Tanya’s POV
Pagkaupo ko pa lang sa paborito kong spot sa cafeteria, agad kong naramdaman ang excitement ng mga kaibigan ko. Nikki, Jhanelle, at Mikyla—mga kaklase kong close sa akin mula pa noong unang lipat ko dito sa Sta Monica College. Kumpleto kami sa araw na ito, handang mag-chika-han at magkuwento ng mga bagong balitang ganap sa buhay-buhay.
“Tanya, girl! Tignan mo ‘to!” bungad ni Nikki habang ini-slide sa akin ang tray ng pagkain niya. Isang plate ng imported cheese, gourmet salad na may truffle oil, at sparkling water na nasa gold-rimmed glass. “Bago na naman ‘yung menu! Ang sosy talaga ng cafeteria natin.”
Tumango ako habang ngumingiti. “Oo nga, Nikki, sosyal na sosyal talaga dito. Kaya nga love na love ko na agad ang Sta Monica College.” Pero inamin ko sa sarili ko, medyo nagugutom na rin ako kaya kumuha na ako ng sarili kong tray ng pagkain: lobster thermidor, wagyu beef sliders at isang slice ng dark chocolate cake na pinatungan ng edible gold flakes. ‘Di hamak na iba talaga ang pagkain dito kaysa sa dating kong school. Kakaiba talaga ang Sta Monica College na pinakamahal na eskwelahan sa buong Pilipinas.
Nagsimula na kaming kumain at napansin kong may kakaibang kilig sa mukha ni Mikyla. “Okay, spill the tea, Mikyla,” sabi ko habang nagsimula akong kumuha ng isang bite ng lobster. “Mukhang may chika ka na naman, ha?”
“Oh my god, Tanya,” sabi niya na parang ‘di na makapagpigil. “’Yung personal bodyguard mo, bakit naman ganoon ka-hot ‘yan? Ang badboy niyang tignan, lalo na’t may mga band-aid ba ang mukha. Saka, parang ang sarap magpa-headlock sa malalaki niyang bycep.”
Nagkibit-balikat ako. “Gaga ka, kung ano-ano na naman ang napapansin mo?” Naaalala ko tuloy ang nangyari nung nakaraang linggo. Dahil sa nabugbog siya, naisip ko na hindi muna siya papasukin ng ilang araw para makapaghinga siya. Ngayon na lang ulit siya nakapasok bilang personal bodyguard ko. Napansin ko, simula nung mangyari na ma-bully siya ng mga kaibigan ko, parang naging suplado na naging tahimik siya. Bakit kaya?
“Yes! Now ko lang din napansin. Ang hot niya nga pala!” sabat ni Jhanelle na halos mabilaukan sa itsura niya habang kinakain ang crab bisque. “Sobrang hot niya ngayon, swear!”
Napakunot ang noo ko. “Wait, hot? Parang hindi naman. Siguro may masama sa mga mata niyo ngayon. Pati bodyguard ko, napagdidiskitahan ninyo,” sabi ko habang pilit na nililihis ang mga nakikita nila kay Boris. Pero nung tignan ko si Boris, oo nga. May laban din pala si Boris sa paguwapuhan. Bakit ba hindi ko agad napansin ‘yon?
Mikyla rolled her eyes as if I was missing the obvious. “Nung una parang wala lang. Kaya lang kasi parang nag-aayos na siya ngayon. Kaya nga sobrang na-shookt ako nung makita ko siya ngayon. Parang araw-araw, lumalaki ang katawan niya. Grabe ‘yung glow-up niya. Parang pinaghalong bad boy na may pagka-mysterious, pero ngayon sobrang neat na. Mas defined ‘yung muscles niya at nakita ko ‘yung mga tattoo niya up close. Sobrang sexy!”
Napansin ko ang excitement ng mga kaibigan ko habang pinag-uusapan si Boris. Pero ako, nandito lang, nakikinig at tinatapos ang aking pagkain. Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang tingin ng mga kaibigan ko sa kaniya. Bihira pa naman magka-crush ang mga ‘to sa gaya niyang ganiyan lang, bodyguard.
Jhanelle leaned forward, putting her spoon down for emphasis. “Mikyla, girl, balita ko nag-stalk ka sa kaniya sa social media niya? Kilala kita, kapag nagiging trip mo ang isang tao, todo stalk ka sa kaniya. Sige nga, anong mga nabalitaan mo about sa background ng personal bodyguard ni Tanya?”
“Hindi ko pa alam ‘yung exactly ng ibang tungkol sa kaniya, pero ang nasagap ko, may rumor na nasunog daw ‘yung tattoo shop niya? So, for a while, parang nag-focus siya sa sarili niya. Nag-gym yata. Pero ang point is, hot na siya ngayon. Tapos, ayan na, naging personal bodyguard na ni Tanya.”
Grabe, hindi ko inaasahang ganito kagaling mag-stalk si Mikyla. Ang galing. Pero ngayon ko lang nabalitaan ang nangyari sa shop niya. Hindi ko alam na nasunugan pala siya.
Nikki nodded in agreement. “Yung mga nakita kong bodyguards, they usually look like, you know, older men, walang porma, pero si Boris? Puwedeng modelo. Nung nakita ko siya kasama si Tanya that one time, sabi ko sa sarili ko, hindi bagay sa kaniya ang bodguard lang. Kaya naman napaisip ako—"
Mikyla cut her off, laughing. “You know, I’ve seen some bodyguards na hot, pero Boris? Siya talaga ang standout. Sobrang bihira lang na may ganun ka-charming na bodyguard. Kadalasan kasi mga may edad na, tapos medyo lumang-luma ‘yung itsura. Sa madaling salita, pangit!”
I couldn’t help but smirk. “So, crush niyo na si Boris?"
Jhanelle shrugged, clearly unbothered. “Bakit hindi? Kung papipiliin ako ng bodyguard, eh ‘di ‘yung pogi na, diba? Kung puwede nga lang, ibigay mo na sa akin ‘yan, ako na lang ang magha-hire sa kaniya,” sabi pa niya kaya natawa ako.
Nikki giggled. “May kakilala ako na may bodyguard, pero parang tatay na niya sa itsura. Iba talaga si Boris. Parang leading man sa action movie.”
Habang nag-uusap ang mga kaibigan ko tungkol kay Boris, hindi ko maiwasang maalala ‘yung gabing awang-awa ako sa kaniya kasi hindi ko siya pinaniwalaan about sa pambu-bully sa kaniya ng mga kaibigan kong lalaki. Basta, iba ‘yung awa na nararamdaman ko nun sa kaniya. Gusto ko siyang I-hug, parang ganoon. Weird.
Pero hindi ko inisip na magkakaroon ng ganito kalaking impact sa kanila si Boris. Si Boris, na tahimik lang noon at walang pakialam sa paligid, ngayon ay isa nang subject ng admiration ng mga kaklase ko.
Nag-isip ako, ‘Di kaya broken siya kaya lalong nagpapaguwapo. Siguro mayroon siyang syotang babae sa kanila, tapos niloko at sinaktan siya kaya nagpa-glow up. Todo taray pa naman ako sa kaniya nung unang ma-meet ko siya.
“Wait, Tanya,” Mikyla said, interrupting my thoughts. “Since close ka naman kay Boris, di ba? Bakit hindi mo kami introduce sa kaniya? Gusto ko lang magpasalamat sa kanya personally for being so, you know, easy on the eyes.”
Napatawa ako ng bahagya. “Seryoso ka ba, Mikyla?”
She nodded eagerly. “Oo naman! Like, grabe, hindi ko akalain na meron palang ganyang lalaki na bodyguard. Kadalasan kasi, let’s be real, mukha talagang... not attractive. Pero si Boris, ibang level.”
“Oo nga, Tanya,” sabi ni Jhanelle, nakikisosyo na rin. “Pakilala mo naman kami. Saka, ang cool siguro na may tattoo artist na kaibigan.”
I looked at them incredulously, shaking my head. “Hindi ko naman siya ka-close na ganun. Saka, huwag na. Nakakahiya. Para kayong baliw!”
Mikyla pouted. “Ang sabihin mo lang, gusto mo nang ipagdamot si Boris sa akin. Bakit, kasi ang totoo ay gusto mo rin siya, nahihiya ka lang umamin."
Natahimik ako. Hindi ko masyadong iniisip na magiging big deal pala ‘yung pagtanggi ko sa kanila. Eh, sa ayokong gawin ‘yon. Magmumukha kasing hindi sila cool kung sa isang personal bodyguard lang sila lalande. Ang weird din ng mga gagang ‘to. Pero, bakit nga ba ayoko? Bakit ganoon agad ang sagot ko? Na parang gusto ko na nga siyang ipagdamot?
Ay hindi, nahawa ka lang sa mga gaga mong friends. Bodyguard mo ‘yon, hindi ka rin dapat magka-crush sa kaniya, Tanya. Huwag kang gumawa ng kahihiyan sa sarili mo.