Joseph Olivar Mahal ko si Alhena mga bata pa lang kami ay iniibig ko na siya at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Magkababata kami nina Alhena at Cindy, elementary pa lang kami noon ay magkakaibigan na kami at ako lagi ang nagtatanggol sa kanilang dalawa sa t’wing inaaway sila noon. Mga sadista at mapanlait kasi noon ang mga kaklase namin at madalas noong umiiyak ang batang si Alhena, at simula nung araw na nakita kong umiyak si Alhena. I made a promise to myself that I will never let someone hurt her again and I will protect her as long as I can. It sounds crazy and stupid, dahil sa edad na walo ay naisip ko na iyon pero ganun talaga siguro kapag may nararamdaman ka na sa isang tao. Sabi nga nila walang pinipiling edad ang pag-ibig kaya simula noong umiyak si Alhena dah

