Kabanata 19

1042 Words
Tanya’s POV  Habang nakahiga ako sa kama ko, iniisip ko kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Wala namang pasok sa school at halos lahat ng kaklase ko, may sariling lakad. Ako? Stuck sa mansiyon. I mean, hindi naman masama ‘to. Actually, sobrang chill kaya lang, minsan nakakabagot din. Gusto kong mag-shopping kaya lang ang dami ko pang bagong mga gamit. Gusto kong mag-foodtrip kaya lang baka lumaki na naman ang tiyan ko. Gusto kong mag-aya ng gala kaya lang may mga gala na sila. Ang parents ko naman busy sa kani-kanilang work. Kung bakit ba naman kasi wala manlang akong kapatid na babae o kahit na lalaki para kapag nasa bahay lang ako ay may ka-bonding manlang ako. Bored na bored na nga ako kaya napatingin na lang ako sa bintana, nagbabakasakaling may makitang kakaiba. Sino ba kasing magsasabing walang maganda mangyayari ngayong araw? Mayroon pala. Napansin ko bigla si Boris sa labas ng bintana, nasa likod ng mansiyon namin. Seryoso? Anong ginagawa niya? At teka, bakit topless siya? Parang slow motion ang galaw niya habang nag-e-exercise. Push-ups, crunches, tapos parang nag-stretch pa ng mga braso niya. Ang tigas ng mga muscles! Parang mga bato! Napasilip ako nang mas maayos, kasi baka naman mali lang ang tingin ko. Pero hindi, confirmed! Oh, my God! Ang laki nga ng katawan ni Boris! As in, parang pang-magazine cover. Grabe ang katawan ni Boris! Paano naging ganito ka-hot ‘to? Hindi ko maiwasang tumitig nang mas matagal sa kaniya. Totoo ba ‘to? Nag-e-exercise lang naman siya pero bakit parang naghahamon. Parang nang-aakit. Parang biglang sumikip ‘yung kuwarto ko kahit maluwag at malamig naman. May kung anong init akong nararamdaman sa loob. Grabe, ‘yung abs niya parang may sariling buhay! Ang alam ko, nung unang ma-meet ko siya sa tattoo shop niya ay mataba-taba pa siya at talaga naman malaki ang katawan niya. Confirmed na rin siguro na nasaktan ko kaya nagpasarap siya ng katawan. Napanganga ako nang konti. Siguro kung nakita ako ng mga kaklase ko ngayon, tawang-tawa sila. Kasi hello, si Tanya, napapatulala sa sariling bodyguard. Pero seryoso, paano ba naman hindi? ‘Yung katawan niya parang ginuhit ng kung sinong diyos ng kaguwapuhan. Classmates, tama kayo. Hot nga si Boris! Sumandal ako sa bintana para mas makakita nang maayos. May pawis pa si Boris. Oh my god, nag-glow pa lalo! Bakit ganun? Teka, nakikita ba ako ni Boris dito? Hindi naman, ‘di ba? Nasa loob ako ng bahay, baka hindi niya ako makita. Okay, chill lang Tanya, chill lang. Pero hala, parang mas lalo kong iniisip na ang daming times na andiyan lang pala si Boris, pero ngayon ko lang talaga napansin na ganito siya ka-hot. Ano bang nangyayari sa akin? I mean, guwapo na siya dati, pero ngayon, ibang level na. ‘Di lang siya basta-basta guwapo—parang superhero sa mga pelikula, ‘yung tipong pang-leading man. Hibang na ata ako. Ano ba ‘tong pinag-iisip at mga sinasabi ko sa isip ko? Hindi ako ganito. Cool ako, maldita at hindi papatol sa mas mababa sa akin. Bigla ko tuloy naalala ‘yung mga kaklase ko na pinapantasya siya. Dati, tatawa lang ako, sasabihin ko pa, “Eh, bodyguard ko lang naman siya. Nothing special.” Pero ngayon? Hala, nagkamali pala ako. Ang weird! Natawa ako bigla sa sarili kong mga iniisip. Ano ba, Tanya? Wala ka bang ibang magawa kundi tumitig kay Boris? Pero hindi ko rin maiwasan. Naka-flex ‘yung mga braso niya habang nag-push-ups. Grabe, parang tinatrabaho ng mga workout niya ‘yung every single muscle sa katawan niya. And why is this even affecting me like this? “Paano kaya kung… hindi, wag na,” bulong ko sa sarili ko. Pero hindi ko mapigilan ‘yung mga thoughts. What if bigla siyang tumingin dito sa bintana at makita ako? Ano’ng gagawin ko? Aamin ba ako na tinititigan ko siya? Nah, nakakahiya! Pero teka, bakit parang ang bilis ng t***k ng puso ko? Hindi naman ako tumakbo o ano, pero parang may marathon na nangyayari sa dibdib ko. Boris, what are you doing to me? Siguro kung may soundtrack itong moment na ‘to, ‘yung dramatic na background music na may kasamang heartbeats ang maririnig. At sabay nito, may mga slow-mo na shots ni Boris habang ginagawa ang mga intense na exercises. Grabe, parang ‘yung mga abs niya, may sariling kuwento! Natawa ulit ako nang bahagya. Gaga ka, Tanya. Pero seryoso, may point ‘yung mga kaklase ko. Ilang beses na nilang sinasabi na hot si Boris, pero hindi ko lang sila pinapansin. Ngayon, parang gusto ko silang sabihan ng “Sorry guys, tama pala kayo. Hahaha, confession time.” Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig kay Boris, pero parang walang oras. Wala na akong sense of time, ‘yun ang totoo. Siguro dahil nakakalunod ang view. I mean, sino ba namang babae ang hindi magfi-freak out kapag ganito ang nakikita mo araw-araw? Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Pinilit kong lumayo sa bintana, pero ilang segundo pa lang, bumalik ulit ako sa puwesto ko. Okay, fine, one last look. Tiningnan ko ulit siya at sa sobrang focus ko sa mga muscle at pawis niya, hindi ko napansin na tumigil na pala siya sa pagwo-workout. Biglang nagtama ‘yung mga mata namin. Oh my God! Putangina! Nahuli ka, Tanya! Napatigil ako na halos hindi makagalaw. Shucks! Nakatingin din siya sa akin at teka, nakangiti pa siya? Hindi ba ako halatang tumutulo na ‘yung laway ko dito? Agad kong sinara ang bintana nang mabilis pero alam kong huli na. Nahuli niya na ako. Napasandal ako sa pader habang humihinga nang malalim. “Tanya, ano ba ‘tong mga pinaggagagawa mo?” Nakakatawa talaga! Ilang beses ko pang sinampal ang sarili ko mentally. Oh my god, paano na ‘to? Napahawak na rin ako bigla sa ibaba ko. Namilog ang mga mata ko kasi p-parang nag-wet bigla ang pagkababaë ko. Tangina! Siguro, kapag pumasok na siya sa bahay, kailangan kong mag-behave. Walang dapat makahalata, lalo na siya. Pero sa isip ko, hindi ko pa rin maiwasang isipin na parang may isang malaking secret akong natuklasan. Hindi lang pala siya ‘yung bodyguard ko. T-trip ko na yata siya, potek!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD