Joseph Olivar Halos ayaw kong apakan ang preno ng aking kotse nang marating ko na ang ninanais kong lugar. Sa cementeryo. Oo sa cementeryo kung saan nakalibing si Cindy. Sobrang galit na galit ako sa kanya. Oo best friend ko siya pero sinira niya ang pagiging magkaibigan namin. Siya noon ang naging takbuhan at sandalan ko sa tuwing nalulungkot ako noong umalis na si Alhena sa lugar namin. Siya lagi ang nandiyan para sagipin ako sa kalungkutan at sa sakit na aking nararamdaman noong lumisan si Alhena at mas naging close pa kaming dalawa. Nag-aaral na ako noon sa kolehiyo samantalang siya naman ay nagtatrabaho na bilang crew sa isang fast food chain. Hindi na kasi siya kayang pag-aralin noon ng kanyang Nanay kung kaya’t mas pinili na lang niyang magtrabaho at mag-ipon para daw sa pagkokol

