Dahil nakangiting natulog si Vina, matamis din ang mga ngiting nagmulat ng mga mata ito at sinalubong ang bagong umaga. Maaliwalas na agad ang mukha kahit kagigising pa lang. Tila ba ganadong-ganado ito nang bumangon at harapin ang buong araw. Isa ito sa mga araw na hindi normal para kay Vina—gumising nang masigla at may lakas upang harapin ang buong araw. Pagtapak pa lamang ng paa sa sahig, umikot-ikot pa ang dalaga, iwinasiwas ang kamay at habang malapad ang mga ngiti. Ang dahilan? Hindi maitatangging ang binata na si Vince Pedrosa. Lumabas ng kaniyang kuwarto ang dalaga at sumilip ito nang hindi tuluyang binubuksan ang double door ng kuwarto. Katahimikan ang bumungad sa kaniya. Wala si Vince sa living room at kitchen. Dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto at saka nagtungo sa comfo

