Kabanata 18

1084 Words
Boris’s POV  Napakagandang araw ang sumalubong sa akin nang magising ako. Kahit hindi araw ng suweldo, parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Eh kasi nga, day off ko. Hinihintay ko na lang ang pagkakataon na muli kong mabuksan ang tattoo shop ko, ang matagal ko nang pangarap na muling buhayin ulit matapos itong masunog. Ngayon, sa wakas, unti-unti ko nang matutupad ang plano ko. Tumayo ako mula sa kama, nag-inat at agad tinungo ang bintana. Nasa labas si Tita Tarsy, nagwawalis sa tapat. Sa umaga ganito siya, dinadamay na niya ang labas ko sa pagwawalis. Nginitian ko siya at kinawayan. Alam ko kasi na matagal na rin siyang nag-aalala sa akin mula noong nasunog ang shop ko. Ngayon, masisiguro kong maipapakita ko sa kaniyang nakakabalik na ako sa tamang landas. Matapos akong mag-almusal, nagsuot ako ng simpleng polo shirt at pantalon. Hindi ako sanay na magbihis ng ganito dati—kadalasan naka-sando lang ako at pambahay na shorts. Pero ngayon, bilang personal na bodyguard ni Tanya, kailangan ko na ring mag-ayos nang kaunti. Wala naman akong reklamo sa kung ano ang mga nangyayari na ngayon sa buhay ko. Malaking tulong ang sahod ko sa kaniya para maibalik ko ang shop ko. Actually, nakakakilig sa laki ang sahod ko. Ngayon, hindi lang simpleng shop ang muling itatayo ko, kundi mas malaki at mas maganda pa kaysa dati. Lumabas ako ng bahay, sakto namang nadaanan ko ang tricycle na pa biyaheng palengke. “Manong, sa palengke ho,” sabi ko habang pumapara. Ilang minuto lang ay nasa palengke na ako at diretso akong nagtungo sa pinapagawa kong bagong tattoo shop. Pagdating ko roon, nakita ko agad ang mga trabahador na abala sa pagpipintura ng pader at pagsasaayos ng mga kagamitan. Malaki ito kaysa dati, tatlong beses na mas malawak ang espasyo. May sarili na itong lounge area para sa mga kliyente, may reception desk na pinasadya ko at magkakaroon pa ng mini studio para sa mga gustong magpa-picture matapos magpa-tattoo. Parang hindi ko lubos maisip na magagawa ko ulit ito—mas maganda, mas matibay at mas engrande kaysa dati. Parang inadyang masunog ito para talaga mag-improve ko ang shop ko. Sa totoo lang, itong shop ko ang pinakahuling nakaahon sa hirap. Ibig sabihin, pinakahuli ‘yung shop ko na ginawa sa helerang ‘to na nasunog dito sa palengke. Pero, okay lang na nahuli ‘to. Ngayon, mas maganda na ‘to kaysa sa mga katabi kong shop. “Boss Boris!” tawag ng isa sa mga trabahador. “Tapos na po ‘yung front desk. Paki-check na lang.” Lumapit ako at inisa-isa ang mga detalye. Hindi ko maiwasang ngumiti. Nakikita ko na unti-unting nabubuo ang pinaghirapan ko. “Ayos ‘to. Salamat,” sagot ko habang ngiting-ngiti. Kinikilig ako sa tuwa dahil sa ganda nitong bago kong shop. “Konting tiis na lang, malapit na natin ‘tong matapos.” PAGKALIPAS ng ilang oras na pagmamasid sa progreso ng shop, naupo ako sa gilid at nilabas ang telepono ko. Kailangan ko na ring maghanap ng mga bagong tattoo artist na magtatrabaho sa akin. Hindi ko kayang mag-operate mag-isa. Lalo na ngayon, mas malaki na ang shop at mas malaki ang demand, kaya kailangan ko ng mas maraming tao. Agad akong nag-post sa social media ng hiring announcement para sa tattoo artist. “Hiring: Experienced tattoo artists. Preferably with portfolio. Send applications via DM,” ang nilagay ko sa post. Kailangan ko na ring maghanap ng mga staff para maglinis at magbantay ng shop, mga taong mapagkakatiwalaan ko at masipag. Hindi ko hahayaang magdusa ulit ang negosyo ko sa kapabayaan. Habang hinihintay ko ang mga aplikasyon, naisip ko ang mga plano ko para sa hinaharap. Hindi lang tattoo shop ang gusto kong buksan, kundi isang lugar kung saan maaaring magtipon ang mga artist at mga taong nais ipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng art. Parang komunidad na rin ito ng mga mahilig sa tattoo at body art. Gusto kong maging inspirasyon sa kanila—na kahit gaano kabigat ang pagsubok, puwede kang bumangon at magpatuloy. “Boss Boris, may bumisita po,” sabi ng isang trabahador habang papalapit sa akin. Tumayo ako at lumingon. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko—si Veronika. Ang bestfriend ni Tati na cool na may tattoo sa katawan. Nakatayo siya sa harap ng shop, suot ang eleganteng damit na lagi niyang dala kapag may business meetings. Ngumiti siya sa akin. “Boris,” bati niya. “Mukhang maayos na ulit ang shop mo, ha?” Nung nakainuman ko siya minsan noon sa bahay dati ni Grigori, nagkakilala na kami at naging magka-close na rin dahil alam niyang nagta-tattoo ako. Sa totoo lang, isa sa mga tattoo niya sa katawan ay ako ang gumawa. Sa likod iyon. “Oo, Veronika. Mabuti nga at naiahon ko ulit sa bago at maganda,” sagot ko. “Malaking bagay din na nag-focus ka sa trabaho bilang bodyguard ko,” sabi niya habang iniikot ang tingin sa paligid. “Kaya ko na ring mag-invest dito kung kailangan mo ng dagdag pondo.” Talagang mahilig siya sa tattoo. At talagang mabait kasi handa pa siyang tumulong. Tumango ako. “Salamat, pero kaya ko na ‘to. Hindi ko inaasahan na makakakuha ako ng malaking sahod mula sa pagiging personal bodyguard ng isang mayamang babae. Sapat na ‘yon para unti-unti kong patayo ulit ‘tong shop." Nagpaalam si Veronika pagkatapos ng ilang minuto. Bago siya umalis, sinabi niyang kapag kinailangan ko ng tulong sa pera, magsabi lang ako at tutulungan niya ako. Sa pagtatapos ng araw, tumayo ako sa harap ng shop, tinititigan ang harap nito. Malapit na. Malapit ko nang makita ulit ang mga kliyente ko, marinig ang tunog ng makina ng tattoo at makita ang mga ngiti ng mga taong satisfied sa gawa ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting kaba, pero higit pa roon, excited na talaga ako. “Bukas na ulit ang pinto,” bulong ko sa sarili ko sabay ngiti. Umuwi na ako, dala ang bagong lakas ng loob na nagsimulang mabuo mula sa mga sumubok sa akin. Pero bago ako makasakay ng tricycle pauwi, napaisip ako: Ano pa kaya ang mas naghihintay sa akin sa hinaharap? Magiging successful na kaya ako sa business kong ‘to, o mas maganda kung sabay akong nagtatrabaho at nagbu-business? Pero, gusto ko na rin ng kilig. Gusto ko na ring magka-girlfriend. Nami-miss ko na rin kasing umungol sa kama. Nami-miss ko nang kumasta ng babae. Hay, kailan kaya ulit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD