Gael Lagdameo “Sige, papayagan kita sa kagustuhan mo,” seryosong saad niya, na nagpa aliwalas naman agad sa aking mukha. “Pero hanggang sa magising lang si Gavin.” Hindi ko naman inasahan ang sunod niyang sinabi. “Huwag ka namang ganyan, Alhena. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin,” nagsusumamo kong wika sa kanya. Ngunit ganun na lang ang gulat ko ng sampalin niya ako ng pagkalakas-lakas. “Lintek na pagmamahal na ‘yan, Gael! Hindi ka pa ba nagsasawa?!” galit na galit nitong tanong sa’kin. “Hindi, Alhena dahil hindi ko kayo susukuan ni Gavin, ga—” naputol ang dapat ko pa sanang sasabihin, dahil bigla itong sumabat. “Pwes ako sawang-sawa na, Gael! Sawang-sawa na akong tanggapin ka pa sa buhay namin, ng paulit-ulit. So, if you wanna do everything for us you better disappear,” madiin

