Alhena Bernabe Makalipas ang isang oras at kalahati Sa wakas ay nakarating na kami sa Cagayan. “We’re here na sa place ni Mommy, anak,” masayang sabi ko kay Gavin, at tanging ngiti naman ang tinugon nito sa’kin. Walang kaalam-alam ang pamilya ko na uuwi kami ngayon ni Gavin sa’min gusto ko kasi silang surpresahin. Agad na akong pumara ng taxi at nagpatulong na lang ako sa driver para kargahin ang aming mga maleta at isang big bag. Nang maikarga na ni Manong driver ang aming mga bagahi ay agad na rin kaming umalis at sinabi kong sa terminal kami magpapahatid. May kalayuan kasi sa syudad ang lugar namin dito sa Cagayan at 45 minutes pa ang byahe pauwi talaga sa’ming bahay. Minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa terminal agad na kaming bumaba ng taxi at tinulungan na lang ulit ako

