CHAPTER 1 - Moon Eater

1909 Words
2000 years later… “Sorry. Times up! I really have to go. Ciao!” Paalam ni Aine sa Direktor ng kanilang ginagawang pelikula. “What the hell?!” Inis na bulyaw ng direktor. "Pabalikin mo rito ang babaeng iyan!" galit niyang utos sa staff. Tinakbo ng babaeng naka itim na blusa si Aine upang pigilan na umalis. Wala siyang choice kundi ang pigilan ang pinaka malditang artista na kilala niya. "Ma'am Aine," nanginginig na tawag niya dahil naririnig ang sermon ng direktor sa buong set. “Tell him to shut up!” Iritang utos ni Aine sa kanyang PA. Narinig ito ng mga staff na humahabol sa kanya, kaya't huminto ito. Pagdating sa tent, naririnig pa rin nila ang nagngingitngit na direktor. “Ugh! I don’t want to ruin my mood.” Irap nito habang umiinom ng raspberry juice na ibinigay ni Santelmo. “Ako na ang bahala.” ngumiti si Santelmo bago lumabas ng tent. Malakas na hiyawan ang umalingawngaw sa set dahil sa biglang pagsiklab ng apoy. Maya-maya pa, bumalik si Santelmo. Napangiti ito at pinapagpag ang kanyang mga kamay. Biglang nag-ring ang cellphone ni Aine dahil nasa harap na ng hotel ang kanyang kapatid na si Sol na matagal nang naghihintay sa kanila ni Santelmo. "Alam mo na ang gagawin mo, ha?" sabi ni Aine sa kanyang PA, saka naglakad palabas upang puntahan ang kapatid. Kinindatan siya ni Santelmo bago sumunod kay Aine. Nakasandal sa sasakyan si Sol suot ang itim na sunglass at pulang suits na may itim na necktie. Nakasimangot naman si Bituin na nakaupo sa loob ng sasakyan dahil sa pagka-inip. Umiling ito nang makita si Aine at inirapang sinara ang bintana ng sasakyan. “Wow! Matching outfit with her brother. Lovely!” Asar ni Santelmo nang mapansin ang parehong kulay ng damit nina Sol at Aine saka ngumisi. Inirapan lang siya ng dalaga bago sumakay sa sasakyan. Agad namang sumunod si Santelmo. "Akala ko aabutin pa tayo ng gabi sa paghihintay sa iyo," reklamo ni Bituin. “Akala ko din my dear cousin.” banat ni Aine na may pag-iling. Tumawa ng palihim si Santelmo. “Si Luan?” Tanong ni Aine. "Nandoon na kanina pa," sagot ni Sol na mabilis na pinaandar ang sasakyan. "Excited ka ba? Bakit kailangan pa nating gumamit ng sasakyan? We can teleport there, my dear brother.” Patuloy ni Aine. "Tama ka," sang-ayon ni Santelmo, saka kumindat pa kay Diyosa ng Araw. Nakarating sila sa tulay kung saan nag-uugnay ang mundo ng mga tao at ng mga diyos. Makikita sa mga mukha nila ang kaligayahan at kaba. Nagpalitan sila ng tingin bago magsimula ng kanilang mga unang hakbang, subalit bigla silang tumilapon dahil sa sagradong harang na humadlang sa hagdan. “What the f*ck is this?” sabi ni Sol, at tiningnan si Luan nang may pagtataka. Sinubukan ni Santelmo na muling bumalik sa tulay ngunit muli din itong tumilapon. Nagkatinginan ang magpipinsan at nagnanais na malaman ang dahilan. "Explain this, Luan. Why can't we cross that sacred bridge?" sigaw ni Bituin nang may takot. “Hindi ko alam.” sagot ni Luan ng may pag-aalinlangan. “Panginoong bathala, please! Let us pass. It's already been 2000 years," pakiusap ni Aine, na may luhang pumapatak. “Hindi kaya isa sa inyo ay may ginawa na namang matinding kasalanan?” sabi ni Santelmo, habang isa-isa niyang tiningnan ang apat. Nagkatinginan ang magpipinsan at pawang umiling. "Being mataray and hot-tempered is not a mortal sin. So, it's not me," tanggi ni Aine, at masamang tiningnan si Bituin. “Wala akong ibang ginawa sa mundong ito kundi ang umawit sa loob ng dalawang libong taon. Of course, it’s not me.” sabi ni Bituin ng may pagkabigla, habang tinitingnan si Sol. "Mortal na kasalanan ba ang maging babaero? Hindi ko naman sila pinagsabay-sabay," depensa ni Sol. “It’s still a sin!” mariing sabi ni Aine. "Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi tayo makatawid sa tulay na 'yan!" mariing depensa ni Sol. "Ano ba ito, Luan?!" “I doubt it’s Luan. Dinaig pa niya ang mga monghe sa bundok kung lumabas ng kanyang lungga.” depensa ni Bituin para sa kaniyang pinsan na si Luan. Nakatingin ngayon ang apat na magpipinsan ng masama kay Santelmo. Napaurong siya at nagkamot ng ulo sa kalituhan. “I’m a good boy. Hindi ba Aine?” aniya at nagtago sa likod ni Aine. Kahit anong pagpupumilit nilang makalampas sa tulay ay paulit ulit lang silang tumatalsik. Kaya naman, nang mapagod sila, bumalik sila sa mansyon ni Luan dahil ito ang pinakamalapit na bahay sa kanilang apat. Pabagsak silang naupo sa mamahaling sofa na kulay puti na may gintong metal. Tahimik silang nag-iisip kung ano ang dahilan at bakit hindi pa sila pwedeng bumalik sa paraiso. Walang imik naman na tumayo si Luan para muling umalis. “Saan ka pupunta?” Tanong ni Sol. “Wala kana roon.” Malamig niyang sagot. Isang kisap-mata lang ay hawak na ni Sol ang kwelyo ng damit ni Luan at gigil na tinitigan ang pinsan. "Ang lakas ng loob mong sabihin iyan ngayon, gayong ikaw naman ang puno't dulo kung bakit tayo nandito sa mundo ng mga tao!" mariin nitong sabi. Inalis ni Luan ang kamay ni Sol sa kanyang damit at inayos ang sarili. “Baka nakakalimutan mo kung sino ang may dahilan kung bakit muling nakawala ang Bakunawa.” Aniya. Muling sumugod si Sol at sinapak si Luan. “Alam mong hindi ko sinasadya na-” “TAMA NA!”sigaw ni Bituin at pinaghiwalay sila ng buong lakas. Tumilapon ang dalawa sa magkabilang direksyon at masamang tumingin kay Sol. Nagningning ang kanyang mga mata na kulay bughaw dahil sa galit. "Hindi ito ang tamang panahon para magsisihan. We have to figure out what's happening, and we can only do that if we work together," Patuloy niya. “Look who’s talking.” irap ni Aine kay Bituin. Nanlilisik na mata ang ipinukol ni Bituin kay Aine at nagbabadyang sumugod, ngunit pinigilan ito ni Luan. “Let’s go Sol.” yaya ni Aine sa nakatatandang kapatid at naglakad palabas ng mansyon. Sumunod naman si Santelmo, at gayundin si Sol na tumingin muna ng masama kay Luan. Aalis na din sana si Luan pero pinigilan siya ni Bituin hawak sa palapulsuhan. “Kay Aman Sinaya ba ang tungo mo?” tanong ni Bituin, ngunit tinanguan lamang ito ni Luan. "Pwede ba akong sumama?" ang sunod na tanong niya. Marahan namang tumango si Luan at sabay silang naglaho. Bigla silang lumitaw sa isang pier, maswerte na walang tao sa lugar na iyon dahil tiyak na magdudulot ito ng takot sa mga makakakita. Bakas sa mukha ni Luan ang labis na pagka-inis. Maraming beses nang naglaho, ngunit madalas itong bumabalik sa dati niyang pwesto, tila isang ilaw na patay sindi. Kinakabahan si Bituin habang pinapanood si Luan, dahil siya rin ay nagugulumihan kung bakit hindi sila makapag-teleport patungo kung saan naroon si Aman Sinaya. Lumabas ang malakas na hiyaw ni Luan sa sobrang galit. Unti-unti nang dumilim ang kalangitan, isang palatandaan na hindi na natutuwa ang Diyos ng mga buwan sa mga pangyayari at hindi maganda ang dulot nito sa kalikasan at sa mga tao. Mabilis na tumakbo si Bituin patungo sa kanyang pinsan at hinawakan ito sa braso. “Pakiusap, kumalma ka Luan.” naiiyak na pakiusap niya. Tuluyan nang dumilim ang paligid at malakas na kulog ang kumalat sa paligid. Kasunod nito ang nagngangalit na kidlat na gumuhit sa kalangitan. “May iba pang paraan upang puntahan si Aman Sinaya.” ani Bituin. Mariing tiningnan siya ni Luan, naghihintay ng susunod na sasabihin. "Sasakyang pantao," madali niyang sabi dahil alam niyang hindi magugustuhan ni Luan ang kanyang mungkahi. Muling sumigaw si Luan, kasabay ng pagguhit ng kidlat sa silangang bahagi ng kalangitan at ang nagngangalit na kulog na parang nagbabanta. Simula ng kainin ng Bakuna ang kanyang ina ay labis ang muhi nito sa mga tao dahil sila ang may kagagawan kung bakit nakawala noon ang bakunawa may dalawang libong taon na ang nakakaraan. Sa loob ng maraming taon na pamamalagi nito sa lupa ay wala itong naging kaibigan na tao at nagiging malupit rin ito sa pagpaparusa sa kanila sa tuwing may mabigat na kasalanan na nagawa ang mga tao na nakasalamuha niya dahil nababasa nito ang nakaraan at kasalukuyan ng isang mortal sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay. He possesses the ability to manipulate human sanity, and the majority of the sinners he apprehends end up succumbing to insanity. Inabutan siya ni Bituin ng paboritong yogurt soda saka tumayo sa tabi ng binata at pinagmasdan ang malawak na karagatan. Sakay sila ngayon ng pampasaherong ferry boat, patungo sa isla kung saan matatagpuan si Aman Sinaya. Kauna-unahan sa pasaherong bumaba si Luan kasunod si Bituin. Animo’y mga turista na balak magbakasyon sa islang iyon, kaya lumapit sa kanila ang isang magandang binibini na may ngiti sa labi, habang ipinakita ang karton na may nakasulat na "Tourist Guide for Hire." May tila kakaibang nararamdaman si Luan nang magtagpo ang kanilang mga mata. Mariin pinagmasdan ang ngiti ng babae sa harap niya, habang sinikap niyang maunawaan ang hindi pangkaraniwang emosyon na labis na nagpapabilis sa t***k ng kanyang puso. Ito'y hindi pa niya nararamdaman kailanman sa buong buhay niya. Ngayon lamang ito nangyari. "I'm Janella, and I can be your guide for this tour. I'll provide you with all the information about the sights you'll see on this island. If you have any questions, feel free to ask. It's my job to answer them," sambit ni Janella nang may sigla sa kanyang boses. Nakapukaw naman ng pansin niya ang kakaibang kulay ng buhok ni Luan na puti, kaya't tila namangha siya sa kagwapuhan nito. Yumuko si Luan at agad din na tumunghay saka nilampasan si Janella na parang hangin. Tahimik naman na sumunod si Bituin "Ma'am, my fee is more affordable compared to the other guides here. Please consider hiring me, ma'am," Kailangan niya kasing kumita upang maipambili ng gamot para sa kanyang lola na si Estella. “Ma’am. Sir, please?” dagdag pa niya habang desperadong hinarang ang dalawa. “Move.” utos ni Luan nang may pagkairita dahil naaalintala niya ang pagpunta nila kay Aman Sinaya. Tinapik siya ng kanyang pinsan at ngumiti habang tinitingnan si Janella. “Kung maituturo mo sa amin ang kinaroroonan Bakunawa, we will hire you.” Biro ni Bituin na ikinainis ni Luan. “Nababaliw ka na ba?” Lingon nito kay Bituin. Ngunit nanatiling nakatitig si Janella sa dalawang turista at pilit na ngumiti nang tumingin sa kanya si Bituin. “Bakunawa?” Ulit nya. "Yeah, the moon-eating monstrous serpent. Do you know where it is?" nakangiting tanong ni Bituin. Nagulat at nanghihinayang si Janella dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang ganitong katanungan. Sa tingin niya ay may sayad sa utak ang dalawang ito. Bakit naman kasi hahanapin ng dalawang turistang ito ang isang kathang-isip na halimaw na marahil ay gawa-gawa lang ng mga ninuno nila para takutin ang mga bata? Nang walang maibigay na sagot si Janella, muli siyang nilampasan ng dalawa. “Ugh!” Mahinang hinampas niya ang kanyang brochure sa noo at napatingin sa larawan na nakalagay doon. “Oo nga no?” Halos mapunit ang labi niya sa pag-ngiti at agad na hinabol ang dalawang turista. “Teka! Alam ko kung nasaan ang Bakunawa,” habol niyang sabi, kaya naman sabay na huminto si Luan at Bituin at nilingon si Janella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD