CHAPTER 99 "HE'S MY BOSS" SARAH POV: "Oh ayan! Luminis ka ng kubeta! Para may silbi ka dito! Sa kulungan na to, bawal ang prinsesa! Naiintindihan mo?!"sigaw na bigkas ng sigang babae sa akin kasabay ng pagbato nya sa mukha ko ng panglinis sa kubeta. Kanina pa sila ha?! Namumuro na talaga ang mga ito sa akin. Dahil sa ayokong magmukhang mahina ay tinapon ko ang gamit na panlinis sa sahig. Tangina, wala na akong pakialam kung magalit lalo ang mga ito. Hindi na nga ako nagtaka nung pwersahin nito ang aking mukha gamit ang kanyang malaking kamay. "Hindi pa yata sayo sapat yung leksyon na pinaranas namin sayo kanina!"gigil na sabi nya. Ngumisi lang ako rito at malakas kong inalis ang kamay nito sa aking pisngi. "Kung inaakala nyong natatakot ako sainyo, dream on!" matigas na sambit k

