Sa buhay, hindi nawawala ang mga hamon at laban—at sa bawat mga laban na kinahaharap ng tao, hindi lahat ay nananalo. Samakatuwid, may mga umuuwing luhaan, may nagwawagi. Sa kabila ng walang kasiguraduhan na laban, ang tanong, magpapatuloy ba ang isang tao? Wala talagang kasiguraduhan kung mananalo sina Vince at Vina laban sa mga kalabang armado. Marami sila, bilang lamang sa daliri ang dalawa—kahit pa isang Tramos si Vince. Ang mangyayari, kumbaga, labanan na lang din ito sa husay at diskarte ng bawat panig. Iyak nang iyak ang mga bata sa takot. Nasa panganib ang buhay ni Vina dahil sa nakatutok na pistol sa kaniyang leeg... Maging sa damage na kasalukuyang tinatamo ng dalaga dahil year of the tiger ang lider... Lahat ng baril ay nakatutok na sa kanila... At may tama ng baril sa t

