Alhena Bernabe Muling lumipas ang tatlong araw at nakaratay pa rin ang anak ko sa hospital. At dahil nga sa pinayagan ko si Gael na magbantay kay Gavin ay siya ang nagbabantay sa anak ko tuwing umaga hanggang hapon. At sa t’wing babalik na ako sa hospital ay pinapaalis ko na siya agad dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Ayoko namang pati sa loob ng kwarto ni Gavin ay mag-aaway pa kami, kaya mas mabuti kung iwasan na lang namin ang isa’t-isa. Palagi rin niyang kinikwentuhan ng story book si Gavin tulad nang ginagawa ko at walang araw na hindi niya ito dinadalhan ng mga iba’t-ibang laruan, kahit na hindi pa naman iyon malalaro ni Gavin. Palagi rin itong may mga dalang pagkain pero hindi ko pinapansin ang kahit anumang dala niyang pagkain dahil nga sa galit at naiinis pa rin ako sa k

