Alhena Bernabe Love Kalimutan mo ng Ina ka ni Gavin at kalimutan mo ring nobya kita. Goodbye Alhena! Agad na ako kumaripas ng takbo nang mabasa ko ang mensahe ni Gael at para na akong baliw dahil umiiyak ako habang tumatakbo. Hindi ko maisip na magagawa sa’kin ito ni Gael mahal ko sila ng anak namin pero bakit ba hindi niya man lang ako inintindi. Pagdating ko sa parking area ay agad ko ng tinungo ang kotse at agad ko na itong pinaharurot. Pero kahit sobrang bilis na ng pagpapatakbo ko ay nagawa ko pa rin tawagan si Neri para mapuntahan niya si Joseph sa mismong unit ni Joseph at agad naman niya akong sinunod. Pagkatapos ko siyang tawagan ay mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko ng kotse ilang shortcut ang dinaanan ko at dahil sa sobrang bilis ko ay sampung minuto lang pagmamaneho

