Joseph Olivar “Ahhh!” daing ko dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Nakainom ako at parang lalagnatin din ako kung kaya’t tinawagan ko si Alhena upang makahingi ng tulong sa kanya. At isang rason kung bakit si Alhena ang tinawagan ko ay dahil babawiin ko siya kay Gael dahil nalaman kong ginagamit lang pala siya ni Gael upang makuha niya ng tuluyan ang anak nila. Nalaman ko iyon dahil kay Ms. Neritha Ariano isa rin siyang empleyado sa O company at matalik din pala siyang kaibigan ni Alhena. (Flashback) (DNA) Statement of the result: Probability of Paternity: 0% The alleged father is excluded as the biological father of the tested child. I knew it. Nung araw na pinakita noon sa’kin ni Gael ang picture ng batang si Gavin ay hindi ako nakaramdam ng lukso ng dugo sa bata at hindi maita

