Tunay na ang pamilya nga ang isa sa mga pinakamahalagang kayamanan sa mundong ito. Ang pamilya ang dahilan kung bakit ang bawat isa ay isinilang, nabuhay, at humihinga. Gaya na lamang ng kay Vince at Vina. Ang kanilang pamilya ay wala na—rito sa mundo dahil nasa kabilang buhay na. Bagaman ang ama ni Vina ay buhay pa, hindi naman ito nakasasama dahil sa nakakulong pa rin ito. Wala na ang mga magulang ni Vince. Habang naglalakad-lakad sila sa mabatong daanan, mapunong paligid, malilim na hapon, habang malakas ang ihip ng hangin, nakangiti ang dalaga at binata. Kinabahan si Vina nang maramdaman niya ang biglaang paghawak ni Vince sa kaniyang kanang kamay. Gayunpaman, nagpatay-malisya na lamang siya, kunwaring bahala na lamang. Mainit, malambot, makinis, masarap sa pakiramdam ang kamay n

