Jian could not bring himself to sleep. But Briar was fast asleep beside him, soundly. Without any care about him nor his own thoughts that have been racing for a little while now.
Hindi naman siya tanga para isipin na kagat ng lamok ang nasa leeg ng kanyang asawa. May pang-amoy din siya na nagkukumpirma na ang nalanghap niya kanina ay pabango ng lalaki. Sigurado siya roon dahil madalas na ganoon ang gamit na pabango ng kanyang mga tauhan sa Paradiso dahil mumurahin lang at matagal ang kapit sa balat. Alam niya iyon. Alam na alam.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago iniunan ang kanyang palad sa kanyang ulo. Pinagmasdan ang kisame. Kahit na anong pilit niya ay hindi niya magawang pakalmahin ang kanyang puso. Ngunit hindi niya naman madala ang sarili na komprontahin ang kanyang asawa. They have only been married for two weeks, for Pete’s sake. Two days of her being nothing but cold and brushing off every single ounce of his efforts to win her heart.
It seemed like he could do nothing to win her heart.
Nang tuluyang hindi makatulog ay bumangon siya at napagdesisyunan na maglakad-lakad sandali sa Paradiso. Karamihan sa mga gusali at establisyimento na naroroon ay bukas pa kahit malalim na ang gabi, dala na rin ng mga uri ng negosyo ng mga ito. Kaagad siyang nagsuot ng simpleng jacket at pantalon bago kinuha ang kanyang tungkod at naglakad palabas ng tahanan niya.
He was instantly greeted by familiar faces of people the moment he stepped on the streets of Paradiso. The ladies of the night and their patrons greeted him, knowing who he was. Magalang niyang binati ang mga ito bago tuluyang nagtungo sa isa sa mga nightclub na naroroon, na sa kanyang pagkakarinig ay pagmamay-ari ng isang Korean national. Dahil si Feng ang madalas na umasikaso sa pakikipag-usap ay ngayon pa lamang niya napuntahan ang lugar na iyon. Hindi naman siya nag-alangan lalo na nang magiliw siyang batiin ng mga bouncer at ng waitress na naghihintay sa hindi kalayuan.
The nightclub was… lively. Just like Paradiso. May mga babaeng sumasayaw sa may entablado na halos manipis lang ang saplot at mahubaran na. Hindi naman iyon ang kanyang pakay kaya dumiretso siya sa bar. Um-order ng inumin at tahimik na pinagmasdan ang mga taong nagsasayawan. Sa gilid ng kanyang mga mata ay may mga nakikita siyang magkasintahang naghahalikan. Mas lalong namuo ang pamamait sa kanyang lalamunan kaya naman nang dumating ang kanyang in-order na inumin ay kaagad niya iyong nilagok at inubos bago um-order muli ng isa pa.
The drinks did not help. He still felt the stinging in his chest almost killing him as time passed by. His chest was burning as he ordered another tequila, not even minding the woman who started dancing in front of him. Unlike the other women in the club, her clothes looked expensive despite being too sultry for his taste. Halos lumuwa na ang hindi dapat lumuwa mula sa mababang neckline ng suot nito habang tila nang-aakit itong sumasayaw sa kanyang harapan. He smirked when he noticed that she looked a little bit like a Korean celebrity. Inubos niya ang laman ng kanyang baso at inilapag iyon sa counter bago hinarap ang babaeng ngayon ay tiyak niya na na siyang may-ari ng nightclub.
“Dancing to Paradiso’s owner, huh?”
She teasingly smiled. “I might be able to cut down my rent if I am successful in seducing you.”
Mahina siyang tumawa at ipinakita ang kanyang daliring nasusuotan ng singsing. “Sorry to disappoint you, but I’m already married.”
Strange that the conversation seemed a little bit easy with her. Siguro ay dala na rin ng pinatapang siya ng kanyang nainom na nakakalasing na inumin. O siguro ay dala na rin ng mga tumatakbo sa kanyang isipan. Ngunit hindi nagpapigil ang babae matapos niyang sabihin na siya ay kasal na. Bagkus ay naglakad ito papalapit sa kanya at hinila siya papatayo. Itinukod niya ang tungkod na kanyang hawak nang makatayo nang maayos.
“Sorry to disappoint you again, but I have a leg defect. I can’t dance properly.”
Pagak itong tumawa. “You’re just making excuses so I would leave you alone, Mr. Lee.”
“Smart girl.”
Naiiling itong tumawa bago naupo sa katabing stool na kanyang kinaroroonan kanina lamang. She ordered a pina colada as he ordered another batch of tequila and rum. Tahimik ang silid para sa kanya bagaman maingay ang tugtugin. With everything that was running in his mind, he could not even pay enough attention to his surroundings.
“Love problems?”
He scoffed. “I guess…”
Hindi ito umimik. Kinuha ng babae ang baso na may lamang pina colada at ininom ang laman niyon.Tila ba sinasabihan siya na magkuwento lang at makikinig ito. Ngunit hindi naman ugali ni Jian na ipagkalat sa ibang tao ang mga problema niya. Isa pa, napako ang kanyang tingin sa dalawang taong kakapasok pa lamang sa loob ng nightclub. She was wearing a thin dress, while the man beside her looked like just finished a day’s work. Kapwa nakangiti ang mga ito at tila nananabik na magkasama silang muli ganoong alam naman ni Jian na habang abala siya sa kanyang mga negosyo ay nagkikita ang mga ito.
Bahagyang natigilan si Briar nang magtama ang kanilang mga mata. Napayuko ito ngunit hindi iyon naging hadlang sa babae para magtungo sa gitna ng dance floor kasama ang nobyo nito at magsayaw. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay at binti nang lapitan niya ito.
Akmang hahagkan ito ng kasama nito nang mahablot niya ang braso nito. Natigilan si Briar at napatingin sa kanya. Lalo na ang kasama nitong si Andrew Suarez. Hindi siguro inakala ng mga ito na… naroroon siya.
But who would think of that? He owned Paradiso. He would definitely be in his own territory.
“Briar, umuwi na tayo,” matigas na saad niya bago hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito.
“Jianyu, nasasaktan ako--”
“Mas lalo kang masasaktan kung hindi ka susunod sa ‘kin,” galit na saad niya bago ito hinila. Sa sandaling iyon ay tila nakalimutan niya ang kanyang pilay na binti. Mabilis niyang nahatak papalabas ang nagpupumiglas niyang asawa. ‘Ni hindi niya pinansin ang mga taong bumabati sa kanya, o ang mga tauhan niya na nagtataka. He dragged Briar home and rashly pushed her inside his mansion before locking the front door.
“Jian, ano ba?” galit na singhal nito bago nagpumilit na umalpas sa kanyang pagkakaharang. “Let me through!”
Pagak siyang tumawa. “Nagtatanga-tangahan ako kasi mahal kita, Briar. Pero harap-harapan mo na akong ginagago!” galit niyang bulyaw sa asawa niya na siyang dahilan kung bakit nagising si Feng at lumabas sa silid nito.
Nag-iwas ito ng tingin. “No’ng pinakasalan mo ako, Jianyu, alam mo na hindi kita kayang mahalin. Dapat alam mo na kung saan tayo hahantong.”
He scoffed before clutching his aching chest. Hindi niya magawang huminga nang maayos ngunit nagawa niya pa ring magsalita. “Hindi ko hiniling na mahalin mo ako pabalik pero humihiling ako na irespeto mo naman ako, Briar! Asawa mo ako! Kasal tayong dalawa! Kahit bigyan mo lang ako ng pagkakataon na bumawi sa nagawa kong mali! I am not asking that much--”
“Hindi kita magagawang mahalin, Jianyu!” galit na sigaw nito. “Hindi ko kayang mahalin ‘yong lalaki na katulad mo na ganid at mapagsamantala! Sinamantala mo na masama ang trato sa ‘kin ng tatay ko para makuha mo ako. Binili mo ako. At kahit na paliguan mo pa ako ng ginto at magarbong gamit, hindi ko pa rin masisikmura na mahalin ka. Kahit kailan…”
Para siyang nabato sa kanyang kinatatayuan. “Ganid, Briar? Ako, ganid?”
Hindi ito umimik.
“Sinunod ko ang gusto ng tatay mo dahil hindi ko na kaya na makita ka na nahihirapan. Alam ko na hindi ka niya ibibigay na walang kapalit. Binibilhan kita ng magagarbong bagay dahil alam ko kung paano ka trinato ng tatay at kapatid mo. Masisisi mo ba ako kung ‘yon lang ang alam kong paraan para mapasaya ka, Briar Victoria?” garagal ang tinig na saad niya. “Wala akong ibang hiniling sa ‘yo kung ‘di ang sumaya. Tapos, ako pa ang ganid? Ako pa ang mapagsamantala? Ganid na ba ako kung hihilingin ko na irespeto mo na lang ako bilang asawa mo, kapalit ng lahat nga mga ‘yon?”
Mas lalong nagkapira-piraso ang kanyang puso nang makita niya ang muhi sa mga mata nito. Nag-iwas ito ng tingin at tinalikuran siya.
“Hindi ikaw ang makakapagpasaya sa ‘kin.”