Prologue
Prologue
Malia Shanaya Torres
"SIGN the annulment now. Tapos na ang kontrata natin. Nakuha ko na ang anak ko, nagawa mo na ang trabaho mo. Wala ka nang karapatan dito." He mercilessly said.
Ang bawat salita niya parang patalim na humihiwa sa puso ko pailalim nang pailalim. Nakatitig lang ako sa papel. Nandoon ang pangalan ko, hinihintay lang na lagdaan. Pero imbes na tinta ang ilagay, pakiramdam ko parang dugo ang ilalagay ko kapag pumirma ako. Oo, ito naman ang kasunduan, kapalit ng operasyon ng kapatid ko, pumayag akong maging ina ng batang hindi ko puwedeng mahalin. Hindi ko puwedeng yakapin. Hindi ko man lang puwedeng silipin.
Hindi gumagalaw ang kamay ko. Nasa tabi ng papel ang ballpen pero parang ang bigat nito, para bang sampung tonelada ang laman nito. Hindi ko kayang buhatin. Ang totoo, ayaw ko talaga. Ayaw ng puso ko.
Naririnig ko pa rin ang unang iyak ng sanggol na isinilang ko, 'yung malakas na tunog na parang pumutol sa kaluluwa ko. Gusto ko siyang lapitan noon, gusto kong masilip kahit pisngi man lang, pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahil alam kong bawal. Dahil may kontratang nagbabawal.
Pinikit ko ang mga mata ko, umaasang kapag binuksan ko, magigising ako sa bangungot na ito. Pero hindi, naroon pa rin ang papel sa ibabaw ng mesa. Si Doc.Medrano naroon pa rin siya sa kabilang gilid ng mesa, malamig ang mga mata.
"Sign the annulment now. Stop the drama, Malia."
Napasinghot ako, hindi ko na mapigilan ang luha. Nanginginig ang labi ko nang mahina kong sabi, "Pwede ko ba siyang makita...kahit isang beses lang bago ako pumirma? Please...Doctor. Medrano."
Umiling siya, mariin, walang bakas ng pagdadalawang-isip at konsiderasyon. "Hindi mo siya kailanman naging anak. At wala kang dapat makita pa. Ang linaw ng usapan natin, diba?" He said firmly. Walang puwang sa tono niya ang argument.
I stilled and speechless. Ilang segundo lang pero parang napahinto ang oras. Hanggang sa bumigay ako—napaluhod ako sa harap niya, luha ko tuloy-tuloy na bumabagsak sa sahig.
"Please... kahit isang saglit lang. Hindi ko siya hahawakan, hindi ko siya kukunin. Gusto ko lang makita kung kamukha ko ba siya...kung may mata ba siyang gaya ng akin. Kung ang ilong ba niya kasing tulad ng akin. Please, kahit isang tingin lang... isang beses lang."
Pero nanatili siyang matigas, parang bato na hindi kayang buwagin. "Tumayo ka riyan. Don't forget, binayaran kita para sa kapatid mo. Hindi para maging ina kaya wala kang karapatan."
At naramdaman ko kung gaano kabigat ang salitang "wala." Wala akong karapatan. Wala akong pangalan sa buhay ng batang iniluwal ko. Wala akong halaga sa kanya.
Hinawakan ko ang ballpen, sa nanginginig ang kamay ko. Pero nang idampi ko ito sa papel, halos hindi ko makita ang linya. Puno na ng luha ang paningin ko, nagdidilim, at naglabo-labo na lahat ng letra. Pumikit ako sandali, pilit pinupunasan ang mata, pero hindi pa rin luminaw.
At habang pilit kong nilalagda ang pangalan ko, dumadaloy ang imahinasyon ko. Paano kaya itsura niya? May buhok kaya siyang kasing-itim ng sa akin? May mga mata kaya siyang singlalim ng sa kanya? O baka naman katulad ko, singkit at laging may luha?
Naalala ko ang iyak na narinig ko, at doon ko siya muling inisip. Baka ngayon, nakapikit siya habang natutulog. Baka may ngiti siya na hindi ko kailanman makikita.
Ang bawat letra ng pangalan ko, parang unti-unting binubura ang koneksyon ko sa kaniya. At nang matapos ko ang huling guhit, pakiramdam ko tuluyan nang natanggal ang parte ng puso ko na hindi ko na maibabalik kailanman.
Tahimik akong humikbi, pinipigilan ang sarili kong sumigaw. At sa loob-loob ko, may mahina kong dasal.
"Anak... sana kahit hindi kita nasilayan, maramdaman mo—na simula pa lang, minahal na kita ng buong-buo. Patawad anak ko!"