Alhena Bernabe “Right, Mommy you will say yes to Daddy naman ‘di ba?” tanong pa ulit sa akin ng anak ko, at wala pa rin talaga akong mahupang sagot. “Son, marami akong dalang toys dito, gusto mo play tayo?” tanong naman ni Gael kay Gavin. Nahalata rin siguro niya na hindi ko pa kayang sagutin ang katanungan ni Gavin. “Sige po, Daddy,” nakangiting tugon naman agad ni Gavin. Agad namang kinuha ni Gael sa sofa ang mga iilang laruan at dinala iyon sa kama ni Gavin, at agad naman nila iyong nilaro. Maya-maya pa ay may pumasok namang nurse rito sa loob ni Gavin, at may dala-dala itong recita. “Good afternoon po, Mrs ibibigay ko lang po sa inyo itong recita ng anak ninyo, naka indicate na rin po r’yan sa recita ang mga pagkaing pwedeng kainin ng paseyente,” paliwanag sa akin ng nurse sab

