Chapter 10 Malia Shanaya Torres AGAD kong itinukod ang dalawang palad ko sa matigas na dibdib ni Doc, halos maramdaman ko pa ang mabilis na t***k ng puso niya. Damn, this is awkward. Para akong natutunaw sa posisyon naminng dalawa—ako sa ibabaw, siya sa ilalim. At bago ko pa maigalaw ang katawan ko para tumayo, narinig ko ang mga bulongan ng ilang tao sa paligid. Mga pasimpleng tawa, mahihinang "Uy!" at "Nakita mo ba 'yon?" na lalo lang nagpainit ng pisngi ko. Bigla na lang nag-react si Doc. Parang nahimasmasan siya mula sa kung anumang nadama kanina. Mabilis niyang itinulak ang balikat ko, sapat para mawalan ako ng balance. Napatukod pa ang mga siko ko sa lupa nang bumagsak ako sa gilid niya. Ramdam ko ang mga maliliit at matulis na mga bato na tila tumusok sa mga siko ko. "A—aray..

