Chapter 76 Malia Shanaya Torres HINDI pa humuhupa ang galit ko. Nakatayo pa rin ako sa harap ni Candice, hingal pa, ready pa siyang sampalin ulit–nang paulit–ulit. Pero biglang may boses na umalingawngaw sa likuran namin. "What's happening here?" Muntik na akong mapatalon sa gulat. Si Mckenzie. Nag-freeze ako. Then mabilis na kumilos ang utak ko. Damn, Malia. Think. Imbes na sampalin si Candice, bigla akong "napaatras" at nagpatapilok kunwari. Ginawa kong exaggerated ang bagsak ko, para palabasing tinulak ako ni Candice. Tumama ang palad ko sa lupa nang malakas at napasigaw ako na parang nasaktan talaga, bago ako nagsalita.. "Doc...s-she pushed me..." boses kong parang takot, nanginginig nang konti. "She scolded me kasi sinita ko siya for hurting the kids..." Umiling akong mahin

