III

1529 Words
Paulit-ulit na napalunok si Briar habang tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin. Pinagsuot siya ng kanyang ama ng pulang cheongsam, isang tradisyunal na damit galing sa Tsina dahil sabi nito ay Intsik ang kanyang mapapangasawa. Hanggang leeg ang kuwelyo niyon, walang manggas, at may mahabang slit ang pang-ibabang bahagi na hanggang sa itaas ng kanyang hita. May disenyo iyong mga ginintuang dragon. Pinagsuot rin siya ng kanyang ama ng sapatos na may takong at ipinapusod ang kanyang buhok na sinuksukan ng isang manipis na hairpin na may disenyong dragon din. Manipis lang ang pinalagay nitong makeup sa kanyang mukha dahil sabi ng kanyang ama ay mas gusto nitong lumitaw ang natural niyang ganda kapag nakilatis siya nang maigi ni Mr. Lee. “Ngumiti ka, Briar. Kung ayaw mo na panghabang-buhay kang pasimangutin ni Papa. Kapag hindi ka naikasal kay Mr. Lee, malilintikan ka!” banta ng kanyang kapatid na nanonood habang inaayusan siya ng isa sa mga maid nila. “After all, nagbayad siya kay Papa ng sampung milyong piso para lang maikasal ka sa kanya, alam mo ba ‘yon?” Pilit na inalala ni Briar ang nangyari kagabi. Pati na rin ang lalaking nakilala niya. Mabait iyon at talagang gentleman. Kung ganoon lang ang kalidad ng kanyang magiging asawa, hindi siya mahihirapan na mag-adjust. Ngunit ayon sa mga naririnig niya ngayon sa kanyang kapatid, mukhang kagaya lang din ng iba niyang mga manliligaw ang Mr. Lee na iyon. Ganid. Mapang-abuso. Mapangsamantala. Paniguradong pagkatapos ng kanilang kasal, maiiwan na naman siyang limot ng panahon. Parang isang tropeyo na isasantabi na lang. Hindi siya umimik. Wala na rin naman na siyang kawala. Ang tanging ginawa na lang ni Briar ay ang manahimik at ipinid ang kanyang mga labi. Wala na ring saysay ang pakikipagtalo sa kanyang ama dahil ayaw niya na saktan na naman nito ang kanyang inang ngayon ay nakakulong sa silid nito. Nananawa na rin siya na makatanggap ng mga sampal at suntok. Hindi niya sinasagot ang mga tawag o text ni Andrew simula pa kagabi pagkahatid sa kanya ng driver ng lalaking nakilala niya sa Red Angel. Hindi naman umimik ang kanyang ama nang makita kung sino ang kasama niya kagabi at tila natutuwa pa. Siguro ay dala na rin ng dahilan na Intsik ang naghatid sa kanya at iniisip ni Benjamin Mendez na malapit ang mga taong nakilala niya kagabi sa tinutukoy nitong Mr. Lee. Pilit niyang pinigil ang kanyang mga luha nang umalis ang kanyang nakatatandang kapatid. Mabilis na tinapos ng maid ang pag-aayos sa kanya nang makarinig sila ng busina ng sasakyan sa labas. Nariyan na ang bisita nila. Si Mr. Lee. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Maganda ang kanyang suot at may pagka-seksi ang dating niyon. Tahimik siyang umuusal ng panalangin habang naglalakad patungo sa hagdanan. Ayaw niya mang isipin, baka ang Mr. Lee na tinutukoy ng kanyang ama ay doble ng kanyang edad. O hindi naman kaya ay isang lalaki na gusto lang siyang maikama. O idagdag sa koleksiyon nito ng mga babae. Hindi niya malaman kung bakit ang lakas ng tambol ng kanyang dibdib noong mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng hininga. Nang marating ang tuktok ng hagdan ay humugot muna ng malalim na buntong-hininga ang dalaga bago nag-umpisang bumaba. Bahagyang nanlata ang kanyang mga kamay nang makita ang pamilyar na pigurang iyon. Nakasuot ang lalaki ng itim na suit na may ginintuang disenyo ng dragon. May katangkaran ang lalaki, at mukhang bagong gupit ito dahil maikli ang buhok nito ngunit may kahabaan sa may likod. Kung hindi siya nagkakamali ay mullet iyon. Maputi ito at kahit na nakatalikod ay tiyak niya na matipuno ang pangangatawan nito. Nang madako ang kanyang mga mata sa kamay at binti nito ay tsaka niya napagtanto na ang lalaking nakilala niya kagabi at ang lalaking nakatalikod sa kanya ngayon ay iisa. Pakiramdam niya ay nakalunok siya ng kung ano nang pumihit ito at lingunin siya. Naumid ang dila ni Briar. Ngumiti ito at hindi niya ikakaila na guwapo ang lalaki. May bitbit pa itong bouquet ng mga mapupulang rosas na kaagad na iniabot nito sa kanya. “Miss Mendez,” nakangiting bati nito sa kanya bagaman may kaunting panginginig iyon. “It was a pleasure meeting you.” Hindi malaman ni Briar kung anong emosyon ang sumibol sa kanyang dibdib noong mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung galit ba iyon o awa sa sarili. O baka pareho. Pinaglalaruan ba siya ng Jian na iyon? Kahapon lang ay umakto ito na hindi siya kilala, dinala siya sa loob ng nightclub, binigyan siya ng pagkain, pinatahan, pagkatapos ngayon ay malalaman niya na ito pala ang sumira ng kanyang buhay? Ang lalaki na nag-alok ng malaking halaga para lang mapakasalan siya? Akala niya ay iba ito sa lahat bagaman sandali lang silang nagkakilala. Ngunit nagkamali siya. Katulad lang din ito ng ibang mga lalaking nakakausap ng kanyang ama. Ganid. Mapagsamantala. Kagaya lang ito ng ibang lalaki na palaging iniisip na mabibili ang lahat ng pera at kapangyarihan. Nalusaw ang ngiti sa mga mapupulang labi ni Jian nang tabigin niya ang rosas at nagtatatakbo papalabas ng kanilang tahanan. Sa kabila ng galit na tinig ng kanyang ama at kapatid ay nagpatuloy siya sa pagtakbo papalabas ng tahanan na iyon. Patungo sa malawak na hardin. Papalayo sa kanila. Hindi niya malaman kung may humahabol ba sa kanya, o makakayanan ba ng Jian Lee na iyon na mahabol siya sa kondisyon ng paa nito. “Briar! Briar, sandali...” Tuluyan siyang napahinto at pinakawalan ang luha na kanina niya pa pinipigil. Nahagip ni Jian ang kamay niya at hinihingal ito, siguro ay dala na rin ng dahilan ng nahihirapan na maglakad nang wala ang tungkod nito. Sa galit niya ay hinarap niya ito at malakas na sinampal ang pisngi ng lalaki. “Ikaw... Ikaw si Mr. Lee?” Pagak siyang tumawa. “Napakatarantado mo, Jian! Parang kagabi lang, napakabait mo sa ‘kin, ta’s malalaman ko ngayon na ikaw pala ang may gustong sumira ng buhay ko!” Desperasyon. Iyon ang nakita niya sa mga mata ni Jian nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Hinaplos nito ang pisngi niya at marahang tinuyo ang kanyang mga luha. “Briar, sorry... Hindi ko alam kung paano ka lalapitan, o kung paano ako makikipag-usap sa ‘yo. I... I want you, Briar. I–” Nag-iwas siya ng tingin. “Magkano pa ang inalok mo sa Papa ko maliban sa sampung milyon? Magkano ang inalok mo para payagan ka na pakasalan mo ako, Mr. Lee? Tingin mo ba, pera ang solusyon sa lahat? Tingin mo, magpapakasal ako sa ‘yo dahil lang sinasabi mo sa ‘kin na gusto mo ako?” He sighed as his gaze dropped on the ground. “Briar, alam kong mali ako... Alam ko na mali ang paraan ko at humihingi ako ng tawad. I can’t stand to watch you father go around like that, offering you as some kind of prize... You’re meant to be mine and–” “Meant to be yours?” ulit niya. Sarkastikong tumawa ang dalaga. “I’m sure you’re aware that I have a boyfriend, Mr. Lee. Pero dahil sa ‘yo, mapipilitan ako na hiwalayan siya. Alam mo ba na ilang beses akong ikinukulong ng tatay ko kapag sinasabi ko na hindi ako magpapakasal sa ‘yo? Tapos ngayon, haharap ka sa ‘kin, sasabihin mo sa ‘kin na mahal mo ako, na dapat tanggapin kita bilang asawa ko? Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko, Jian? You freaking bought me like I’m some sort of a prize... Wala kang pinagka-iba sa mga lalaking sinasabi mo...” She punched him at the chest when he pulled her in an embrace. But Briar was too weak to move, too powerless in Jian’s touch. He kept on caressing the back of her head and kissing her temple as if trying to calm her down. “No... I’m different... Believe me, Briar. Hindi ako kagaya ng ibang mga lalaki. I’ll give you everything that you want, everything that you need! I’ll be a good husband, I promise... I promise you, Briar... Pakasalan mo lang ako at wala nang mananakit sa ‘yo... I’ll always be here to protect you... Mahalin mo lang ako, Briar Victoria...” “Mahal?” garagal na pag-ulit niya sa sinabi nito. “Gusto mo na mahalin kita?” Kumawala siya sa pagkakayakap nito sa kanya. Namamait ang kanyang bibig. Hindi niya malaman kung bakit ngunit ramdam niya ang pagkulo ng kanyang dugo. “Briar... Kapag ikinasal na tayo, pangako ko, liligawan kita araw-araw. Bibilhin ko lahat ng gusto mo, ibibigay ko lahat ng mga bagay na kailangan mo...I’ll do anything to make you love me–” Sinalubong niya ang mga desperadong mata nito. “Sure, we’ll get married, Mr. Lee.” “Talaga?” Napalitan ng lungkot ang ekspresyon sa mukha nito nang duruin niya ito sa dibdib. “Sige, ikakasal tayo, Mr. Lee. But don’t expect me to love you. Don’t expect me to love someone as greedy like you. Your money can’t buy my love. Itatak mo 'yan sa kukote mo, Jianyu Lee.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD