CHAPTER 11 - Ares

1441 Words
“Paumanhin kung ako ay sasali sa inyong usapan ngunit sa tingin ko ay may kinalaman ang itim na kapangyarihan ni Bagani Sumapaon sa Bakunawa.” Singit ng pinuno ng mga babaylan. “Sino ang nilalang na iyon?” Tanong ni Luan "Bagani Sumpaon," muling binigkas ng pinuno ng Babaylan, ang kanyang tinig ay tila may bahid ng takot. "Hindi lang siya basta Mambabarang, isa siyang nilalang na biniyayaan mismo ng Demonyo. Ang kanyang itim na mahika ay hinulma sa ilalim ng tubig ng Kadiliman, at sinasabing kahit ang pinaka-banal na nilalang ay kayang bihagin ng kanyang sumpa." Kumunot ang noo ng lahat at mataman na tumitig sa babaylan. “Nakakasiguro ka ba sa iyong sinasabi?” tanong ni Luan. “Paumanhin po, hindi po ako tiyak ngunit sa aking pagtatawas kanina ay lumabas ang kaliskis ng Bakunawa.” Mas lalong kumunot ang noo ni Luan habang nakatingin sa tunaw na kandila. “We are not sure if that kaliskis is sa Bakunawa talaga. Malay mo sa ahas, sa sirena o sa isda.” singit ni Aine at pagod na nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “Look, we can’t waste our time on something uncertain, so saka nalang natin pagtuunan that Bagani kapag sure na, right guys?” dagdag nyang paliwanag. “Tama si Aine. Kailangan na nating bumalik at dalhin ang mga instrumento ng mga agta sa kaharian ni Aman Sinaya.” sang ayon ni Santelmo. Sumang-ayon din sila kay Aine habang si Janella ay nakasimangot na sumunod sa mga ito pero hindi siya papaawat na pag-aralan ang karunungan ng kanyang lola. Maagang bumalik sa trabaho si Janella. Mabuti na lang at napagbigyan sya ng mga Diyos at idinaan sya sa bilihan ng mga pasalubong dahil alam niyang kukulitin siya ng mga kaibigan. mga kaibigan. “Wow, ang ganda naman ng pagkakahabi ng bag na ito. Love it!” Tuwang sabi ni Jesa. “Tamang tama ito sa summer, ito na lang ang gagamitin ko.” segunda naman ni Sarah. “Oo nga no? Salamat dito friendship.” Yumakap pa si Jesa sa braso ni Janella, “Saan ba tayo ngayong summer? Kailangan ko na yata mag diet para summer ready.” “Anong summer ready? May outing tayo?” Singit ni Jio na bagong dating. Ngumiti ito sa kanya nang abutan niya ito ng iced coffee. “Salamat.” ani Janella tumingin sa bagong mukha na kasama ni Jio. “Kasama ka ba?” pagtataray ni Sarah. “Nagtatanong lang eh. Nasaan nga pala yung pasalubong ko?” nakangusong sabi ni Jio. Inabot ni Janella ang wallet na may keychain kay Jio at muli na namang napatingin sa kasama nya dahil kanina pa itong nakatitig kay Janella. Naiilang na tuloy ang dalaga sa mga tingin niyang iyon. “Ah! Oo nga pala bago nating katrabaho, si Agares pero Ares nalang daw for short.” Pakilala ni Jessa, “Ares, si Janella. Single yan.” natatawa nyang dugtong “Baliw.” reaksyon ni Janella saka ngumiti kay Ares, “Ang unique naman ng pangalan mo. Parang tunog ibang lahi.” puna nito saka nakipag shake hands, parang may dumaloy na kakaibang init mula sa palad ni Ares patungo kay Janella. Hindi ito tulad ng normal na pakiramdam ng katawan ng tao… para itong nagbabagang alon na dumaan sa kanyang balat, nagdulot ng banayad na kilabot sa kanyang spine. Sinubukan niyang alisin iyon sa kanyang isip. “Marami nga ang nagsasabi na kakaiba daw ang pangalan ko pero para sa akin e parang wala namang kakaiba.” aniya saka tipid na ngumiti. Nagtagal ang titig ni Ares sa kanya, parang sinusuri siya nang mas malalim kaysa sa dapat. Gaya ng dati sabay na kumain ng lunch ang tatlo at may additional member na sila na si Agares dahil naging malapit ito kay Jio kaya madalas na yayain ito ng binata sa mga lakad nila. Pagkatapos ng trabaho ay nagkayayaan sila na mag hapunan sa apartment ni Jio. Nag volunteer si Janella na siya ang magluluto ng sinigang na baboy habang ang iba ay nasa rooftop at nag iihaw ng BBQ. Si Jio naman ay bumili ng kanilang maiinom na beer. Busy si Janella sa paghihiwa ng mga sangkap ng sinigang at para hindi sya maboring ay nag patugtog ito ng playlist nya sa kanyang cellphone. Sinasabayan nya pa itong kumanta habang naghihiwa ng talong. “May maitutulong ba ako.” tanong ni Ares na ikinagulat ni Janella. Pakiramdam nya kanina pa itong nakatayo sa harapan nya at pinapanood siya sa kanyang ginagawa. Impit na ngumiti si Janella. “Okay lang. Patapos na naman ako. Pero kung gusto mo talagang tumulong e ikaw na ang magpakulo ng baboy sa malaking kawali.” sagot nito. Agad na sumunod si Ares sa sinabi ni Janella. Kumuha ito ng malaking kawali at nilagyan ng tubig saka isinilang sa kalan. Pinanood lang sya ni Janella at sa tuwing susulyapan siya ng binata ay bumabalik siya nang tingin sa kanyang paghihiwa ng gulay. Nawewerduhan kasi siya sa binata. Pakiramdam niya ay may kakaiba dito lalo na sa energy na taglay nito. Hindi lang nya mawari kung ano ang nararamdaman niyang iyon. Hindi naman siguro inis dahil mabait naman ito sa kanya at isa pa, gwapo at matipuno ang pangangatawan ni Ares kaya impossible na kainisan niya ito. Nailing na lang itong napatawa sa kanyang iniisip. “Yung mga kanta mo sa playlist mo… Pansin ko puro tungkol sa buwan.” puna niya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti dahil napansin pa niya iyon. Mukhang matalino at observant din itong si Ares dahil napansin pa niya ang simpleng bagay na iyon. “Oo. Mahilig kasi ako sa buwan.” maikli kong sagot. “Pareho pala tayo. Mula bata ay mahilig na ako sa buwan. Nagpatattoo pa nga ako dito eh.” Itinaas niya ang sleeve ng polo niya at pinakita kay Janella ang kanyang full moon tattoo. “Wow. Ang ganda! Gusto ko din sana magpatattoo ng ganyan pero ayaw kasi ni lola e. Nakakainggit naman.” nakanguso nitong sabi. “Bakit mo nagustuhan ang buwan?” tanong niya. Bakit nga ba? Ang daming dahilan kung bakit pero si Luan ang agad na pumasok sa isip ni Janella. “Kasi… ang ganda ganda talaga ng buwan. May something mysterious about it. Lagi natin siyang nakikita sa gabi, pero parang may tinatago pa rin siya. Connected din siya sa tides at natural cycles, kaya parang may sariling rhythm ang mundo because of it.” sagot nito saka tumingin kay Ares na nakatitig sa kanya. Ngumiti pa ito at mukhang nagustuhan ang sagot ni Janella. “Pareho tayo ng naiisip. Sa iba’t ibang kultura, ang buwan ay sumisimbolo ng femininity, sa iba't ibang yugto ng buhay… parang tayo rin, nagbabago pero nananatiling maganda sa bawat pagbabago. At kahit nasa gitna ng kadiliman, nagbibigay ito ng kakaibang katahimikan at sobrang nakakamangha.” Aniya. “Oo nga no? Ang galing mo sa part na yan,” pagsang ayon ni Janella at aminadong namangha sa sinabi ni Ares. “Siguro kaya ang daming tao ang nafa-fall in love sa buwan, kasi hindi lang siya basta ilaw sa langit… it’s a reminder na kahit may dilim, may kagandahan pa rin." Aniya at proud na tumingin kay Ares dahil kahit papaano ay may napulot siyang aral mula dito. Nagpatuloy ang pagpapalitan nila ng kwento tungkol sa pagkahilig nila sa buwan habang nagluluto. Enjoy na enjoy ang dalawa sa kanilang topic lalo na si Janella dahil sa wakas ay nakahanap siya ng kapareho ng hilig. Inasar tuloy sila ni Jio ng makita na nag eenjoy sa kanilang kwentuhan. “Baka mamaya hindi na moon ang topic niyo. Honeymoon na.” pang aasar ni Jio bago ito umakyat ng rooftop. “Baliw ka talaga!” Sigaw ko saka tumingin kay Ares. “Ikaw muna ang bahala dyan mag CR lang ako. Chill ka lang muna sa mga music ko habang wala ako.” paalam nito saka tumakbo sa CR dahil kanina pa niya pinipigilan ang ihi. Tumagal siya ng limang minuto sa CR dahil naglabas na din ito ng sama ng loob. Ang huli kasi niyang pag dumi ay noong isang araw pa. Bago siya lumabas ng banyo ay nag spray muna sya ng pabango para hindi nakakahiya sa susunod na gagamit. Pagbalik nito sa kusina ay wala na si Ares. Marahil ay umakyat din sa rooftop. Nang makita niyang umaawas na ang laman ng kawali sa sobrang pagkulo ng sinigang ay agad niya itong nilapitan upang pahinaan ang apoy. Naghanap agad siya ng pamunas upang punasan ang mga umapaw na sabay pero naagaw ng atensyon niya ang kanyang cellphone na basag ang screen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD