot din. "Ikaw pala ang bagong boarder namin kung ganon." May authority ang boses niya. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa baril na nasa baywang niya o ang police uniform niya. "O-opo Sir." kiming tugon ko. Tumango-tango siya. "Siguro naman ay naipaliwanag na sa iyo ni Ynna ang batas at patakaran ko dito." patuloy niya habang inillibot ang mga mata. So, Ynna pala ang pangalan ni Ate. Bagay na bagay ito sa kanya... "O-opo Sir." "Mabuti. Pero ang sabi ng asawa ko ay kulang pa ang naibayad mo. Tama ba?" "O-opo Sir e. Pero babayaran ko naman siya sa katapusan po." Umiling iling siya. "Anak ng tokwa! Hindi charity institution itong paupahan ko bata! Unang-una ay babaeng boarder ang gusto ko! Pasalamat ka at naawa sa iyo si Ynna. Kaya naman ayusin mo. Kundi ay may kalalagyan ka sa akin." Nalito ako. At bahagyang napatitig sa kanya. Manipis na ang buhok niya sa bandang itaas ng noo nito. In ahort nakakalbo na siya, habang medyo hapit naman ang suot niyang uniform. Hindi ko alam kung dahil ba may kalakihan din kasi talaga ang tiyan niya. Na halos lumuwa sa butones ng uniform niya. "Si-sigurado naman po na babayaran ko kayo sa katapusan Sir." Muli itong umiling. Habang nakatingin sa akin ng masama. "Taena!!! Lalo kang mahihirapan kung ganon dahil kababayaran mo na din ng unang renta yon para ika isang buwan mo dito. Huwag ganon! Ang lagay kabago-bago mo utang na agad tsk!" malakas ang boses nito. "Pa-papano po ang gagawin ko?" Ngumisi siya. "Pusang gala at ako pa talaga ang tinanong mo! Paano pala kung sabihin ko sayo na bayaran mo ako ngayon din. May ilalabas kaba g*go ka o bibirahin nalang kita dito!" banta pa nito habang napahawak sa gilid ng baywang niya. Umiling ako at napataas pa ang kamay ko. "Huwag naman po Sir. Maawa po kayo sa akin. May anak po akong sa akin lang umaasa." Napabugtong hininga pa ito. Bago muli umayos na pwesto at namaywang. "Limang araw bata. Hwebes ngayon, kaya aasahan ko sa Martes ang mabayaran mo ang balanse mo. Malaking kaluwagan na iyan sa iyo." Tsaka ito tumalikod. "Su-subukan ko pong maka bale sa Boss ko Sir." Muli siyang humarap sa akin. "Huwag mong subukan!! Gawin mo, maliwanag!!? Kung ayaw mong kakaladkarin kita palabas dito! Huwag mo akong subukan!!!" matigas na sabi niya bago tuluyang lumabas at ibinalibag ang pintuan. Nakakabingi ang napakalakas na hampas ng pintuan mula sa hamba nito. Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng husto dahil dito. Kaya naman ng mahimasmasan ako ay mabilis ko ini lock ang pintuan mabilis na tinungo si Baby dahil nagulat ito sa malakas na kalampag kanina. Hindi agad ako nakahupa dahil dito. Pakiramdam ko ay nanginig ng husto ang buo kong katawan. Umiyak si Baby dahil dito. "Tahan na Baby. Ok na ang lahat." bulong ko pa rito habang tinatapik tapik ko. At tila naintindihan naman ako ni Baby, dahil maya-maya pa ay muli itong pumikit at natulog. Nakaramdam ako ng kapanatagan dahil dito. "Grabe pala ang asawa ni Ate. Kaya pala walang tumatagal na boarder dito dahil sa kanya." napapailing pang bulong ko . Tsaka ako lumakad patungo sa bag ko at tsaka ko kinuha ang tatlong piraso ng nilagang kamote. Tama ito ang hapunan ko. At nasanay na din ako sa ganito. Kaya naman naupo ako sa sahig at nagsimulang kumain. Wala naman kasing mesa dito o kahit ba monoblock na upuan man lang. Ngunit hindi pa ako nagtatagal sa pwesto ko ay muli akong natigilan. Dahil ngayon naman ay nadidinig ko ang malakas na sigawan at kalampagan mula sa bahay nila Ate. Nakiramdam pa ako. Teka nag-aaway ba sila??? Tama, nag aaway nga sila. Dahil na din sa malalakas na mura ng lalake at mga impit na pag iyak naman ng babae kasabay ng mga tili niyo. Na kung hindi ako nagkakamali ay si Ate. "Hindi kaya dahil sa akin?" Napailing ako. Kawawa naman pala si Ate. Ngunit paano ko ba siya matutulungan kung maging pati ako ay natatakot kay Sir Fidel. Napakuyom ang palad ko at sandali pang nagpigil ng sarili. Wala ako sa poder na makialam sa kanila. At lalong lalo ng lumapit pa kay Ate. Hindi naman dahil takot ako para sa sarili ko kundi para naman kay Ate. Na kahit sa unang enkwentro namin ay may pagka mataray din ay alam na alam kong may mabuti siyang puso. Ipinapatuloy ko ang pagkain ko. At pagkatapos ay hinanap ko ang 1 liter bottled water sa loob ng backpack at uminom ng kaunti dito. Kailangan ko pa ding tipirin ito. Dahil walang gagamitin si Baby sa dede niya kapag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD