Chapter 98 "HE'S MY BOSS" Jutay POV: Nakaramdam ako ng konting pag-asa nang pumayag si Mom na tulungan ako para bumalik sa akin si Airah. Kahit papano ay nagkaroon ako ng lakas na gawin ang surpresa ko para sa babaeng Mahal ko. Kaya sana makumbinsi ni Mom ang dalaga na sumulpot sa Bahay Ampunan. Oo, sa Bahay Ampunan ko binabalak gawin ang lahat. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dumiretso na agad ako rito. Gaya ng inaasahan ko ay mainit na sinalubong ako ng mga batang napamahal na sa akin. Yinakap nila ako at ang iba ay biglang sumaklay sa aking braso. "Kuyaah!" "Bumalik si kuyaaaaa!" "I miss you kuyaaaaa!" Mga sigawan na may halong saya ang naririnig ko sa mga bata. Pero may isang babaeng lumapit sa akin at tila ba may lungkot ang mukha nito. Dahan-dahan naman akong lumu

