“Briar?”
Bahagya pang napatda si Andrew nang makita siya nito na nakaupo sa loob ng maliit na opisina nito. Luma na ang gusaling iyon at mukhang kailangan na ng pintura at mga repair ngunit hindi iyon maipagawa ng lalaki dahil na rin palaging nalulugi ang negosyo nito. Hindi katulad ng Paradiso ni Jian na mukhang palaging buhay sa mga kumukutitap na ilaw at magagarbong opisina.
Nakagat ni Briar ang kanyang pang-ibabang labi nang mag-iwas ito ng tingin. Humigpit ang hawak nito sa folder. “Andrew…”
“Anong ginagawa mo rito?”
“Binibisita ka,” gagap niya. “I… I missed you--”
“Really, Briar Mendez? Or should I call you Briar Lee now?” galit na saad nito. “May gana ka pang ipakita sa ‘kin ang mukha mo gano’ng bigla ka na lang nagpakasal sa iba--”
Kaagad siyang napatayo at ikinulong ito sa kanyang mga bisig. “Andrew, please, makinig ka… Wala akong pagpipilian! Si Papa ang--”
“Walang pagpipilian?” pagak itong tumawa at kumawala sa kanyang hawak. “Briar, puwede tayong magtanan! Ilang beses na kitang inaya na lumayo rito pero ayaw mo!”
Pinalis niya ang mga luhang nalalaglag mula sa kanyang mga mata at nag-iwas ng tingin. “Andrew… Alam mo naman na hindi ko puwedeng iwan si Mama. Baka mapatay ‘yon ng tatay ko…”
Andrew sighed, letting his fingers run on his hair. “You have no idea how hurt I was when I learned you married that Jianyu Lee… of all people, why does it have to be him, Briar?”
Napatungo na lamang siya. “Siya ang… nakapagbigay ng malaking halaga sa tatay ko…”
Napapitlag siya nang malakas nitong suntukin ang pader ng opisina nito. Dahil gawa sa manipis na kahoy ang isang dingding ng silid nito ay nabutas iyon. Bahagyang nagalusan ang kamay ni Andrew ngunit imbes na magsalita ito ay tumuloy ito sa upuan nito at sumalampak doon, sapo ang ulo nito.
“Andrew…”
“That man keeps on f*cking with my life, huh?” pagak itong natawa. “Simula noong nag-aaral pa lang kami hanggang ngayon… Hanggang ngayon! Damn it!”
Naisin niya mang usisain ang kasaysayan ng kanyang asawa at ni Andrew ay hindi niya magawa. Natatakot siya sa mga nagbabagang mata ng lalaki. Para bang ano mang oras ay bigla na lamang itong sasabog at magwawala sa harapan niya. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit rito at naupo sa kandungan ng lalaki. “Andrew… kahit anong mangyari, sa ‘yong-sa ‘yo ako…”
Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at kinabig siya papasandal sa balikat nito. Hinagkan ni Andrew ang noo niya at mahigpit siyang niyakap. “Gagawin ko lahat para mabawi ka sa kanya, Briar…”
Mahina siyang tumawa at hinaplos ang kamay nito. “Andrew, huwag mo akong masyadong alalahanin. Isipin mo muna kung paano mo mapapalago ang negosyo mo. At kapag maayos na ang lahat, kapag may sapat na tayong pera at plano, lalayo tayo rito. Pangako.”
Nang makalabas siya sa opisina ng lalaki ay hapon na. Malayo iyon mula sa Paradiso at nagkukumahog siya dahil tumakas lang siya mula sa mga bantay ni Jian. Abala ang lalaki sa negosyo nito kasama ang kanang-kamay nito kaya naman madali siyang nakalusot. Ngunit sa pagliko niya sa kanto ay hindi niya inakala na makikita niya sina Jian at Feng na papalabas mula sa isang kainan, habang ang kanyang asawa ay kausap ang tila may-ari ng restaurant na iyon. Akmang babalik siya sa kanyang pinanggalingan ngunit huli na ang lahat. Nakita na siya ng lalaki at tinawag.
Kaagad siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan. Ramdam niya ang pamumuo ng mga butil ng pawis sa kanyang noo lalo na nang tila nananabik na naglakad ito papalapit sa kanya. Sa bawat pagtama ng tungkod ng lalaki sa kalsada ay katumbas ng paglakas ng kabog ng kanyang dibdib. Pilit niyang pinatatag ang sarili nang harapin niya ito at tanggapin ang yakap at halik nito.
“Briar! Bakit… bakit nasa labas ka? Wala ka pang kasama…” nag-aalala na tanong nito sa kanya habang lumilinga-linga. You should… have some bodyguards. You’re not just a somebody…”
Umiling siya. “Hindi na kailangan, kaya ko na ang sarili ko,” malamig niyang tugon.
Ngumiti ang lalaki at inialok ang braso nito ngunit hindi niya iyon tinanggap. Hirap na nga ito sa paglalakad, bakit gusto pa nito na kumapit siya rito? Tila naman napahiya si Jian at kaagad na dumiretso sa pagkakatayo. “Feng and I were about to go to dinner… You might as well join us.”
Hindi na siya nakahuma nang buksan ng kanang-kamay nito ang pinto para sa lalaki. Naunang sumakay si Jian at akmang susunod siya nang bahagya siyang pigilan ni Feng. Mahigpit ang hawak nito sa braso niya, tila ba…
“Pakitunguhan mo naman nang maayos si Jianyu,” banta nito na may halong pagsusumamo. “He is in a good mood right now. Please don’t kill his spirits.”
Hinila niya ang kanyang braso. “Don’t pressure me. You know I’m not in love with your friend,” she whispered back.
“Feng, is everything alright?” usisa ni Jian nang mapansin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Tumikhim ito at bahagyang ngumiti sa lalaki. “I was just asking Mrs. Lee what she wanted for dinner, young master.”
Tumango-tango ito at hindi na nagsalita pa. Sumakay na siya sa loob ng sasakyan at pilit na pinakalma ang sarili. That was a close call. Ayaw niyang malaman ni Jianyu na nakikipag-ugnayan pa rin siya sa kanyang nobyo at mas lalong ayaw niyang malaman kung ano ang posible nitong gawin kapag nalaman nito na nagloloko siya. Ngunit alam niya naman na alam ng lalaki kung ano ang posisyon nito sa buhay niya. Dapat ay hindi na ito magtaka. O magulat man lang.
She sighed as she stared out of the window, preoccupied. Ayaw niyang manakit ng tao ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na magalit sa mundo. Sa kanyang ama at lalong-lalo na kay Jianyu. He knew her heart belonged to somebody else. He knew she entirely belonged to somebody else. At kung mahal na mahal siya nito, hindi ba dapat ay alam nito na ayaw niya ang masyadong paggamit nito ng pera at impluwensya nito?
"You look pale, Briar. You want us to swing by the hospital?" may pag-aalalang puna nito.
Umiling siya. "I'm good, just hungry."
She was again mesmerized with his jet black eyes, hiding underneath its chinky structure. Nang ngumiti ito ay mas lalong lumitaw ang kaguwapuhang itinatago nito. He kissed her hand and held it all throughout the drive, as if telling her that he would never let her go.
“I know you are still adjusting, but I hope you will go out with some guards next time, Briar… I have plenty of business competitors and I don’t want you getting endangered because of me. Kaya kung may pupuntahan ka, sabihan mo ako o si Feng para masamahan ka, okay?”
Hindi siya umimik. Ayaw niya na bantayan siya nito. Damn, she did not even want him to bother her that much. She wanted him to mind his own business and prove to her that he was really a jerk and a greedy asshole. So that it would not be hard and guilt-tripping to her whenever she would decide to hurt him and forget about their marriage.
She cleared her throat before slipping her hand away from his. He sighed before ruffling his hair. “Oo nga pala, dadalhin kita sa boutique bukas. I saw your clothes and they looked old… You really needed a new wardrobe. Besides, being Mrs. Lee, I want to give you everything…”
“Hindi naman kita sinasabihan na bilhan ako ng damit at gamit, lalo na kung mamahalin, Jian,” tugon niya. “Masaya na ako sa kung anong meron ako, hindi mo na kailangang mag-abala pa.”
“What? No… hindi ka naman abala sa ‘kin, Briar… Asawa kita at dapat lang na ibigay ko lahat ng pangangailangan mo,” pagpapaliwanag nito. “I didn’t marry you just to make you a mere servant. I married you because I wanted to and I wanted you to stand beside me.”
“Please listen to young master, Mrs. Lee,” singit ni Feng sa usapan. “He meant well.”
Wala na siyang nagawa. Ayaw niyang makipagtalo sa dalawang lalaking parehong matipuno ang pangangatawan at mautak. Alam niyang wala siyang palag. Ngunit kung akala ni Jianyu na katulad ng kanyang ama ay mabibili nito ang kanyang pagmamahal gamit ang mga damit at magagarbong kagamitan na ibibigay nito sa kanya, e nagkakamali ito.
Mamahalin niya lang ito kung mag-uumpisang tumibok ang puso niya para sa lalaki. At kung kailan mangyayari iyon? Hindi niya alam. Baka mauna pang pumuti ang uwak o masaid ang lahat ng tubig sa dagat kapag nangyari iyon.
Bahagya siyang napapitlag nang mag-ring ang kanyang smartphone na nasa kanyang kandungan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita na pangalan ni Andrew ang nasa caller ID niyon. Kaagad niya iyong kinuha at pinatay sa pagtataka ni Jian.
“Bakit hindi mo sinagot? Who was that?” inosenteng usisa nito.
Lumunok siya bago nagsalita. “Wala lang ‘yon, wrong number.”
Nang tumango ito at muling hawakan ang kanyang kamay ay para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ngunit tila mas lalong lumaki ang nakabikig sa kanyang lalamunan nang makita na nakatingin si Feng sa kaniya mula sa rear-view mirror, tila alam kung ano ang ginagawa niya.
At tiyak na sasabihin nito kay Jian ang lahat ng napapansin nito. Baka oras na lang ang bilangin niya bago nito malaman na…
Oh, who the f*ck cares? Hindi mo siya mahal! Alam niya ‘yon! Alam niya ‘yon…