Napalunok nalang ako although alam ko naman na ang mga Diyos ang makakasama ko mamaya pero kasi halos i broadcast niya ang mga sinabi niya sa buong opisina kaya sigurado akong puputaktihin ako ng tanong nina Sarah at Jesa.
Iniwasan ko na nga sila at hindi na tinignan pero kusa na silang lumapit sa akin. Hila-hila pa ni Jesa ang upuan nya habang si Sarah ay sa mesa ko sumandal. Si Jio naman at Ares ay sa harapan ng mesa ko pumuwesto.
“Dinner mamaya sa bahay nung gwapong lalaki?” mapang asar na tanong ni Sarah.
“Boyfriend mo?” tanong naman ni Ares.
“Hindi no.” agad nitong sagot.
“So bakit may pa-dinner, sa bahay pa?” kinikilig na tanong ni Jesa.
Hindi makasagot si Janella dahil hindi nya alam kung ano ang idadahilan. Kung bakit ba naman kasi ganun ang sinabi ni Sol.
“Di’ba kapatid yun ni Aine? Nakikita ko minsan yun sa interview nya.” seryosong sabi ni Jio.
“Eh ano naman kung kapatid sya ni Aine? Bakit sasama ka sa dinner nila para makita mo ang crush mo?” Si Sarah ang sumagot.
“Ikaw naman, nagselos ka kaagad.” biro ni Jio.
“Yuck!” umirap ito at bumalik sa kanyang upuan.
“Bumalik na nga kayo sa trabaho nyo. Kaibigan ko lang si Sol at tsaka marami kami mamaya, hindi yon’ date.” sabi ni Janella.
“Ow! So SOL is the name ng gwapong guy.” natatawang sabi ni Jesa saka nya hinila ang ang upuan pabalik sa kanyang pwesto.
Pagkatapos ng nakakapagod na maghapon ay niligpit ni Janella ang mga gamit nya. Nag pahid din ito ng kaunting kolorete sa mukha na agad napansin ng dalawang bruha niyang kaibigan kaya naman walang ginawa ang mga ito kundi asarin siya.
“Saan ka susunduin ng red hair FRIEND mo?” tanong ni Jesa, emphasizing the friend words na para bang may iba pa itong kahulugan.
“Hindi ko alam e. Baka sa apartment.” sagot nito.
Naglakad na sila palabas ng opisina. Hinahanap naman ni Janella ang wallet niya sa kanyang bag habang sinasabayan sa paglalakad ang mga kaibigan.
“Oooowwww! Sheeet!” reaksyon ni Jesa at natigilan pa ito sa paglalakad.
“Haba ng buhok. Paki-ligpit.” bulong naman ni Sarah.
Tumunghay si Janella para tingnan kung saan ang mga ito nakatingin. Muntik na mabitawan ni Janella ang kanyang bitbit na wallet sa bumungad sa kanya.
Sa harapan ng puting SUV ay nakatayo at nakasandal doon sina Sol, Santy at Luan at mukhang siya ang hinihintay. Kinabahan tuloy sya, hindi dahil sa maintriga niyang mga kaibigan kung hindi sa kung saan ang maaari nilang misyon. Nagiging kompleto lang naman sila kapag hahanapin nila ang Bakunawa.
Hilaw itong ngumiti sa dalawang kasama at nagpaalam na saka patakbong lumapit sa tatlo.
“What took you so long?” iritang tanong ni Luan.
“Ito talaga ang oras ng tapos ng trabaho namin. Maaga pa nga ito e.” sagot ni Janella saka umirap sa nakabusangot na mukha ni Luan.
“Let’s go?” singit ni Sol
“Ano bang meron?”
“Patutugtugin mamaya ng mga babaylan ang instrumento ng mga agta. Mas maganda sana kung kasama ka namin na panoorin yon.” sagot ni Sol.
“Bakit kailangan sabihin mo pa na dinner sa bahay mo? Inaasar tuloy ako ng mga kaibigan ko.”
“Hindi ko naman pwede sabihin na-”
“Both of you, shut up! You're hurting my ears. Umalis na tayo.” Putol ni Luan sa sasabihin ni Sol. Rinig ko naman yung bungisngis ni Santy saka tinapik si Sol sa balikat.
“Ingat Janella.” Sigaw ni Jio saka kumaway. Gumati ng ngiti si Janella at nag babye sa kanila ni Ares. Tipid naman ang ginanting ngiti sa kanya ni Ares saka pumara ng taxi.
Nakangiting bumaling sa tatlo pero ang mukha ng tatlong Diyos ay animoy parang masama ang gising at parehong mga nakasimangot, nagkatinginan pa sila na parang mga nag uusap gamit ang kanilang telepathy.
“Naramdaman nyo yun? Ang lakas.” Basag ni Santelmo sa katahimikan.
Kita ni Janella ang pang gigigl sa mukha ni Luan habang nagmamasid sa mga taong dumadaan. Nagtataka tuloy si Janella kaya tumingin tingin na din sa paligid dahil baka multo na ang sinasabi ni Santelmo na malakas na enerhiya.
“I can't be wrong. Enerhiya yon' ng Bakunawa.” ani Luan.
“P-Pero wala akong nakikitang kakaiba sa mga taong dumaraan. Bakit hindi ko sya nararamdaman?” naguguluhan kong sabi.
“Hindi mo naramdaman ang nakakairitang enerhiyang iyon?” takang tanong ni Luan.
Umiling lang si Janella.
“She’s still human, Luan. Saglit ko lang na naramdaman ang Bakunawa. Maaaring dumaan lang sya sa lugar na ito.” ani Sol.
“Pero ang lakas nya. Parang ang lapit lang niya sa atin kahit ilang segundo lang iyon. Hindi kaya nagmamatyag sya sa atin?” ani Santelmo.
"Dumaan lang ba siya, o alam niyang narito tayo?" Hindi napigilan ni Janella ang kilabot na gumapang sa kanyang balat.
Sa di kalayuan, may isang poste ng ilaw na biglang nagkislapan bago tuluyang namatay, iniwan silang nakalublob sa anino. Si Luan ay nanatiling nakatitig sa kalsada, tila inaabangan ang isang aninong hindi nila makita.
“Even better… Let him follow us.” Tipid na sabi ni Luan saka sumakay ng sasakyan.
Hindi na ako nagsalita at pumasok na lang sa loob ng SUV. Nasa loob pala ng sasakyan si Aine na masarap ang tulog habang si Bituin naman ay busy sa pagbabasa ng libro.
Dumating kami sa kaharian ni Aman Sinaya sa loob lang ng ilang segundo. Tahimik kaming naglakad sa lagusan patungo sa sagradong lugar ng mga babaylan, dala ang mga sinaunang instrumento ng tribong Agta.
Tahimik ang paligid, tila matagal na silang nagdarasal, naghahanda para sa seremonya ngayong gabi.
Pagpatugtog ng mga instrumento, unti-unting bumalot ang lamig sa paligid. Parang may enerhiyang hindi nakikita na gumapang sa hangin. Umalon ang mga dahon, sumayaw sa tugtog. Niyakap ko ang sarili habang pinakikinggan ang kakaibang musikang lumalabas mula sa mga sinaunang gamit. Pareho pa rin ang pakiramdam katulad ng unang beses ko itong marinig sa tribo ng Agta. Isang kilabot na may halong ginhawa.
“Are you okay?” bulong ni Luan, seryosong nakatitig sa akin nang imulat ko ang aking mga mata.
Kasabay noon, mabilis ang t***k ng puso ko. Uminit ang mukha ko.
Bakit kaya sa tuwing tumutugtog ang instrumentong ‘yon, mas lalo kong nakikitang gwapo si Luan? Para siyang tukso napakahirap iwasan.
“Janella?” untag niya sa akin.
Hindi ko mabawi ang titig ko sa mga mata niya. Para akong na-hipnotismo.
“Luan…” ‘yon lang ang nasambit ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong nawawalan ng lakas. Nang halos bumagsak na ang katawan ko, agad niya akong hinila papalapit at mahigpit na niyakap.
“Hinto!” sigaw niya.
Biglang tumigil ang lahat. Tumahimik ang paligid. At sa isang iglap, kumalma rin ang nararamdaman ko.
Safe. 'Yon ang unang pumasok sa isip ko habang yakap-yakap ako ni Luan. Kahit amoy niya, tila may kapangyarihang nagpapatahan.
“You’ll be okay,” bulong niya.
Pagkatapos noon, wala na akong maalala. Nawalan na ako ng malay.