II

1819 Words
Jianyu solemnly stared outside the window as his Bentley drove out of the Mendez residence. He has always hated negotiating, but for the sole daughter of the Mendez family, he postponed his plans for that evening just to talk to Benjamin Mendez about his offer for marriage. Hindi niya na kasi kayang panoorin ang ginagawa nito sa anak nitong pamimilit. Madalas niya pang makita ang dalaga na may pasa sa katawan na tiyak niya na gawa ng matandang Mendez. Nakapagtataka na parang hindi man lang iyon napapansin ng lalaking palaging kasama ng anak nito na sa pagkakaalam niya ay nobyo nito. “So, you really decided to offer Briar Mendez marriage, young master?” Napasulyap siya kay Feng, ang kanyang kanang kamay at malapit na kaibigan. Ito ang nasa manibela ngayon dahil hindi siya makapag-drive nang maayos. Ipinanganak kasi siyang may diperensya sa isa sa kanyang mga binti kaya naman kinakailangan niya ng tungkod at alalay para lamang makapaglakad nang maayos. Dahil na rin sa kondisyon niya kaya siya inabandona ng kanyang ina na purong Intsik. Ang kanyang ama naman ay hindi niya na nakilala dahil namatay ito bago siya ipanganak. Sa kanya ipinamana ng yumaong si Chairman Lee lahat ng pagmamay-ari nito kaya naman nang nasa hustong gulang na siya ay pinag-aralan niya kaagad kung paano papalaguin ang negosyong iniwan sa kanya ng kanyang ama. “I don’t see any reason why I should stall with the proposal. I’ve seen her suffer in her father’s hands. I should step in before things get worse.” Mahinang tumawa si Feng. “You mean, before she gets snatched by someone else, Jian?” Gumalaw ang gilid ng mga labi ni Jian. “Shut up, Feng.” Feng sighed as he glanced at his rear view mirror. “Look, Jian. If you want to marry someone, you should court them first. Isa pa, hindi mo ba alam na may nobyo na ‘yong babaeng inaawitan mo? She might hate you.” Hindi umimik si Jianyu. Wala rin naman kasi sa isip niya iyon. Just like what they always say, when you let your heart run wild, you lose all rationality. All that he knew was he has to get Briar Mendez out of that cursed place. Naniniwala siya na siya lang ang makakatulong sa dalaga. Kung hahayaan niya na maagaw ito ng iba, baka pagsamantalahan lang ito. Isa pa, paano niya naman ito liligawan? Ang makiharap nga sa ibang tao, hindi niya magawa, sa babaeng gusto niya pa kaya? Ilang taon niya na ring pinapanood si Briar sa hindi kalayuan, nag-iisip ng paraan kung paano siya makikipaglapit. At sa bawat pagkakataon na nagkukrus ang landas nila, palaging nauumid ang kanyang dila at hindi siya makapagsalita. Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng tyansa. He has no idea on how to approach her. He did not even know how to talk to other people aside from Feng and his trusted employees in his casinos and residence. Besides, she looked happy with that man... All that he knew that he could do was to take things that he wanted on his own terms, nothing else. Just a selfish man who wanted to help and be loved. “Are you thinking about her again, Jianyu Lee?” He timidly smiled. “I just don’t get it, Feng. It was visible to almost everybody that Briar was being abused, and yet, that man whom she was always with, seemed not to care, nor think about any plan to end her misery. It’s just...” “Not everyone is as powerful and as rich as you, young master,” seryosong saad ni Feng. “I’ve heard that that man was a small-time businessman who has been raking in debts since he started doing business. That man was nothing compared to your resources, a main reason why the greedy Benjamin Mendez has been disapproving of his relationship with his daughter.” He sighed as he ruffled his jet black hair. Sumandal siya sa upuan at sandaling ipinikit ang kanyang mga mata. “Do you think she’ll love me? I’m literally going to put an end to their relationship...” “Just do your best. Isa pa, ginagawa mo naman ‘yan para maialis siya sa poder ng tatay niyang ganid. Just prove to her that your intentions are clear, true, and of love...” He chuckled as Feng started to ease the conversation. Sa kanyang pagtawa ay napasulyap siya sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan. Nasa may Red Angel na pala sila. Kaunting minuto na lang, mararating na nila ang pinakamaliwanag na distrito ng X tuwing gabi. Malapit na nilang marating ang Paradiso, isang mahabang kalye na kinatatayuan ng mga malalaking casino, bahay-aliwan, at mga motel. Doon nakatayo karamihan sa mga pagmamay-ari niyang pasugalan, na siyang pinakamalalaki sa lugar. Pagmamay-ari niya rin ang mahabang kalye na iyon at lahat ng mga nakatayong establisyimento roon ay kung hindi man sa kanya, nagbabayad ng upa sa kanya. Ngunit hindi gulo o mga babaeng panggabi ang nakahatak sa atensyon ni Jian. Pinukaw ang atensyon niya ng isang pamilyar na pigura ng babaeng nakayukyok sa labas ng isang pamosong nightclub, tila humahagulgol. Mabilis niyang tinapik ang balikat ni Feng at inutusan na itigil ang sasakyan. “Pupunta ka ba sa Red Angel, Jian? Malapit na tayo sa Paradiso. Mas maraming nightclub at bar doon,” takang komento ni Feng. Hindi niya ito pinakinggan. Kaagad siyang lumabas ng sasakyan, at itinukod ang kanyang tungkod na may nakaeskultong dragon na nagsisilbing ginintuang hawakan niyon sa aspaltong daan. Bagaman bahagyang nahihirapan ay inilabas niya ang kanyang panyo at mabilis na nilapitan ang dalagang nasa gilid ng kalsada. Hindi man siya sigurado ay umaasa siya na tama ang hinala niya kung sino iyon. Kaagad na inipon ni Jian ang lakas at kumpiyansa niya bag nagsalita. “Miss? Why are you crying? Are you hurt?” Nang mapatingala ito sa kanya ay kulang na lang at magtatatalon si Jian sa tuwa. Si Briar Mendez nga iyon! Matagal na rin niyang hinihintay ang pagkakataon na malapitan ito at tila naman nakinig ang langit sa kanyang hiling. Kaagad na napalitan ng pag-aalala ang kanyang pagkasabik nang makita ang mugto nitong mga mata at ang marka ng palad sa magkabilang pisngi nito na pulang-pula. Iniusog niya pa ang kanyang kamay upang iabot sa dalaga ang hawak niyang panyo. Tinanggap naman iyon ni Briar at pinunasan ang mga luha nito sa mata. Pagkatapos ay ngumiti. “Ah, ayos lang... May iniisip lang...” Tumikhim si Jian at tumungo. Hindi niya na alam kung ano pa ang sasabihin niya. Tila nakatunog naman si Feng sa sitwasyon niya kaya ito na ang nagsalita. “Gusto kang ayain ng amo ko na pumasok sa loob,” sabi nito sabay turo sa Red Angel sa kabila ng pandidilat ng singkit na mga mata ni Jian rito. “Huwag ka raw sumalampak sa gilid ng daan at baka mapaano ka.” Bagaman nabiglaanan ay umiling ito. Tumayo at akmang maglalakad papalayo. “Huwag na, nakakahiya. Uuwi na lang ako–” Pare-pareho silang hindi nakahuma nang mahagip ni Jian ang kamay nito. Ginagap niya iyon at naramdaman niya ang panlalamig ng mga iyon. Nahihiya siyang ngumiti sa dalaga. “It’s... my treat. Nothing to worry about. Shall we, Miss–” “Briar.” Tipid itong ngumiti. “Briar Mendez.” Sinenyasan niya ang dalaga na sundan siya at nagpatiuna siyang maglakad dala na rin ng kanyang tungkod na bitbit. Ngunit sa loob-loob ni Jian, pakiramdam niya ay parang sasabog siya sa bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Bakit pa kasi ginawa iyon ni Feng? Alam naman nito na hindi siya marunong makipag-usap sa ibang mga tao... Mas lalo pang tumindi ang kabang kanyang nararamdaman nang iwanan sila ni Feng sa loob ng VIP room na inarkila niya. Silang dalawa lang ni Briar ang naroroon at tila hindi naman naiilang ang dalaga sa kanya bagaman malaki ang pagitan nilang dalawa mula sa isa’t isa. Nang tumagal ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay hindi na nakatiis si Jian at nagsalita na siya. “Pasensya ka na sa kasama ko. Huwag kang mag-alala, wala akong binabalak na masama. Nag-alala lang ako dahil mag-isa ka sa sidewalk at maraming dumaraan na malalaking sasakyan at–” Ang kanyang dire-diretsong pagsasalita ay pinutol ng isang mahinang tawa mula kay Briar. Ngumiti ito. “You haven’t told me your name.” “Jian... Jianyu.” Tumango-tango ito. “Salamat sa concern, Mr. Jian...” Muli itong nagpakawala ng tawa ngunit sa pagkakataon na iyon, basag na ang tinig nito. “It’s rare for people to get concerned about me...” Naalarma siya nang muli niyang marinig ang mga mahihinang hikbing nagmumula sa mga labi nito. Her sobs became uncontrollable as Jian moved towards her and took her inside his arms. Marahan niyang hinimas ang likod nito upang mapagaan ang paghinga nito. Nanatiling nakasubsob ang dalaga sa kanyang malapad na dibdib, tila hindi natatakot sa kasama nitong estranghero. Nagtagal silang ganoon ng ilang sandali pa bago kumalas ang dalaga mula sa pagkakayakap sa kanya. Pinahid nito ang luha nito at mahinang tumawa. “Sorry...” Jian smiled. “It’s alright, Miss Mendez. We all go through rough patches. I know someday, everything will be alright...” Mayamaya ay tinawagan niya si Feng at inutusan ito na magpa-take out ng pagkain sa paborito niyang Chinese restaurant. Nang dumating iyon ay ibinigay niya iyon kay Briar. Nagugulumihanan man ay kinuha iyon ng dalaga. “Anong...” He patted her head and gently wiped her tears away. “That’s wonton soup. Whenever I’m sad, I always eat that... I hope that puts you into a better mood.” Tumingin siya sa kanyang orasan. Halos alas dose na ng hatinggabi kaya naman hindi niya na pinahaba pa ang kanilang usapan. Makikita niya rin naman ito bukas dahil pormal niya nang hihingin ang kamay nito. “You should go home now, Miss Mendez. I’ll have Feng drive you home.” “Jian!” protesta ni Feng. “Alam mo naman na hindi ka nakakapaglakad nang maayos–” “Oh?” Sinulyapan niya ang kanyang tungkod. “I can manage. Hindi naman ako matatahimik kung hahayaan ko na umuwi nang mag-isa si Miss Mendez.” Hinintay niyang makalabas ang dalaga bago niya hinila si Feng sa isang gilid. Puno ng pagtataka ang mukha nito sa kanyang naging kahilingan. Ngunit dahil tapat si Feng sa kanya, hindi na ito nagtanong pa. Sinundan na nito ang dalaga at hinayaan siya na maglakad mag-isa pabalik sa Paradiso. Kunsabagay, sa dami ng tauhan niya, imposibleng may magtatangka sa kanyang manakit... “Don’t tell her who I am, Feng. We’ll meet tomorrow, and I want her to be surprised. She’s having a bad time now, and I don’t want her to run away from me when she learns that I’m her soon-to-be husband. That I am Mr. Lee.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD