Likas na talaga sa tao ang malagay sa isang hindi magandang karanasan o situwasyon na kung tawagin ay panganib, kapahamakan, o peligro. Isa lamang ang patunay rito, ang tao ay vulnerable sa mga hindi magandang bagay. Sa iba, masasabi itong kamalasan. Lahat ng mga hindi magandang nangyayari sa kanilang buhay ay sinasabing malas, o hindi kaya, maaring pinagalalaruan sila ng tadhana. Kung tutuusin, masasabi ni Vina sa sarili na malas siyang tao. Paano ba naman, lagi na lamang nalalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Hindi na mabilang sa daliri ang lahat ng mga peligrong kinaharap at nakasagupa niya noon pa mang hindi pa kilala si Vince at ngayong dumating na ito sa kaniyang buhay. Ilang beses na ba siyang muntik mapahamak? Sa puntong mismong buhay na ang nakataya? Napakarami. Kulang na

