IV

1515 Words
His wedding was nothing grand. The church was empty, except for them. No decorations nor any sort of grand reception. The affair was so sudden that Jian did not have the time to prepare, let alone ask for close relatives and acquaintances to be his guests. Benjamin Mendez wanted their marriage to be done quickly. And he knew that every single moment that Briar spent in that wretched home, the more abuse she received. Kailangan niya nang maalis ang dalaga sa poder ng ama at kapatid nito. Kung maaari niya nga lang isama ang ina ni Briar na si Beula sa iuuwi niya sa mansyon para sa kapanatagan ng isipan ng kanyang asawa ay ginawa niya na ngunit ayaw ni Benjamin Mendez. Mananatili raw ang asawa nito sa poder nito nang sa ganoon ay mapagsilbihan siya nang maayos ni Briar. Ang pamilya lamang nito at si Feng ang tanging dumalo sa kanilang kasal. Wala nang martsa, o prusisyon. Basta tumayo na lamang silang dalawa sa harapan ng altar at binigkas ang wedding vows na ibinigay ng pari. Buti na lang at nagawa niya pang magsuot ng bagong suit. Bago ang seremonyas ay idinaan niya muna si Briar sa boutique at binilhan ng isang magarbong puting bestida. Bumili na lamang sila ng bouquet sa isang kilalang flower shop bago nagpatuloy sa simbahan kung saan sila ikakasal. It was supposed to be a happy occasion. Well, at least, to him. Ngunit nagkamali siya. Kung sa bagay, sino ba naman kasing nasa tamang pag-iisip ang bigla na lamang matutuwa kung sapilitan itong ipakasal sa isang lalaking katulad niya na lumpo sa kabilang paa? Kung hindi dahil sa pera niya ay tiyak na hindi siya tatapunan ng tingin ng ibang mga babaeng kahit kailan ay hindi niya rin naman pinag-interesan. “Come on, Jianyu. Stop fidgeting. Baka mawalan ka ng balanse,” saway ni Feng habang nakatayo ito sa tabi niya. Hinihintay nilang matapos ang pag-uusap ni Briar at ng mga magulang nito nang sa ganoon ay maiuwi niya na ito sa bago nilang tahanan. Ayaw niya nang makipagplastikan kay Benjamin Mendez. Naibigay niya na ang gusto nitong halaga at tapos na ang seremonyas ng kasal. Wala na siyang obligasyon pa sa mga ito. “I just… I can’t shake off the thought of her hating me all throughout our marriage, Feng.” Mapait siyang ngumiti. “She was angry at me the other night. At ngayon, ayaw niya akong tingnan nang tuwid.” Feng sighed before tapping his shoulder. “Calm down. I’m sure you’ll be able to win her over. Hindi naman ikaw ang pinakamasamang tao sa mundo. At isa pa, maganda naman ang intensyon mo sa kanya. Kapag nagkakilala kayo nang maigi, panigurado maiintindihan at matututunan ka rin niyang mahalin.” Mahina siyang tumawa. “Easier said than done.” Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago naupo sa isa sa mga bench na nasa labas ng simbahan. He glanced at the blue sky stretching towards the horizon, obscured by the tall buildings of the city. It was a pleasant day. And yet, his heart felt heavy. Hindi niya magawang iwaksi sa kanyang isipan ang mga katagang binitawan ni Briar noong isang araw. Kahit kailan ay hinding-hindi siya nito mamahalin. At hanggang sa malagutan ito ng hininga ay nangako ito na hindi magbabago ang nararamdaman nito para sa kanya. Any kind of fool would have given up a long time ago. But there was him, still… hoping. Hoping that one day she would eventually learn to love him. Kung bibigyan niya lang ng sapat na atensyon at ipapakita niya rito na magiging mabuti siyang asawa ay tiyak niya na mababago niya rin ang pagtingin nito para sa kanya. Handa siyang gawin ang lahat ng iyon para lang maipakita at maipaalam niya kay Briar kung gaano kapuro ang kanyang mga intensyon. Hindi niya naman malalaman kung ngayon pa lang ay susukuan niya na ang panliligaw rito, hindi ba? Sabay silang napalingon ni Feng nang lumabas si Briar mula sa malalaking pintuan ng simbahan, walang kaemo-emosyong nakapinta sa mukha. Hawak pa rin nito ang bouquet nito. Nang makita siya ng kanyang asawa ay mas lalong nawalan ng ekspresyon ang mukha nito. Kaagad niya itong nilapitan at hinawakan sa braso. Hindi naman ito pumalag. Masuyo siyang ngumiti. “Briar…” Napalunok siya. “Saan–” Napayuko na lamang siya nang tuluyan siyang mawalan ng sasabihin. Palagi siyang ganito. Nawawalan ng salita kapag may kaharap na ibang tao, lalo na kung hindi niya naman madalas makasama o kakakilala niya pa lamang. Maraming pagkakataon na si Feng ang humaharap at kumakausap sa mga kliyente at mga kasosyo niya sa negosyo. Kung hindi lang alam ng mga tao na may kapansanan ang isang binti ng pamosong si Jianyu Lee ay baka napagkamalan na ng mga ito na si Feng ang nagmamay-ari ng Paradiso. May itsura rin kasi ito at purong Intsik, katulad niya. “Young master wants to know where you want to eat, young madam,” Feng formally said, saving him from embarrassment. “Do you have a favorite restaurant we could stop by?” Umiling ito. “Kahit saan.” Inilahad niya ang kamay niya rito ngunit hindi ito nagsalita. Hindi rin pinansin ang kamay niya. Para tuloy siyang napahiya lalo na nang talikuran siya nito at mag-umpisang maglakad patungo sa sasakyan. Bagaman nahihirapang makababa ng hagdan ng simbahan ay kaagad niyang sinundan ito papasakay sa sasakyan. Nang makatabi siya sa kanyang asawa ay hindi ito kumikibo. Nahihiyang tiningnan niya ang kanyang binti at tungkod. “Pasensya ka na sa binti ko… Nakakahiya man, pinanganak na akong gan’to…” Nalunok niya ang kanyang sasabihin nang makita na hindi ito umiimik. Mas lalong hindi siya nito tinatapunan ng pansin. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana, tila malalim ang iniisip. Napayuko na lamang si Jian at sinenyasan si Feng na magtungo sa paborito niyang Chinese restaurant. Mas lalo niya lamang ipapahiya ang kanyang sarili kung itutuloy niya pa ang pangungulit sa asawa niyang halata namang wala sa mood. “Sa opinyon ko, ‘di mo dapat ikahiya na may pilay ka,” pambabasag nito sa katahimikan. “Mas mahiya ka kung pangit ang ugali at personalidad mo.” Hindi siya nagsalita. Paano niya naman kasi tutugunan iyon? Halata naman na pinapatungkulan nito ang padalus-dalos niyang pag-aalok ng kasal. Ngunit sa loob-loob niya ay lihim at bahagyang nagdiriwang ang puso ni Jian. Kung ibang tao lang siguro iyon ay baka ikinahiya na siya ng mga iyon dahil sa kanyang binti. Sa paningin niya ay hindi naman siya kakisigan. Kahit na maraming nagsasabi sa kanyang mga tauhan na guwapo siya, malaking kasiraan pa rin sa kumpiyansa ni Jianyu ang kanyang binti na may depekto. “May… gusto ka bang puntahan para sa… honeymoon natin?” halos pabulong na tanong niya. “Just tell me and we will–” “Wala.” He sighed before sinking back into his seat. Para siyang mawawalan ng pag-asa. Briar would not even look at him, let alone speak to him decently. Ayaw niya namang madaliin ang pag-usad ng kanilang relasyon sa isa’t isa ngunit makakatulong kung pinapansin siya nito at hindi sinusungitan. O kung nakakapagsalita lang siya nang maayos at mas may kumpiyansa sa kanyang sarili. You’re such a dweeb, Jianyu! Paano mo makukuha ang loob niya kung gan’yan ka? Nagpakawala siyang muli ng malalim na buntong-hininga. Napansin niya na nakasulyap sa kanya si Feng mula sa rear mirror. Tumikhim ito. “Mrs. Lee, I do hope you will find time to understand the young master. You see, he was a little bit shy and awkward with other people. But he is trying. We all are. Please consider us your new family. Hindi ka naman pinakasalan ng amo ko para saktan at pagsamantalahan.” Ginagap niya ang kamay nito at maingat na dinala sa kanyang mga labi. “Briar… hindi kita pipilitin na mahalin ako. Pero sana... bigyan mo ‘ko ng pagkakataon na… patunayan sa ‘yo sarili ko. Kagaya ng sinabi ni Feng… hindi kita sasaktan…” Walang rumehistrong ekspresyon sa mga mata ni Briar. Tumango lamang ito. Binawi na lang nito ang kamay nito at nagsumiksik papalayo sa kanya. Tumingin sa labas ng bintana at mas lalong tila lumilipad ang isipan. Nagkatinginan silang muli ni Feng mula sa rear-view mirror. Mukhang mahaba-haba pa ang landas na tatahakin niya. He must know how to be not awkward first. Then maybe, he could win her heart. Pasasaan ba at makukumbinsi niya rin ito na maganda at mabuti ang intensyon niya nang pakasalan niya ito. He has always been admiring her from afar. Wishing that he was the man beside her. Wishing that he could at least make her feel better. Kaya nga panay ang pagpapadala niya ng bulaklak at tsokolate rito noong hindi pa siya nagpapakilala nang pormal. But he never had the courage to introduce himself, not until recently. At ngayon, asawa niya na ito. Kasal na sila. Mabilis man ang mga pangyayari ay hindi siya susuko sa pagkuha sa pagmamahal nito. Hindi niya naman malalaman kung hindi niya susubukan, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD