Sabi nga ng nakararami, malaki rin talaga ang naidudulot ng pagkakaroon ng sanggol o bata sa loob ng isang tahanan. Naghahatid raw kasi sila ng kasiyahan, katuwaan, kapayapaan sa bawat miyembro ng pamilya, sambahayan. Ang mga kakulitan nila at pagkabibo ay siyang naghahatid ng tuwa at saya sa mga tao. Lalo na ang sanggol na bagong panganak dahil sa pagiging-‘cute’ nito. Sa bata naman ay siyang pagiging makulit at pasaway pero nagdudulot naman ng nakasisiyang ingay at katuwaan. Ngayon, sa mansiyon, nakangiti sina Vince at Vina sa pagdating ni Jion, batang iniligtas nila Hindi man nakapagsasalita ang paslit dulot ng mga tinamo nitong trauma at pang-aabuso sa mga nakalipas na taon, makita pa lamang nina Vince at Vina si Jion sa masigla, maayos, at mabuting kalagayan ay natutuwa na rin sila

