VI

1568 Words
When Jian opened his eyes, Briar was still asleep. Curled like a ball, her back facing him. As if she loathed waking up seeing his face. He sighed before slowly moving towards her body to embrace her a little bit tighter. She might not feel it, nor try to acknowledge his love, but he knew to himself that he needed her because he loved her. Not the other way around. Masuyo siyang nagtanim ng mga halik sa balikat nito. Bahagya itong naalimpungatan at napaungol bago muling niyakap ang unan na nasa gilid nito. Mahina siyang natawa habang pinagmamasdan ang kanyang asawa. She looked lovely. Like an angel. He would trade anything for that sight for the rest of his life. He definitely would. Bahagya siyang napamura nang maramdaman ang pamamanhid ng kanyang binti na may depekto. Kaagad siyang napaunat sa pagkakahiga at marahang minasahe ang binting iyon. Nakalimutan niya na hindi nga pala siya dapat maggagagalaw masyado o manatili sa isang posisyon na makokompromiso ang kanyang binti. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga bago itinitig ang kanyang mga mata sa kisame. Ano nga bang iniisip niya nang pakasalan niya si Briar? Alam niya naman na hindi siya kagusto-gusto dahil sa kanyang binti. Sino ba namang may gustong magkaroon ng asawang may pilay? Isa pa, ‘ni hindi niya nga alam kung paano ito kakausapin. Kung papaano ito susuyuin. She practically married a stranger. And now, she thought he was the most vile person in the whole world. Nang umayos ang pakiramdam ay kaagad siyang bumangon at inabot ang kanyang tungkod para sana maligo ngunit bago pa man niya mahawakan iyon ay natumba siya sa lapag. Hindi niya na nailagay iyon sa may malapit dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Lumikha ng malakas na tunog ang kanyang pagbagsak sa lapag at malakas siyang napamura nang tumama ang kanyang siko sa lapag. Napabalikwas ng bangon si Briar dahil doon. Nang makita siya ito ay kaagad itong napabangon ng higaan at dinaluhan siya. “Mr. Lee, ayos ka lang ba?” naguguluhang tanong nito. “s**t!” Napangiwi siya nang hawakan nito ang kanyang braso at pilit na inilayo ang kanyang tingin. Pareho silang walang saplot at ayaw niya namang isipin nito na nananamantala siya. He sucked air between his teeth and lopsidedly smiled. “I’m alright, Briar… Hindi ko naabot ‘yong tungkod ko, that’s all.” She tsked before helping him get up. “You need to be careful next time. Good thing the floor’s carpeted.” Yumuko ito at kinuha ang kanyang tungkod bago iniabot sa kanya. “Saan ka ba kasi pupunta?” “I… I was about to go to the shower…” Sinulyapan nito ang tungkod niya. “With that? Are you kidding me?” pabulong na bulyaw nito. “Wait there, I’ll help you.” Bago pa man siya makahuma at makatanggi ay nakalayo na si Briar at nakapagbihis na ng hotel bathrobe. Nang maitali iyon ay inalalayan siya ng kanyang asawa papasok sa loob ng banyo. Pinuno nito ang bathtub ng tubig habang naghihintay siya sa tabi. Sa totoo lang ay kaya naman niyang gawin ang lahat ng iyon ngunit hindi niya pinigilan ang kanyang asawa. She looked determined and worried, anyway. Maybe because he looked lame. “Sit in there,” she commanded before gently guiding him through the tiled floor. Nang makaupo sa loob ng bathtub ay sandali itong lumayo at inabot ang sabon at shampoo. “I--” “Don’t leave,” he pleaded. “I… I might need some help…” Naging tahimik ang sandali. Pinanood lamang siya ni Briar habang nililinis niya ang katawan niya at nararamdaman niya ang unti-unting pagkalat ng hiya sa kanyang sistema. He just proved yet again to her how useless he was. Alagain. Hindi marunong makisalamuha. “You’d… look even more handsome if you try to smile a little bit, Mr. Lee,” komento nito bago kinuha ang loofah mula sa kanyang kamay at tinulungan siyang sabunin ang kanyang mga braso. “You… you think I am handsome?” nahihiyang usisa niya. Mahina lang itong tumawa ngunit muli nang lumamlam ang mga mata nito. Sandali lamang nanatili ang mga ningning sa mga mata nito. “Hindi ka ba tumitingin sa salamin? Guwapo ka, Mr. Jianyu Lee.” “Please, just… just call me Jian…” he shyly said. “I’m your husband, anyway…” Lalong nawalan ng emosyon ang mukha nito. “Yeah…” Natahimik na naman silang dalawa. Hindi niya alam kung papaano niya pa papahabain ang usapan. O kung paano niya ipapakita kay Briar na puro at totoo ang kanyang intensyon. Nauumid ang kanyang dila at pakiramdam niya ay hindi niya magawa na magsalita nang maayos kapag kaharap ito. Palagi naman siyang ganoon. Kaya nga siguro sa edad na treinta ay limitado ang kanyang karanasan sa mga babae. Maliban sa ilang mga kasosyo sa negosyong naka-one night stand niya, wala na siyang ibang nakarelasyon. He did not even know how to handle women’s antics. Let alone his wife. “Bakit ako, Jian?” Napatingin siya sa babae dahil sa tanong nito. Tipid siyang ngumiti. “Anong bakit ikaw?” “Bakit ako ang napili mong… pakasalan.” “I… I don’t want to answer that yet, Briar…” Ngumiti siya. “Just trust me, please… Pangako, ligtas ka sa poder ko. Hindi kita hahayaan na mahirapan o masaktan.” Nag-iwas ito ng tingin. “They tell me that you’re a good man, Jianyu… But I really can’t give you my heart,” she said, as if giving him an ultimatum. Inabot niya ang kamay nito at masuyong hinagkan iyon. “Then I’m going to accept what you can give… Just be my wife, Briar Victoria… I can accept whatever you can give.” Hindi na ito sumagot pa ngunit inalalayan na siya nito papalabas ng banyo. Mag-isa siyang nagbihis habang naliligo ito. Tinawagan niya naman si Feng na nananatili sa kabilang silid upang sabihin na patungo na sila sa kanilang titirahan. Hindi naman na ito nagsalita pa at sumunod na lang sa utos niya, naghintay sa Bentley niya sa may parking lot ng magarbong hotel. Nang makapagbihis si Briar ay inilahad niya ang kamay niya rito. Kinuha naman iyon ng kanyang asawa at inalalayan siya nito sa paglalakad kahit na hindi niya naman masyadong kailangan. Maybe she felt a little bit guilty over him. Or maybe she pitied him. Hindi niya alam. Ngunit kung awa man ang nararamdaman nito o konsensiya, tatanggapin niya, hangga’t malaya niya itong namamahal at naproprotektahan. He yawned as he skimmed on some reports that Feng prepared for him. Pagkatapos ng kasal ay balik na naman siya sa magulo at hectic niyang negosyo. Maintaining peace in Paradiso was no weak man’s job. Bagaman kilala siyang mabait at mapagkumbaba ng kanyang mga kasosyo ay alam ng mga ito na hindi niya hinahayaan na may gulo sa loob ng kanyang nasasakupan. Paradiso might be a red light district but he could say with pride that that street was never a witness to coldblooded fights nor deaths. He wanted to keep his place peaceful. Muli siyang napasulyap kay Briar. Mukhang malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa labas ng bintana. Hindi niya na ito ginulo pa. Ayaw niyang inisin ito at mas lalong ayaw niya na mas magkaroon ng gusot sa kanilang pagsasama. Hindi niya maialis ang sakit sa kanyang dibdib sa tuwing inaalala ang mga sinabi nito kanina. Hindi niya mapigilan na masaktan. Na… matangahan sa sarili niya. Ngunit katulad nga ng sabi nila, kapag nagmamahal ka, hindi ka nakakapag-isip nang tuwid. Alam niyang gagawin niya ang lahat para kay Briar, kahit na magmukha pa siyang tanga o siraulo. Mahal niya, e. Mahal na mahal. Nang makita ang daan na kanilang tinatahak ay napangisi si Jian. Marahan niyang kinalabit si Briar at umusog papalapit sa kanyang asawa. Hinawi niya ang buhok nito at inilapit ang kanyang mga labi sa tainga nito. “Welcome to your new home, Mrs. Lee…” Malaki ang bahay niya. Masyadong malaki para sa kanilang dalawa ni Feng. Ipinagawa iyon ng kanyang yumaong ama para sa kanya at sa magiging pamilya niya ngunit nang mamatay ito ay mag-isa na lamang siyang nanirahan doon. Malapit kasi ito sa Paradiso at hindi siya nahihirapan na magpabalik-balik. May sarili rin iyong barracks para sa ilan sa mga pili at malalapit niyang tauhan sa Paradiso. Sa dulo ng kanyang malawak na lupain ay may isang maliit na hilera ng mga bahay na inilalaan niya para sa kanyang mga empleyadong nangangailangan. Nanlaki ang mga mata ni Briar habang pinagmamasdan ang dragon na nakaeskulto sa tarangkahan ng bakuran ng kanyang bahay. Mas lalo itong namangha nang makita ang loob. Ang hardin na puno ng bonsai at iba’t ibang mga halaman at fish pond. Ang mansyon niyang may tatlong palapag, malalaking bintana na pininturahan ng itim at puti. At ang malaking swimming pool sa harapan ng bahay. Ibang-iba iyon sa tahanan ng mga Mendez kaya naman hindi niya ito masisisi kung namangha ito nang todo. Nagtanim siya ng masuyong halik sa balikat nito bago hinaplos ang braso nito. “You’ll be living here from now on, Briar… because you’re my wife. And you really don’t have anything to do aside from being my wife… as I told you, I can accept whatever you can give to me.” Kung alam lang ni Jian na pagsisisihan niya ang mga katagang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD