“Is… the room to your liking?”
Napalingon si Briar nang marinig ang malamig na tinig ng kanyang asawa. Nakatayo lamang siya sa may bintana at tahimik na pinagmamasdan ang siyudad mula sa kanyang kinaroroonan. Dahan-dahan nang lumalalim ang gabi at hindi niya maiwasan na maisip kung ano ang ginagawa ni Andrew.
Hindi niya na nagawang magpaalam pa sa kanyang nobyo. Sapilitan siyang ipinakasal ng kanyang ama, minadali ang proseso, at hindi man lang siya hinayaan na makatanggi. O ang matawagan man lang ang binata. She was thrown right into the lion’s den without any ounce of hesitation. At ngayon, unang gabi na nila bilang mag-asawa…
Tipid siyang tumango at iniiwas ang tingin kay Jianyu. Bagaman may kakisigan ito at may pagkamatipuno ang katawan ay hindi niya pa rin magawang makaramdam ng kahit na ano para sa lalaki. Nasusuka pa rin siya sa ginawa nitong sapilitang pagkuha sa kanya at pag-aalok ng kasal. ‘Ni hindi man lang siya nito pormal na niligawan. Ginamit nito kaagad ang pera at kapangyarihan nito para makuha siya.
At alam niyang magiging katulad lang siya ng ibang mga babae pagkatapos ng ilang linggo sa pagsasamang iyon. Napabayaan. Isang pigurin o manyika na ipaparada lamang nito sa mga kaibigan nito kapag gusto nito. O isang makina na tagagawa ng mga utos nito at tagapuno ng mga pangangailangan nito. Wala nang iba.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Jian bago marahang naglakad papalapit sa kanya. “Briar…” Lumunok ito. “I don’t want to force you to–”
“Ayaw mo akong puwersahin pero sapilitan mo ‘kong pinakasalan?” Pagak siyang natawa. “Ako pa ang ginago mo.”
Nabahiran ng hinanakit ang mga mata nito. Pinadaan ni Jianyu ang mga daliri nito sa itim nitong buhok at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. “Briar, hayaan mo ‘kong magpaliwanag. I did all of that to save you from your father. I…”
“No, Mr. Lee. You only did this to make yourself proud and so that you could look macho in front of your goddamned friends,” gigil na saad niya bago dinuro ang dibdib nito. “Anong gagawin mo pagkatapos ng gabing ‘to, huh? Dadamitan mo ‘ko ng magarbo at ipaparada sa mga kaibigan mo? Pagkatapos, ano? Papabayaan mo ‘ko na parang laruan na pinagsawaan. Pare-pareho kayong mga lalaking nakikipag-ugnayan sa ama ko, kaya huwag mo na ‘kong paikutin!”
Masuyo nitong hinawakan ang kanyang braso. “Briar… Puro ang intensyon ko. At hindi kita pupuwersahin na–”
She scoffed before pushing him to the bed. “Huwag mo na akong paikutin, Mr. Lee. Pero sige, tutal nandito na tayo, ibibigay ko na lang din ang gusto mo. Wala rin naman akong ibang pagpipilian,” mapait niyang saad bago paharap na umupo sa kandungan ng lalaki.
Hindi ito nakahuma nang siilin niya ng halik ang mga labi nito. Suot niya pa rin ang magarbong puting bestida na binili nito sa kanya para sa kasal nila kaya naman inabot ng kanyang mga kamay ang zipper sa likod niyon at inumpisahang ibaba. Napansin siguro ng kanyang asawa na nahihirapan siyang alisin ang damit kaya naman hinayaan nito ang mga kamay nito na maglandas patungo sa kanyang likuran. Palihim na napangisi si Briar. Tama nga ang pagkakabasa niya kay Jianyu. Naghihintay lang ito ng tamang pagkakataon. Kinukuha lang nito ang loob niya ngunit wala itong pinagkaiba sa ibang mga lalaking ipinagkasundo sa kanya ng kanyang ama; katulad ng iba ay ganid din ito at mapagsamantala.
“Briar…” mahinang bulong nito bago marahang hinawi ang buhok niyang bahagyang tumatabing sa kanyang mukha. “Hindi kita pinipilit–”
Pinutol niya ang sasabihin nito nang hagkan niya ito nang mariin. Hindi niya na kailangan pang marinig ang alibi nito. Klaro naman sa kanya kung ano ang magiging ganap niya sa buhay ni Jianyu Lee. Isang tagapagsilbi. Katulad ng kanyang inang si Beula sa kanyang walanghiyang ama. Ngunit hindi katulad nito, hindi niya hahayaan na paglaruan lamang siya ni Jianyu. Sisiguraduhin niya na mas mauuna niya itong gaguhin bago pa siya nito masaktan.
Napaungol ang lalaki nang kagatin niya ang pang-ibabang labi nito. Sandali itong lumayo at tinitigan siya sa mga mata. Strange, it was. Because no matter how deep her hatred for him was, she could not help but to become mesmerized with those mysterious, jet-black eyes. Umigkas ang kamay nito patungo sa likuran ng kanyang ulo at hinila siyang papalapit muli. Lumapat ang likod ng lalaki sa kama kasabay ng paghuhubad niya ng kanyang suot na damit. Dahil hindi makagalaw nang maayos ay nanatili siya sa ibabaw ng lalaki ngunit hinayaan niya ang mga kamay nito na hawakan siya sa buong parte ng kanyang katawan.
Tahimik niyang naipikit ang kanyang mga mata at nakagat ang kanyang mga labi nang maramdaman ang marahang patagilid papatalikod nito sa kanyang katawan. Wala na ang saplot nito dahil tinanggal niya na at lalong humantad sa kanyang paningin ang matipunong pangangatawan nito na may iilang mga galos at peklat na tila likha ng kutsilyo. Bago siya makahuma ay pinatalikod nito ang ulo niya kasabay ng kanyang pagsinghap nang maramdaman ang mga daliri nitong dahan-dahang naglalaro sa kanyang p*gkababae.
I’m sorry, Andrew, bulong ng kanyang isipan habang pinipigilan ang kanyang sarili na mapaluha. Dinala niya ang kanyang nanginginig na kamay sa ari nito at marahang minasahe iyon. Humalo sa kanyang tinig ang mga ungol ni Jian.
“You’re wet down here,” masuyong bulong nito sa kanyang tainga. “Good…”
Mas lalong dumiin ang kanyang ngipin sa labi at ang pagkakahawak niya sa ari nito nang bilisan nito ang paggalaw ng mga daliri nito. Iniangat ni Jian ang kanyang hita at ipinasok sa kanyang loob ang nangangalit na espada nito dahilan para mas lalo siyang mapakapit sa bedsheet. Kaalinsabay ng paglalaro ng mga daliri nito ay ang pagpisil ng kabilang kamay nito sa kanyang dibdib. Briar wanted to lose her mind. She only used to let Andrew do that. But now, there was another man, a man who has lawful and sacred rights to touch her and make love to her whenever he wanted to.
“Is it painful?” nag-aalalang tanong nito bago siya hinalikan sa sentido. “I’m sorry… It will go away soon, don’t worry…”
Tanging ungol na lamang ang kanyang naitugon sa lalaki nang mag-umpisa itong bumayo. His thrusts went deep inside her, making her muscles contract and clamp against his rod. Napaungol si Jian at mas lalo siyang nayakap nang mahigpit, habang ang mga labi nito ay nagtatanim ng mga mumunting halik sa kanyang leeg at batok. Kahit na nais niyang humawak sa braso nito ay hindi niya ginawa. Kumapit na lamang siya sa kobre-kama at tinanggap ang bawat galaw nito. Hindi niya na magawang tumutol dahil tuluyan na siyang nadala ng sensasyong ibinibigay ni Jianyu.
“I’m… I’m near…” paos na bulong nito bago muling binilisan ang paggalaw ng balakang nito. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na magpakawala ng isang mahinang sigaw bago inabot ang braso ng lalaki. Nasa gitna pa rin ng kanyang mga hita ang isang binti nito at tila sinasabayan ng paggalaw ng balakang nito ang paggalaw ng mga daliri nito. Nablanko ang utak ni Briar. Kahit kailan ay hindi iyon nagawa sa kanya ni Andrew ngunit sino ba naman mag-aakala na si Jian ang makakapagpadama sa kanya ng ganoon?
She grunted as she felt him coming inside her. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng likido sa pagitan ng kanyang mga hita. Unti-unting nawala ang tensyon sa katawan ng lalaking nakayakap sa kanya. Hanggang sa tuluyang kumalma ang katawan nito at magtanim ng isang masuyong halik sa kanyang pisngi at sentido.
“Briar…”
Imbes na tumugon sa malambing na pagtawag ng lalaki ay hinila niya ang kumot at pumikit. Nanatiling nakatalikod sa lalaki. “Good night, Mr. Lee.”
Hindi niya man nakikita ang mukha ng lalaki ay ramdam niya ang disappointment nito nang mahiga ito sa kanyang tabi at ikulong siya sa mga bisig nito. Mainit ang katawan ni Jian. Hindi katulad ng kanya, malamig at nanginginig. “Briar… pangako, mamahalin kita nang buong-buo…” bulong nito. “Hindi man ako perpekto… hindi man ako sobrang confident, o guwapo, o… normal. Pangako ko na ibibigay ko lahat sa ‘yo. I promise you won’t regret marrying me…”
Hindi siya umimik. Hindi niya magawang sagutin ang tugon nito dahil sa galit na kanyang nararamdaman. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng mga babae sa X ay siya pa ang napili nito? Dapat ay ibang babae na lang ang naisipan nito na pakasalan. Hindi siya. May buhay siya na kailangang harapin. Kailangang buuin. Balak niyang magtayo ng negosyo at ang makatayo sa sarili niyang mga paa. Balak niya na ialis ang kanyang ina sa poder ng kanyang demonyong ama at walang kuwentang kapatid. Isa pa, na kay Andrew na ang puso niya. Hindi kay Jian. ‘Ni hindi niya nga ito kilala, papaano niya pa kaya ito matututunan na mahalin?
Hindi siya papayag na magiging isang mabuting asawa na lamang siya sa lalaki. Isang babae na walang karapatan na magsalita. She would not let her fate be like her mother’s. Never.
“Matulog ka na, Mr. Lee.”